LAWRENCE'S POV
(Saturday night)Umabot ako sa gilid ng dagat, mga kabahayan at iba pang bahagi ng isla. Di ko alam kong anong oras na ang nakalipas pero alam kong maghahating-gabi na dahil lalo kong naramdaman ang lamig ng ihip ng hangin.
May mga dumadaan pang mga manika sa paligid but I'm so thankful kasi parang wala namang nakakita sa'kin kahit na may dala akong liwanag. By group kasi sila at mararamdaman mo talaga kung sila'y parating dahil sila'y nag-uusap habang naglalakad.Di ko alam ngayon kung saang lupalop na ako ng isla napadpad pero may nakikita akong mga talahiban. Malalabong at matataas ito at mas lalong dumoble ang kaba ko. Nakarinig ako ng isang tawanan na medyo malayo sa aking pwesto. "Hahahahahaha! Sarap nito!", alam kong namimiktima na naman sila ng kung ano kaya naman lumakad ako papalayo sa kanilang pwesto bago pa nila ako makita.
Sa paglalakad ko, umabot ako sa lugar na madaming puno. Matatayog at malalaki ang mga kapunoan at iyon na naman ang aking matinding kaba at mas lalo akong nakaramdam ng malamig na pawis sa aking noo dulot ng nervous.
Sa paglalakad ko, may naririnig akong mga impit ng iyak galing sa malayo. Pinatay ko na ilaw na aking dala tutal mamamatay din naman ito mamaya dahil sa mahina na din ang nabibigay nitong liwanag. Pinakinggan ko pang maigi ang impit na tinig at napagtanto ko na ito'y galing sa isang babae. Kahit abot-abot na ang kaba, maingat ko iyong tinunton sa kung saan. Pupwede din na ito'y galing sa isang manika pero bahala na. Naninigurado lang. Pa'no kung si Shylah yun? O kahit impossible, kahit si Nicholas man lang?
Napagtanto ko na ito'y galing sa isang napakalaking puno. Di ko alam ang pangalan ng punong iyon pero napanuod ko sa tv na dito daw naninirahan ang mga kapre. Kaya naman, ilang beses akong nagdasal at nagsign of the cross upang gabayan Nya ako sa aking sitwasyon ngayon.
Hinanap ko ang impit na tinig pero ito'y nawala.
Kaya naman naglakad pa ako ng kunti ng...
"Ahhhhhhhhhhhhhhhh!", medyo napalakas kong sigaw dahil may naapakan akong.. Tao ba 'to o manika?. Humihikbi ito at umuungol. Parang nasasaktan. Sabagay, sino ba naman ang masasaktan kapag naapakan di ba?Kinuha ko ang ilaw sa aking likuran. Ilang beses akong nagdasal sa aking isipan na ito'y si Shylah. Nang mailawan ko ang mukha nito, ay nasagot ang dasal ko.
Nakahandusay si Shylah na maraming sugat sa buong katawan. Mga kagat at mga di kanais-nais na makikita mo sa kanya ngayon. Halos mahubad na siya sa kanyang suot dahil ito'y gula-gulanit na. " Nasaan si Nicholas? Anong nangyari sayo? Shy? Hey! Wake up?", sabi ko sa kanya ng mawalan agad siya ng malay. Iniangat ko siya at dahan-dahan na binuhat. Mabigat siyang dalhin pero okay lang. As long as ligtas na siya.
***
3RD PERSON'S POV(The incident before Lawrence saw Shylah lying in the ground)
Ninangangat na ng mga manika sila Nicholas at Shylah. Todo iyak na ang dalaga sapagkat masakit pa ang kanyang kaselanan, ito na naman ngayon ang panibagong sakit. "Shyyyyy!!!", hawak-hawak na rin ng mga manika si Nicholas na pilit na pumipiglas at manlaban sa mg nakahawak sa kanya.
Sa pagpupumiglas ni Nicholas ay maswerte siyang nakalusot sa mga manika. Pa'no siya nakalusot? Well, nangamot kasi sa puwet yung isang manika kaya kakaunti lang ang kanyang lakas dahil isang kamay lang ang nakahawak sa binata. Agad-agad namang sinuntok sa mukha ni Nicholas ang mga manika at ito'y natumba. Nayupi pa ang mukha no'ng isa. Nang mabagal na nakatayo ang nakahawak sa kanya, sinugod naman niya ang nakahawak kay Shylah. Di pa rin maawat sa kakaiyak si Shylah. Kaya ginawa ni Nicholas lahat ng kanyang makakaya para mabitawan ng mga manika si Shylah na kinakain na ngayon.
