CHAPTER 31

598 34 1
                                    


SHYLAH'S POV

Nahihilo na talaga ako. Kailan ba kami makakalabas dito? Nag-uusap lang kami sa silid kasama yung mga ibang nakakulong dito habang patuloy na tumatakbo ang oras. Kanina pa nga iyak ng iyak ang isang babae dito kasi kinuha ng mga manika ang anak niya. Do you still remember that girl? Sya yung batang babae na narinig naming bumulong na natatakot sya noong first time pa namin dito. Kung di nyo sya maalala, aba'y bahala kayo.

"Kailangan na talaga nating makalabas dito, Lawrence", sabi ko sa kanya. " Sige Shy, pag nakahanap tayo ng perfect timing na makalabas", sabi niya. Maya-maya, bumukas ang pintuan habang nag-uusap, nagtatawanan pa ang mga manika habang patungo sa silid. Kadiri pa yung topic nila, ang pagkain nila sa mga tao.

"Ang sarap ng hapunan natin"

"Sana sa susunod unti lang tayo do'n para marami ang makain natin, ano?"

"Ang takaw mo talaga"

"Ang sarap naman talaga eh! Lalo na yung puso ng tao? Atay? Tsaka mga laman? Nakakalaway"

"Sarap! Request ulit natin bukas"

"Sige ba, nagugutom na nga ulit ako eh"

Dalawa lang silang malalaking manika. Yung isa, gawa sa plastic kaya madali lng mapatumba, I think?. May mga itim-itim ang kanyang balat, polka dots?. Tsaka nakasuot siya ng pula at itim na maruming damit. Malalim at maitim din ang kanyang mga mata na nakakadagdag ng takot. Yung isa naman ay parang may sira ang kanyang kanang mata, aba'y di na kumukurap yung kanan eh. Punit-punit naman yung damit nila pati pantalon na may bahid pa ng dugo. Pa'no ko sila nakita kung madilim dito? Aba'y binuksan lang kasi nila ang pintuan kaya kitang-kita namin sila. Kaya kinuha ko ang pagkakataon na may liwanag upang pagmasdan ang kabuuan ng silid.

Nandiri ako sa aking nakita. Lima nalang pala kaming andito. Nakaupo sa kanya-kanyang mga silid. Yung ibang mga kulungan, may mga patay na tao pa. Kaya pala mabaho. Nilalangaw na din. Di na siguro nila kinaya ang gutom at uhaw. Kinakalawang na din ang mga rehas at andami na ngang alikabok na makikita. Marumi at andaming maliliit at malalaking spider web na makikita sa gilid, sa harap, likod at lalong-lalo na sa itaas. Para na ngang may nakatirang ahas dito eh, what do I expect? Eh nasa loob 'to ng puno, hindi hotel.

Nakangiti pa ang mga manika habang papunta sa aming kulungan, sino ba ang kukunin nila? Ako o si Lawrence
"Hoy lalaki, labas ka dyan!", sigaw ng manikang bulag. Tiningnan ako ni Lawrence, pero may parang ibig sabihin ang tingin niya. Sinimulan ng buksan ng manika ang aming selda. Tumayo si Lawrence na nakaupo kanina sa aking tabi tsaka bumaling ang tingin sa mga manika. Tsaka lumabas sya ng silid. Nang makatabi na niya ang mga manika, bigla niya itong sinipa. Nagulat ako sa mabilis na kilos ni Lawrence. Niyupi at tinali sa sariling katawan ng manikang plastic ang sarili nito at di na nakakilos. Kinuha naman nya ang isang mata ng isang manikang bulag, at tuluyan na itong hindi nakakita. Agad-agad niyang kinuha ang susi sa mga manika.

Nagdiwang ang mga kasamahan namin dito sa silid. Nagsisigaw, ngumingiti at tumatawa. Pero makikita mo sa kanilang mga katawan ang labis na paghihirap na kanilang dinaranas. Buto-buto na.
Agad-agad namang binuksan ni Lawrence ang mga silid habang ang mga manika ay sumisigaw, namimilipit sa sakit.

" Salamat Iho! Kailangan na nating makalabas dito bago pa malaman ng ibang manika", sabi ng isang ginang. Agad-agad naman kaming lumabas sa impyernong aming tinuluyan ng ilang araw. Teka, anong araw na ba ngayon?

"Iha, iho..tanghali na pala tirik na tirik ang araw", sabi ng kasintahan ni Maria. Kung di lang 'to pinagutom, binata pa ito, dalaga pa pala si Maria. Para kaming may mga kasamang zombies o mga patay. Tanghali na at nakalabas na kasi kami sa madilim na impyernong iyon kaya kitang-kita namin sila. Nakakaawa talaga ang kanilang kalagayan.

Lalakad na sana kami ng matumba ang jowa ni Maria. Agad kaming nagpanic sa biglaan nyang pagtumba. " Wala na siya", sabi ng isa naming kasama. Sabi pa nila, di na daw nakayanan ng kanyang katawan ang labis na gutom at agad siyang binawian ng buhay. Apat nalang kami. Kailangan naming mabuhay.

Maya-maya, nakalabas na kami sa kagubatan, pero may nakasalubong naman kaming mga manika. Magtatago na sana kaming apat ng makita nila kami, kaya agad-agad kaming tumakbo. Sobrang dami pa naman nila. Malayo-layo na ang tinakbo namin pero nakasunod pa rin sila.

"Ginang, asan ba dito yung patungo sa kweba? Ando'n kasi yung iba naming kasamahan", sabi ni Lawrence habang tumakbo. Hingal na hingal na kami pero di pa rin nila kami tinatantanan. Tinuro naman ng kasamahan namin ang daan. Tumakbo kami kahit na ang sarap ng i-give up. Idagdag mo pa ang gutom at uhaw na nagpapahina sa'min.
At ang mga matatakaw na manika, patuloy pa rin kaming hinahabol. Parang nagpapaligsahan pa nga sila.

Nadapa na ang dalawa naming kasamahan. Inakay namin silang dalawa ni Lawrence. Malapit na kaming maabutan ng mga manika. " Iha, tumakbo nalang kayo, pabayaan nyo nalang kami", sabi ng inakay ko. Pero umiling lang ako habang patuloy ng tumulo ang aking luha. Sana di nila kami maabutan. Sana wala ng mawawala. Pero nadapa sila Lawrence. " Bilisan nyo Lawrence! Malapit na nila tayong maabutan!", sigaw ko sa kanila.

"Iha, maaabutan nila tayo kapag akay-akay nyo kami. Pabayaan nyo nalang kami. Nag-iintay na sa inyo ang inyong mga magulang, habang kami wala ng babalikan pa. Bigyan nyo ng hustisya ang mga namatay ah?", sabi niya habang lumuluha. Di na namin napigilang apat na umiyak. Pero akay-akay pa rin namin silang dalawa.

"Sige na iha, iho. Okay na kami dito", sabi naman ng isa. Nagkatinginan kami ni Lawrence. Bakas sa aming mga mukha ang lungkot at paghihirap. Tumango siya, senyales na pumapayag na sa sinabi ng dalawa naming mga kasamahan.

"Salamat iha, iho. Mag-iingat kayong dalawa", tsaka sila nag wave habang nakangiti sa'min.
Umiiyak kami habang tumatakbo ni Lawrence.

ISLAND OF DOLLS  ✔️ (Now Available in Good Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon