"Ilang araw ba tayo mamamalagi do'n?", tanong ko sa kanila. Tumanggi si Mang Raul na siya ang maghahatid sa amin sa isla. Sobrang delikado daw kasi.Kasalukuyan kaming naghahanap ng bangkero dito sa daungan. Ang dami namang bangkero pero walang sinumang pumayag na ihatid kami. What's with that island? Iisa lang ang sinasabi nila, wala daw nakakalabas ng buhay doon at nakakamatay daw? Kapag tinatanong naman namin sa sila kung anong meron, ayaw naman nilang sasabihin.
Ang damot nila sa information ah.
Ang ganda kaya noon sa picture. It is a hidden paradise that only few people knew it exist. At gusto naming masali sa isa sa mga iilang na nakadiskubre sa islang iyon. That's why I'm planning to make a vlog if we'll arrive there.
" One week lang Shy", sagot sa akin ni Lawrence while showing his cute smile. Then he offer me his food-- chicharon. Nagkwentuhan lang kaming dalawa sa tabi while yung iba naghahanap pa ng bangkero.
"Sa tingin mo, maganda talaga doon?", tanong niya sa akin. Kumuha ako ng isang piraso chicharon saka sinubo.
Hindi ko napansin na malaking chicharon pala yung sinubo ko kaya nagkanda ubo-ubo ako dahil nabilaukan. Ramdam ko ang pamumula ng aking buong mukha.Napalaki naman ang kaniyang mga mata dahil sa gulat.
" Shy, dahan-dahan naman...wait", tiningnan ko lang siya habang natataranta dahil sa nakita. Ang OA naman nito. Ang layo kaya sa bituka.
Kinuha niya sa kanyang backpack ang isang mineral water saka niya inabot sa'kin.
"Huwag kang mag-alala, hindi ko pa nainuman 'yan", saad niya. Alam na alam 'yong iniisip ko. Ininom ko ito at nang malunok ko na 'yong chicharon sa bunganga ko, saka ko sinagot ang katanungan niya kanina.
" Salamat...for me, maganda iyong island eh. Makikita naman sa mga picture ni Cathy na maganda yung view, Instragramable. Tyaka parang sobrang peaceful. Private ata 'yung islang 'yon eh. Tyaka white sand din! Parang Boracay lang. Tyaka alam mo---Lawrence! Ba't mo inubos!", dahil sa kakadaldal ko, 'hindi ko napansin na inubos na niya pala yung chicharon.
"Inubos ko na, baka kasi kakainin mo na naman ng buo at mabilaukan ka pa", sabi niya na mukhang proud na proud pa sa ginawa niya."Letshe ka talaga!", sigaw ko sa kanya saka siya sinabutan at hinahampas. Hindi nagtira ang walang hiya.
"Hey lovers in daungan! Tara na! May nahanap na kaming bangkero!", sigaw ni Nicholas sa amin. Kahit kelan talaga yung lalaking 'yon, panira ng moment eh.
Sumakay na kaming lahat sa bangka. Malaki naman itong bangka ni Kuya Arnold na kulay asul. Kaya kasya yung iilang mga dala namin.
" Cath, 'pano ninyo nakumbinsi si Manong?", bulong ko sa kanya. Halos kasi lahat ng bangkero doon umayaw sa offer namin. Ang lakas siguro ng convincing skills ng mga ito.
"Hindi nga rin sana papayag si Manong eh kung 'di namin sinuhulan ng malaking pera. Kailangan daw niya dahil may sakit ang anak nya, kaya ayun! He grab the opportunity! ", so there's something in that island, naging masama tuloy ang kutob ko dito.
"Teka lang tatanungin ko muna si Manong", sabi ko sa kaniya. I was curious of their reasons, alright.
Naglakad ako ng mabilis upang maunahan sila. Papunta na din kasi sila sa puwesto ni Manong dala ang kanilang mga bagahe.
" Uhm..Manong? Ano pong meron sa islang iyon? Bakit takot kayong lahat? May mamamatay tao po bang nakatira doon?", tanong ko agad sa kanya ng lumapit ako sa pwesto nya. Nagpang- abot ang kaniyang kilay at tila'y pinipilit na itago ang tunay na expression.
"Hija, 'di ako sigurado ah? Pero may sabi-sabi kasi na may mga engkanto at diwata daw sa islang iyon. Pero iyon lamang ay isang sabi-sabi. Alam mo na, nadadagdagan ang mga estorya kapag natagalan katulad ng mga kwentong-bayan, alamat at iba pa. Basta mag-iingat kayong magkakaibigan doon. Babalik ako dito sa Miyerkules para sunduin kayo, sabi nga ng kaibigan nyo sa akin. Binayaran na kasi ako", sabi niya.
Gusto ko pa sanang magtanong pa ng marami pero naputol ang aming pag-uusap dahil sa paglapit ng aking mga kaibigan. Makaraan ang ilang minuto, nakasakay na kami na kaniyang bangkang de motor.
Mainit ang araw kaya nagkikislapan ang tubig sa dagat. My friends and I take some pictures for remembrance and to post it in social media.
" Mga hija't hijo..ayon na ang La Isla De Las Monecas", sabi ni Manong na nagpahinto sa aming ginagawa. Hindi namin namalayan na umabot na pala kami ng ilang oras sa picture taking. Tinuro niya ang malaking isla sa hindi namin kalayuan. Kitang- kita mula dito ang white sand at kuweba na katulad doon sa nakita namin sa picture.
"Ano pong kinalaman ng pangalang Monecas sa islang iyon, Manong?", Bea asked him.
"May mga manika daw kasi sa islang iyan, ewan ko lang kung totoo", sagot naman ni Manong. Okay lang kung mga barbies pero 'wag naman sana yung mga nakakatakot na manika.
Malayo pa lang kami sa isla, naramdaman ko na ang matinding kaba ko. 'Di ko alam kong ba't ko 'to nafefeel. Well, epekto na ata ito ng panood ng mga movies.
Sadyang tahimik ng lugar pero maganda ang paligid. Parang bora in a peaceful way.
Sobrang peaceful.
Nang makalapit na kami sa isla, may nakita kaming lumang plywood na karatulang may isinulat sa pulang pintura.
Nakapuwesto ito papasok sa kuweba na nagsisilbing lagusan papasok sa mismong isla.
It was written in a creepy way plus parang malalaglag na yung karatula.
At ang nakasulat ay ...
'Welcome to La Isla De las Monecas'Should we be scared or push this through? Bago pa ako umatras, nakalayo na si Manong sa amin. Iniwan na niya kami at hindi alam kong babalikan niya ba talaga kami.
"Paano mo nasisiguradong babalikan pa tayo ni Manong, Cathy?", I quickly asked her.
Tinanggal niya ang shades sa kaniyang mata at ipinatong sa kaniyang ulo. "Hmm.. connections", simple niyang sagot. Mayaman si Cathy kaya hindi na impossible iyon.
"Pero paano mo nga masisiguro eh walang signal at connection dito?", galit na sabi ko sa kaniya at ipinakita ang aking phone.Nasa malayo ang iba naming kaibigan, busy sa pag p-picture taking kaya imposibleng marinig nila kami.
Nang makita na totoo ang sinabi ko. Napamura nalang siya at napasabunot sa kaniyang buhok.
BINABASA MO ANG
ISLAND OF DOLLS ✔️ (Now Available in Good Novel)
Horror**Highest Rank: #1 in dolls*** MANIKA. Isa sa pinakapaboritong laruan ng mga bata lalong-lalo na sa mga babae. Minsan, nangongoleksyon pa nga ang iba at ginagawang display. Gusto o hilig mo ba ang mga manika? Ako kasi hindi na. Simula nang mapunta k...