Ikalabing-tatlo

52 6 0
                                    

Jaydee

Tumingin ako kay mama para makita ko ang reaksyon niya at bakit parang hindi masaya si mama nung binaggit ang pangalan ni papa? Hindi ba siya masaya na hindi niya kasama ang ultimate crush niya? O baka may mga kaagaw rin siya sa first love niya?

Maganda naman si mama, maputi, matangos ilong, maliit na mukha, mapag hahalataan mo nga siyang artista e, pag sa unang tingin akala mo artista na amerikana. Tsaka nasabi rin kasi ni mama na yung lolo niya ay amerikano tas ang lola naman niya ay kastila slash filipino.

Dahil don ay nacuriuos ako sa kung ano nga ba ang itsura ng papa ko. Kung gwapo ba siya? Matangkad? Yung mga katangian ng isang papa na mamahalin ko sakanya. Ever since kasi si Mama nalang ang sumusuporta sa akin kaya parang minsan hindi ko na naiisip kung may papa pa ba ako.

Marami ngang iba dyan eh kung ano-ano na ginagawa para lang mapansin ni crush tapos siya di siya happy? O kaya di pa niya sinasabi na crush siya nito? O may mahal pa non na iba si Papa, 'e pano naman ako nabuo? Kung di nila mahal ang isa't isa, saka bakit wala si papa ngayon kung mahal naman niya si mama?

Yung ang dami mong tanong pero ni isa walang sumasagot dahil di rin nila alam, tapos matutulog ka at maiisip mo na ikaw rin naman pala ang makakasagot sa bawat tanong mo.

Agad akong tumingin kay mama at nagtanong...

"Sino po si papa? Nasan si papa? Buhay pa ba si papa? Bakit ganan ang naging reaksyon niyo nung binanggit niyo ang salitang 'papa'? Gusto ko siya makita! Patay na ba siya? May-may asawa ba siyang iba? Ano? Simula bata palang ako atat na atat ako na mag katatay, ni ayoko ngang magtanong kung meron ba akong tatay, kasi nahihiya ako, kasi natatakot ako, kasi baka pag nagtanong ako hindi niyo sagutin" napapaiyak na ako sa mga bawat na salita na nailalabas ng utak ko.

Nakatingin ako kay Mama pero hindi siya nakatingin sa akin, napapaluha na rin siya pero agad naman niya itong pinupunasan para siguro hindi ko makita.

"M-may ibang a-asawa ang p-papa mo" nanginginig na sabi ni Mama. Pilit man palakasin ang loob ay hindi na nagawa.

Napatigil ako doon, natulala sa kung saan.

"B-bakit di niyo agad sinabi?" Naiiyak ko na talagang sinabi.

"Dahil ayaw kong malaman mo na iniwan tayo ng papa mo dahil mahirap rin sa akin na mawalan ng asawa!" Sigaw niya sa akin, she's in pain.

"Bakit hindi ko ba nararamdaman yon simula pa dati? Nangangailangan rin ako ng tatay pero pinagkait nyo sa akin!" Yan nalang nasabi ko dahil parang naging blanko ang buong isip ko dahil sa sinabi ni mama.

"Dahil ayos naman tayo kahit wala siya hindi ba? Namuhay tayo kahit wala siya! Pinalaki kita kahit walang sukusuporta na tatay sayo! Akala ko dahil kaya hindi ka na nagtanong noon dahil okay na tayo sa pamumuhay natin ngayon!" Taas baba ang dibdib ni Mama at mukhang humugot ng malalim na hininga bago iyon sabihin sa akin.

Napatigil ako sa kinakatayuan ko at tinignan ko ang sarili ko ngayon, masyado ako nagpadala sa galit ko para lang malaman kung sino ba si papa.

Napaisip ako dahil doon, tama nga naman si Mama, okay ako kahit walang tatay na umaalalay sa akin.

Unti-unti ako lumapit kay mama at yumakap, niyakap niya rin ako pabalik.

"Ma sorry po!" Utangal ko sakanya ng makalipas ang ilang minuti na aming pagkatahimik.

"Okay lang, alam ko naman na nangangailan ka rin dahil wala ang papa mo" sabi pa niya habang nakangiti.

"Pero pwede ko bang malaman kung sino si papa?" Tanong ko.

"Oo naman" parang di mapalagay na sinabi ni mama.

At iniisip kung ano ba mangyayari kung magkikita na kami, kung nakasama ko ba siya. Marami na akong naisip na pwede naming interaksiyon but I think that would never happen kung may ibang asawa si Papa, hindi ko naman iyon ikakasama but I think kailangan ko iyong tanggapin.

Wala siya halos ilang taon at ngayon pa ba ako magdadamdam na mayroon siyang ibang kasama? Pinalis ko iyon sa isipan saka sinubukan na halungkatin ang lahat ng alaala ko pero wala akong matandaan na nakasama ko si Papa, kung hindi si Mama o si Mayette.

Nung mag tatanong pa ako kay Mama ay may biglang may sumigaw kaya agad akong napatingin doon.

"Hoy! Jaydee paki-tawag nga ang mama mo! May naghahanap sa kaniya" yun ang pagkakasabi ni aling bering.

Napatigil si mama at kahit mabilis lang yon ay kitang kita ko, kinalas ko na ang pagyayakap ko sa kaniya. Tinignan niya ako at ngumiti naman siya ganon rin ako.

Umalis na siya, sumunod naman ako, titignan ko kung sino yung nasa labas, nung alam niyang sumusunod ako ay tumigil siya at saka humarap sa akin.

Nagulat naman ako dahil don kaya tumigil rin ako.

"Ah, wag ka na sumunod baka mga kumare ko lang yon, hugasan mo nalang yung mga plato" sabi niya habang naka seryoso siyang nakatingin sa akin, ngumiti naman siya nung alam nyang natatakot ako sa itsura niya.

"Ah sige po" sabi ko at unting unti tumalikod.

Dere-deretso ako palakad nung narinig ko na sinarado na ni mama yung pintuan hudyat na nakalabas na siya.

Ako naman ay pumunta sa kusina at inilagay ang mga hugasin sa lababo bago ko hugasan.

Nandito na ako sa kwarto at nag c-cell phone, baka sakaling may mahanap na updates para kay Clark o sa mga Kpop.

Halos lahat ng news feed ko mga taga update dito sa aming mga normal kpop fans. I need more and new updates. Kaya salamat sa mga nag uupdate na mga kpop fan diyan sa fb.

Nakita ko na nakailang panalo na yung comeback ng BlackPink ganon rin sa BTS, naglabas ng new single si Chanyeol ng EXO, tsaka sa Twice!

Nakakatuwa na wala na akong nakikitang fanwars about sa BTS at Twice at sa iba pang fandoms.

Im His FanGirl (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon