CHAPTER 33

573 28 6
                                    


3RD PERSON'S POV (AUTHOR'S POV)



"Siya ba si Shylah?", tanong ni Cathy kay Lawrence. Nakahiga pa rin kasi ito at di pa gumigising. Nakaupo si Lawrence sa harap ni Shylah na bakas pa rin ang hinagpis sa mukha. Tapos na siyang kumain at inilapag niya ang pagkain sa mesa na para sa kanyang kaibigang walang malay. Umupo si Cathy sa tabi ni Lawrence, tsaka niya tiningnan ito. Bumaling din ng tingin ang kaibigan, waring nagulat pa sa tanong ng kaibigan.



'Ano ba 'tong imbento ni Cathy?' Tanong ni Lawrence sa kanyang isipan. 'Ahh.. Baka naman natitrip lang 'tong babaeng 'to'


" Alam mo Cathy, wag ka munang magpatawa ngayon, okay? Sa sitwasyon ngayon, di ko maipinta ang ngiti sa mukha ko dahil sa mga nangyayari. Sisisihin ko ang sarili ko 'pag nawala si Shylah sakin. It's just...", tumikhim siya tsaka nagclear throat at tumingin sa katabi. "She's so important to me", at tumingin kay Shylah.



" Kung pupwede ko lang ibalik ang alaala ko, makakarelate ako sa nararamdaman mo", ani ni Cathy na nakayuko. Sinisisi nya ang sarili dahil kahit isa man lang na alaala sa mga kaibigan ay di nya mababalik-tanaw. Pero dahil pinagaan ang loob nya dahil sa sinabi ni Nicholas na pupwedeng temporary lang ito, nagkaroon siya ng pag-asa na babalik din soon ang kanyang mga ala-ala.


"Totoo ba ang sinabi mo Cathy? Na nawala ang iyong alaala? Anong trip yan -_-?", tanong sa kanya ni Lawrence. Di pa rin kasi ito naniniwala. Kaya naman, isinalaysay ni Cathy lahat ng nangyari sa kanya at kung bakit nawala ang kanyang alaala. Di pa detalyado masyado ang kanyang sinabi dahil na rin sa kanyang temporary amnesia. Nalungkot at nag-aalala si Lawrence sa kaligtasan nila. Pupwede naman kasing isa sa kanila ang mawawala.



'Erase that negative thought Lawrence' ani niya sa kanyang isipan at pilit itong iwinawaksi. 'Makakaligtas din kayo dito sa impyernong ito' and then he sigh trying to make himself calm.



Umalis saglit si Cathy dahil tinawag sya ni Nicholas, kaya naman sila Lawrence at si Shylah ulit ang nasa loob ng kwarto. Pinagmamasdan ni Lawrence ang mukha ni Shylah habang mahimbing na nakapikit.


"Wag mo 'kong ipag-alala masyado Shy, I think I'm gonna kill myself kung ano mang malubhang mangyari sayo", turan niya sa dalaga na kinakausap ito. Tears are running down his face, sobra talaga siyang nag-aalala. " I love you", at tsaka kiniss siya sa noo. Pinahid niya ang kanyang mga luha baka kasi makita ito ng mga kaibigan niya na umiiyak, at lumabas saglit.



Pero lingid sa kaalaman nila, kanina pang gising si Shylah. At inaantay lang na lumabas ng pinto si Lawrence. Nakikinig lamang ito sa usapan ng mga kaibigan. Alam naman niyang masama ang kanyang ginawa pero there's a part in her na gusto nalang magtulug-tulugan.


'He said I love you to me' kinikilig na sabi ng kanyang isipan. Itinaas pa niya ng bahagya ang kanyang kumot na nasa paanan, tinakpan ang kanyang mukha at walang tinig na nagsisigaw. Nang makarinig siya ng mga yapak, humiga kaagad siya at isinaktong pagbukas ng pintuan, ay akmang babangon kuno.



"Oh? Gising ka na pala Shy, kamusta na ang pakiramdam mo?May masakit ba sayo? Anong ginawa sayo ni Malucia?", sunod-sunod niyang tanong. Napatawa pa ng bahagya si Shylah dahil sa pagkataranta ng kaibigan na nasa tabi na niya ngayon.


"Ano ka ba Lawrence. O----", di natapos ang sasabihin ni Shylah dahil nag-iba ang kanyang pakiramdam. Sumasakit ang kanyang ulo at parang binubura ang kanyang isipan.

"Anong nangyari sa'yo Shy? Ha? Huy! Anong nangyari sayo?!" nagpapanic na sigaw ni Lawrence at dahil malakas niya itong naisatinig, nakuha niya ang pansin ng kanyang mga kaibigan na nasa labas lang nag-uusap. Napatayo ang lahat ng lumabas ng kwarto ang wala sa sariling si Shylah at nagtatakbong si Lawrence na pilit siyang hinahabol. Pero sobrang bilis nitong tumakbo at agad-agad na lumabas ng bahay.


"Shyyyy!!!!!!!", sigaw nilang lahat na pilit siyang hinahabol.
Nagpalinga-linga pa sila sa paligid at tinatanaw kong may mga manika ba.



" Bumalik na kayo do'n Lawrence. Ako ng bahala kay Shylah", at agad-agad na hinabol ang nagwawala na ngayong si Shylah na mabilis tumakbo.



'Please..wag nyo po silang pababayaan' ang nasa isip ngayon ni Lawrence. Bumalik silang dalawa ni Cathy sa kanilang tinitirahan.



***

Sa kabilang dako naman, wala pa rin sa sarili si Bea na iginapos na ngayon ni Malucia dahil wala daw itong silbi. Matagal ng natatakam ang mga manika sa kanya na pinagmamasdan siya araw-araw. Mga manikang walang mga bituka pero mga utak at kilos hayop naman.



"Mahal na Reyna, kailan nyo po ipapatikim sa amin 'yang tao?", tanong ng isang babaeng manika. Kulot ang buhok, maitim ang balat at mapupulang mga mata.


" Mamayang gabi, wag kayong atat" at agad namang nagpalakpakan ang mga manikang gutom sa dugo at laman.

ISLAND OF DOLLS  ✔️ (Now Available in Good Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon