"Ramdam ko na ang paghahanda ng mga kalaban", ani ng isa sa mga pulis habang nakatanaw sa mga manikang nagsimula ng pumasok sa isang silid sa isang sementeryo.Isang sementadong silid na may itim na pintura sa buong silid. May luma din itong pintuan at makikita mo na sa malayo pa lang ang maraming mga spider webs sa labas at loob. Dahil ito'y isang sementeryo, makikita mo talaga ang mga libingang nabibiyak na ang mga semento at kitang-kita na ang mga buto ng mga nakalibing, mga naging kulay berde na dahil sa algae at maraming mahahabang damo sa paligid. Isali mo pa ang mga matatayog na mga puno sa paligid at may mga walang buhay pang mga manikang nakasabit. Nakangisi, nakabitay, walang mga ulo, nakabukang mapupulang mata at iba pa. Isang nakakatakot na lugar kung saka-sakaling dito mag-aaway ang magkabilang panig. Pero sabi nga nila, 'Papaano ba't naging pulis kami kung dito palang ay natatakot na? Pa'no namin masosolve ang isang kaso kung paiiralin namin ang aming mga takot?'. Sila'y mga taong sanay na sa panganib. Kahit buhay man nila ang kapalit, handa nilang ibigay alang-alang sa kanilang mga mamamayan at sa bayan.
" Ihanda nyo na ang mga sarili nyo kung ano mang mangyari. Hintayin nyo lang ang aking command saka natin isagawa ang planong sinabi ko sa inyo kanina", ani ng kanilang hepe na hindi natatakot sa lugar kung saan gaganapin ang kanilang bakbakan. "Yes, Sir", sagot naman ng mga pulis na prepare na prepare na sa bakbakan. Nagdadasal sila sa kanilang kaloob-looban na magiging maayos din itong gulong ito at mailigtas ang mga bihag.
Wala ng mga manikang nasa labas ng sementeryo. At tumahimik ang paligid. Nakakapagtataka. Isa lamang iyong maliit na silid! Pero halos daan-daang manika ang pumasok sa loob. Sumenyas na ang kanilang hepe na pumunta na ang mga pulis sa kanilang mga kani-kanilang pwesto upang isagawa ang kanilang mga plano. Tahimik pa rin ang paligid at wala kang maririnig na ingay sa loob ng itim na silid. " Ba't ganun? Di ba dapat mag-ingay sila dahil marami silang pumasok sa loob? Baka kasi di sila magkasya dyaan, ang liit lang kaya", komento sa isang pulis habang nakadapa sa lupa, nakamasid pa rin sa aksyon ng kabilang panig. "Oo nga no? Nakakapagtataka", sang-ayon naman ng kanyang kasamahan.
Maya-maya, isang malakas na sigaw ang umalingaw-lingaw sa paligid. Isang matinis na tinig na nakakasakit sa tenga na halos umabot ng sampong minuto. Napamura pa ang mga pulis at agad-agad na nagtakip ng kani-kanilang mga tenga ng marinig ito. Patuloy pa ring nag-antay ang mga pulis sa pagbukas ng lumang pintuan ng silid upang maisagawa na nila ang kanilang mga plano.
Maya-maya, biglang bumukas paunti-unti ang pintuan. Napamura pa ang mga pulis ng makita nila ang isang taong minasacre na nakahiga sa silid. Sa kondisyon nito, wala na itong buhay dahil sa labis nitong natamo. Butas-butas ang pisngi na inuuod na at hindi na nga ito makilala. Wala na ang lamang loob nitong dahil kitang-kitang na wala na itong kidney, large at small intestines, puso at atay, dahil ribs nalang ang natitira dito. Nakakasuka. Nakakadiri at nakakaawang tingnan ang sinapit ng taong nakahiga ngayon.
'Baka isa ito sa mga bihag', ito ang nasa isip ng mga pulis habang pinagmamasdan pa lang ang biktima. Baka kasi isa lamang itong pain at sila pa ang madehado. Yumanig ang silid. Napanganga pa ang ilang pulis dahil ito'y imposibleng mangyari sapagkat ito ay isang sementadong silid. Tapos biglang nagkaroon ng crack ang silid. "Magigiba na ata! Ang mga bihag!", sigaw ng isang pulis. Lumapit na sila ng kunti kesa sa kanilang pwesto kanina pero di pa rin sila gumagawa ng aksyon at nakamasid pa rin sa mga posibleng mangyari at nagdarasal na di sana napahamak ang mga bihag.
Gumuho ng tuluyan ang itim na silid. Natabunan din ang wala ng buhay na taong kanina na nahiga sa sahig. Habang gumuho, kumakapal ang usok dahil sa semento. May naaninag ang mga pulis na tatlong malalaking nilalang na nakatayo sa silid na gumuho. Parang nasa pelikula ang mga nangyayari ngayon.
Maya-maya, nawala na rin ang makapal na usok at tanaw na tanaw ng mga pulis ang tatlong malalaking manika na nakatayo kaharap nila. Nakakatakot. Nakakatakot sila lalo. "Paano natin sila mapupuksa ngayon, eh parang naging transformers ang mga ito?", wala sa sariling tanong ng isa sa mga pulis na nakanganga sa mga malalaking manika. Umikot pa ang mga ulo nito ng tatlong beses at lumabas ang mga dila.
"Tuloy ang plano, mas madali natin silang mapupuksa nito", buong-buo ang loob na saad ng hepe. Nagsimula na silang tumakbo papalit sa mala-higanteng manika dala-dala ang kanilang mga armas. Kahit alam nilang walang panama ang mga baril, pinaputukan pa rin nila ito ng sunod-sunod kaya nman medyo nagkabutas-butas ang mga katawan ng mga ito.
Biglang dinakot ng isa sa mga manika ang isang pulis at dinala niya sa ere. Nagsisigaw ang pulis dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanya pero pinipilit niyang manlaban. Habang busy ang iba sa pagpapaputok ng baril sa mga higanteng manika, ang ibang pulis naman ay sinimulan ng sinunog ang mga paanan nito. Nabitawan ng isang manika ang pulis na kanyang hawak kanina kaya naman bumagsak ito sa lupa. Nagsisigaw na ang mga manika at pilit na maapula ang apoy pero patuloy pa rin silang tinutupok.
BINABASA MO ANG
ISLAND OF DOLLS ✔️ (Now Available in Good Novel)
Terror**Highest Rank: #1 in dolls*** MANIKA. Isa sa pinakapaboritong laruan ng mga bata lalong-lalo na sa mga babae. Minsan, nangongoleksyon pa nga ang iba at ginagawang display. Gusto o hilig mo ba ang mga manika? Ako kasi hindi na. Simula nang mapunta k...