CHAPTER 26

575 36 3
                                    

Namimiss ko na sila Mom at Dad, mga bestfriends ko, ang bahay at ang dati kong buhay noon. Sana nga isa lang itong malaking bangungot. Gusto ko na kasing magising. Gustong-gusto.

At ngayon, di ko alam kong anong oras na. Ang dilim, di ko makita ang aking relo. Kayo kaya isilid dito -_-. Nagsisi talaga ako kung ba't nagpadalos-dalos kami ng galaw kanina. Kaya tuloy, andito kaming dalawa ni Lawrence nabagsak, at kung ba't natuluyan si Manong. Ano na kayang iisipin ng kanyang pamilya 'pag nalaman nilang pinagpipyestahan na ang katawan niya?

"Sorry Lawrence ah? Nang dahil sa'kin kaya tayo andito", sincere kong sabi sa kanya. Di ko siya maaninag. Pero alam kong narinig niya ang mga sinabi ko. Tumikhim siya.

" Okay lang yun, ano ka ba Shy. Tayo kayang dalawa ang sumulong, hehe. Don't blame yourself ", alam kong nakangiti siya ngayon habang nagsasalita siya. Pinapagaan lang niya anh pakiramdam ko. " Kaya lang, baka nag-aalala na sila doon", dugtong niya. Oo nga, baka hanapin kami tapos makuha sila nina Malucia at kanyang mga manika. Sobra talaga akong nagsisi. Nagkakawatak-watak na kaming magkakaibigan.

And a moment of silence between us.
Nasa gilid na parte ako ng selda, di ko naman alam kung asa'n nakaupo o nakatayo si Lawrence.
"Ahm.. Ilan ho ba tayong lahat dito?", medyo malakas kong sigaw na sakto lang na makarinig ang lahat ng andito.

" D-d-di namin a-a-lam Iha, basta m-marami k-kami dito n-noon, dahil na rin sa k-k-kadiliman,di na namin m-m-mabilang. Pero namatay na yung iilan dahil sa gutom at uhaw", may isang babae na sumagot. Nahihirapan na rin siyang magsalita. Matanda na siguro?
"Maria, wag kanang magsalita. Mahiga ka nalang dyaan at magpahinga", ani ng isang lalaki. Magkasama ata sila sa iisang silid.
" Oo mahal", sagot naman ng nagngangalang Maria. Ahh..  magjowa pala-/-..
"Ahm.. Ginoo? Kilala nyo po ba si Malucia?", tanong ko sa lalaki.

" Ahh, oo Iha. Siya ang may sala nitong lahat. Kung ba't kami andito. Sinisisi niya kami kung ba't nabaliw ang mahal niyang si Gilberto, ang may-ari nitong isla.", saad niya. Di ko alam kong asa'n siyang parte dito sa silid at ni itsura niya di ko alam. Baka matanda na rin katulad ng kanyang jowa na si Maria.

"Ano po? Baliw si Tito-- I mean, si Mr. Gilberto?!", medyo pasigaw na tanong ni Lawrence. Baliwwww???

" Oo. Saksi ako sa pagmamahalan nina Madam Susan at Sir Gilberto dahil ako'y isa sa mga pinagkakatiwalaang katulong nila. Magkakaibigan daw sina Malucia, Madam at Sir pero nawasak lang ito dahil lang sa pag-ibig", narinig ko na kyo dahil ito'y ikinwento ni Tito sa'min.

"Ay, Ginoo? Ba't po nabaliw si Mr. Moneca?", curious kong tanong.
" Sa pagkakaalam ko, nabaliw si Sir dahil namatay ang kanyang anak at si Ma'am. Si Malucia ang usap-usapang mag gawa nito. Isinilid at kinadena si Sir sa isang silid ng kanyang bahay dahil ito'y nananakit. Matino naman siya minsan pero kapag nawala na ulit siya sa wisyo, pumapatay siya. Sana di nakawala si Sir, magkakagulo na naman dito sa isla", mahabang turan niya..

Nagsimulan na akong kabahan... Sana di pababayaan ni Nicholas at Cathy ang kanilang sarili..

ISLAND OF DOLLS  ✔️ (Now Available in Good Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon