NICHOLAS' POVDi ako agad-agad nakauwi sa bahay na tinutuluyan namin. Maggagabi na. Pa'no ba naman kasi, andaming mga manikang naglalakad dito, nagmomonitor o baka naman, naghahanap ng pagkain? :/.. Iba't ibang manika ang makikita mo sa paligid. May mga stuffed toys, Barbie, may mga di ko alam kung anong klase kasi naman mga sira na at ang rurumi. Buti nalang pala di ako mahilig sa manika. May phobia kasi ako, kaya lang parang nawawala na rin dahil sa pananatili namin dito.
Nang makahanap na ako ng tyempo, mabilis akong tumakbo at maingat na pumasok sa bahay. Nagpalinga-linga pa ako, sinisiguradong walang nakasunod sa'kin. Asa'n naman kasi sina Shylah at Lawrence? Ba't napakatagal nila? Baka naman parehas sa nakitang babae ang kanilang kalagayan. Jusko, wag naman sana.
Iniwan ko muna ang aking tsinelas sa gilid ng pintuan dito sa loob at nagpalinga-linga. Asa'n na ba sila Tito at Cathy? Lumakad pa ako tsaka nagpalinga-linga ng may marinig akong mahinang umuungol. Para itong nahihirapan.
Hinanap ko kung saan galing ang ungol pero muntik na akong atakihin ng makita kung duguan si Cathy. Nakahiga sya at may tama sya sa braso, pisngi, sa bandang gilid at sa binti. Hawak-hawak nya rin ang kanyang ulo na may dugo. Sinong walang hiyang gumawa neto sa kanya?
Kaya naman, agad-agad ko siyang pinaupo at mabilis akong kumuha ng kinakailangang gamot. Honestly, kunti lang ang alam ko sa gamutan pero gagawin ko ang lahat wag lang mawala si Cathy. Nang makabalik ako sa pwesto niya, nakapikit na ang kanyang mga mata.
" Cathy, Cathy, wag kang matutulog", sabi ko sa kanya. Pero di siya nagrespond. Kaya naman chineck ko ang kanyang pulso. Tumitibok pa naman ang kanyang puso pero hinang-hina na siyang humihinga. Kaya naman agad-agaran ko siyang ginamot. Sana lang mahinto na ang kanyang pagdurugo. Malala kasi ang tama niya sa ulo, medyo malaki ang kanyang sugat na natamo.
Natapos ko na rin siyang gamutin. At binantayan si Cathy. Teka, asa'n nga pala si Tito? Niyugyog ko si Cathy, baka naman magising na siya. Naabot pa ng ilang oras ang pagyugyog ko sa balikat niya pero di siya sumagot, kaya naman pinabayaan ko nalang siyang magpahinga.
Kumain nalang ako mag-isa kasi wala si Tito, Shylah at Lawrence. Si Cathy kasi di pa gumigising. Kaya natulog ako katabi ni Cathy. Para sekyuridad na rin.
Morning came, its Thursday. Kami pa rin ni Cathy ang andito. Di pa rin dumadating si Tito, Shylah at Lawrence. And I wonder kung sino ang may gawa kagabi kay Cathy. Good thing, marunong akong magluto kaya naman nanguha ako ng iilang de-lata dito, hehe.
Mag-aalas dyes na ng magising si Cathy. Nakaupo na siya sa kanyang higaan. "Cathy, asa'n si Tito?", tanong ko sa kanya. " H-h-ha?", letshengg Cathy 'to oh!
"Asa'n si Tito?", tanong ko ulit sa kanya. Agad-agad naman siyang nagulat tsaka bahangyang lumayo sa akin. Nakikita ko ang takot sa kanyang mga mata. Nakakatakot ba ang mukha ko?
" Sino ka? Ba't ako andito? Ikaw! Ikaw ang may gawa nito sa'kin no! Hayop ka!", at galit na galit siyang nakatingin at sumisigaw sa'kin. "Baliw ka ba? Stop that nonsense act Cathy, duguan ka na nga kagabi, nakuha mo pang umakting", tsaka ko siya inirapan. Pero di siya kumibo. 'To talagang babae'ng 'to, kung di lang siya may tama sa ulo matagal ko na 'tong nabatukan ih -_-
" Sino ako?", bulong niya sa kanyang sarili. Hays, control lang Nicholas, baka mabatukan mo na ng tuluyan 'yang babae'ng yan. " Di kita kilala, maski ang sarili ko", naiiyak na siya. Ano bang nangyayari dito sa babae'ng 'to? Umaacting ba to o totoong nagka-amnesia talaga?:/
SOMEONE'S POV
Papunta na ako sa presinto. Kailangan kong sundin ang ibinilin sa akin ni Pareng Ben. Baka kung ano nang nangyari sa kanya sa isla.
Pumasok na ako sa silid ng Police Station at humarap sa isang babae'ng police na nakaupo sa kanyang table. Tutok na tutok siya sa kanyang computer kaya naman tumikhim ako para matawag ang kanyang pansin.
"Ano pong maililingkod ko sa inyo, Kuya?", tanong nya sa'kin.
" Ahm, may irereport lang po sana ako Ma'am, at kailangan ko po ang tulong nyo", sagot ko sa kanya. Nag-aalala na ako sa kalagayan ni Pareng Ruben. Hinahanap na rin siya ng kanyang pamilya. Di ko na paaabutin ng linggo 'to. Kailangan ko ng umaksyon.
BINABASA MO ANG
ISLAND OF DOLLS ✔️ (Now Available in Good Novel)
Terror**Highest Rank: #1 in dolls*** MANIKA. Isa sa pinakapaboritong laruan ng mga bata lalong-lalo na sa mga babae. Minsan, nangongoleksyon pa nga ang iba at ginagawang display. Gusto o hilig mo ba ang mga manika? Ako kasi hindi na. Simula nang mapunta k...