Swerteng natumba ang mga manika at mabilis na binuhat niya si Shylah na puno na ng dugo. Agad naman siyang tumakbo dahil alam niyang makakasunod agad sa kanila ang mga manika.
" Nicholas? Ano ba talagang
nangyari?", napuno na ng luha ang buong mukha ni Shylah. Bumlend na sa kanyang damit ang kanyang luha at dugo. Kahit may mga sugat din si Nicholas, walang hirap siyang tumatakbo at dala-dala si Shylah."I-i'm s-s-sorry S-s-shy. P-please, p-p-patawarin m-m-mo a-a-ko", kahit hinihingal na si Nicholas ay mabilis pa din siyang tumatakbo at malapit na rin silang maabutan ng mga manika. " I-i-im s-s-sorry S-s-s-shy..", at inilapag niya si Shylah. "M-m-makakatakbo k-ka pa n-n-aman d-di ba?", hinihingal at naghihikahos niyang tanong. Tumango si Shylah bilang sagot sa kanyang katanungan. " I-i-im s-s-sorry d-d-dahil b-b-binasag k-ko a-a-ang friendship n-n-atin", at tuluyan na ring umiiyak si Nicholas sa harap ni Shylah. Yumuko, lumuhod pa ito sa kanyang harapan at nagmamakaawang humihingi ng tawad. "P-p-p-patawad. P-p-pakisabi n-na rin k-kay L-l-lawrence", sabi niya at umangat ng tingin. He wipe her tears and kiss her forhead.
" S-salamat sa i-iilang taon n-n-nating p-pagsasama. T-tumakbo ka na a-ako na ang b-bahala dito. S-susunod nalang a-aako", tapos ngumiti si Nicholas kay Shylah na parang ipinapakitang magiging maayos din ang lahat.
Nag-aalinlangan man, tumakbo na din si Shylah. Alam niyang kapag si Nicholas ang nagsabi, tutuparin niya yun at susunod iyon sa kanya.
Abot-abot man ang hininga ng dalaga, pilit pa rin niyang inaaninag ang daan. Mas lalong humahapdi ang mga natamo niyang sugat at di na niya nakayanan ay napahiga na siya. 'Malalampasan din namin 'to', ani niya sa kanyang isipan. Tinitiis pa rin niya ang mga sugat at siyang napapaiyak na lamang. Pinipigilan niyang lumakas ang kanyang ungol at iyak sa pamamagitan ng pagpigil sa kanyang bibig na bumuka. 'Please, sana may tumulong sa amin', ani niya sa kanyang sarili.
Malapit na ata siyang mahimatay ng parang may gumagalaw sa kanyang paligid. Babangon na sana siya ng maapakan nito ang kanyang braso kaya naman mas lalong dumagdag ang kanyang sakit. 'Mamamatay na ata ako', at bago siya mawalan ng malay, may nakita pa siyang maliwanag na ilaw at isang sigaw sa isang lalaki.Sa kabilang dako naman, nakatayo lang si Nicholas na parang inaantay lang ang mga mangangaing manika.
Baliktad sa sinabi niya kay Shylah, di na siya babalik pa doon. Nakangiti siyang nakaharap sa kanyang kamatayan habang umiiyak.
'Isa akong napakasamang tao. Naging tapat at matalik kong kaibigan sina Shylah at Lawrence pero anong ginawa ko? Wawasakin ko lang ang buhay nila kung may mabubuo man sa nangyari sa amin ni Shylah. Naging spoiled brat ako kina Mommy at Daddy kaya wala silang oras para sa'kin. Palagi ko nalang pinapasakit ang kanilang ulo. Isa lang akong pabigat.
Isa akong napakasamang tao. Mas hayop pa ang ginawa ko kesa sa mga manika dito. Mas mabuti nang mawala nalang ako sa mundo. Mas mabuti. Mas mabuti para sa nakakarami.'Isang huling patak ng luha na galing sa kanyang kaliwang mata ang bumagsak. Huminga siya ng malalim at binuka ang kanyang mga mata. Habang papalapit, parang naging puso ang mga mata ng mga manika dahil sa nakahandang pagkain. At ito'y walang alinlangan nilang nilantakan.
BINABASA MO ANG
ISLAND OF DOLLS ✔️ (Now Available in Good Novel)
Horror**Highest Rank: #1 in dolls*** MANIKA. Isa sa pinakapaboritong laruan ng mga bata lalong-lalo na sa mga babae. Minsan, nangongoleksyon pa nga ang iba at ginagawang display. Gusto o hilig mo ba ang mga manika? Ako kasi hindi na. Simula nang mapunta k...