SHYLAH'S POVNAKAKAINIP.
NAKAKAUHAW.
NAKAKAGUTOM.
NAKAKAHILO ANG SOBRANG BAHONG AMOY.
Ewan ko kung ilang araw o oras na kaming andito. At di ko kaya ang niraranasan ng mga taong nakakulong dito sa silid na ito. Araw-araw, pinapatay sila sa gutom at uhaw, isali mo pa ang mabahong amoy na nakakasuka. Sa tingin ko nga parang anytime mahihimatay na ako. Natutuyo na ang aking lalamunan, kanina pa umaasim ang aking tiyan at parang na-immune na ako sa baho sa paligid."Shy, kung idaan mo nalang kaya sa tulog ang gutom at uhaw mo? I think it can make a little bit relief", ani ni Lawrence. Actually, kanina pa siya gumaganyan sa'kin. Kesyo idaan ko nalang daw sa tulog, ganito, ganyan..hayst. Kung pupwede nga lang matulog eh, kanina ko pa ginawa.
" Di ako makatulog Lawrence, nag-aalala ako kay Bea kung okay lang ba siya; kung ano nang nangyari kay Nicholas at Cathy dahil delikado pala si Mr. Moneca. And..also.. I miss my Mom and Dad", pumiyok pa yung boses ko sa last sentence. Nakakahiya. Naging tahimik ang paligid. Minutes later, tumikhim ng mahina si Lawrence.
"Saan ka ba Shy?", tanong nya. Madilim kasi kaya di niya ako kita. Teka, ba't ba niya tinatanong kung asa'n ako?
" Nakaupo ako sa may pintuan ng rehas. Yung pinasukan natin kanina", sabi ko. Maya-maya, may tumabi sa'kin. Nabigla ako ng niyakap niya ako. Tsaka hinilig niya ang ulo ko sa kanyang dibdib. Eto ang main reason kung ba't gusto ko si Lawrence. He's always there to comfort me. Kung minsan nga, nag-ala clown pa yan, mapatawa lang ako kung ako'y malungkot o umiiyak.
"Don't stress yourself Shy. Everything's gonna be alright, hindi nga lang ngayon, you know the situation we have right now diba?", tumango ako. Di ko alam kung pa'no matatapos 'tong problema namin, kung makakauwi pa ba kami ng buhay sa mga pamilya namin. Alam kong walang pake ang mga magulang ko, but God knows how much I miss them.
"Andito lang ako sa tabi mo. Lalabas tayo dito at lalayo na tayong apat sa islang 'to", that's his way para di ako mag-alala masyado. Sana nga matapos na 'to.. sana nga.
Lawrence convince me na matulog na daw ako, so sinunod ko sya. Alam ko naman na di nya ako pababayaan. He let my head rest on his shoulder.
Maya-maya, napabalikwas ako ng makarinig ako ng mga iyak at sigaw. " Mariaaaaaaaaaa!! Wag! Wag si Maria! Ako nalang!", boses iyon ng jowas ni Maria, yung lalaking nagsabi sa amin na baliw si Mr. Moneca. Kinalampag nya ang rehas na ikinalikha ng maingay na tunog.
"Lawrence, ba't sumisigaw yung jowa ni Maria", bulong ko kay Lawrence. Nasa tabi ko lang kasi sya. Nakahilig pa rin yung ulo ko sa balikat niya. " Uy, gising ka na pala Shy. Sa tingin ko, pagpepyestahan nila ang kukunin nila dito", malungkot niyang saad. So, kakainin din pala kami soon?!
"Shy, may plano ako..pag unti lang yung pupuntang manika dito para kunin tayo, gagawa tayo ng paraan para makatakas tayo dito sa impyernong ito", sabi ni Lawrence. Tama. Kukumbinsihin din namin ang aming mga kasama dito sa silid. Kailangan na naming makatakas dito bago pa mahuli ang lahat.
BEA'S POV
Umiiyak akong bumalik sa silid ni Mr. Moneca, kailangan kong balikan ang kwentas ni Mommy. Iyon lamang kasi ang tangi kong huling ala-ala sa kanya. Malapit na sana ako sa silid nang may kampo ng manika na patungo sa aking direksyon..sobrang dami nila. May dala-dala silang iba't ibang mga patalim, at may bahid ng dugo sa kani-kanilang mga katawan. Yung iba, nakangisi na parang walang bukas, may parang galit at nakakatakot talaga kung tumingin. Ito na ata ang katapusan ko.
Ilang dipa nalang ang lapit ko sa mga manika.. Ito na. Kukuyugin na nila ako at papatayin. Napapikit nalang ako. At nagdasal, last message ika nga. Pero ilang segundo ang inantay ko, wala man lang akong kahit ni isang galos. Dinaanan lang nila ako pero may apat na malalaking manika na hinawakan ako sa magkabilang braso at inilabas ako sa bahay na tinuluyan namin.
Teka, di ba nila ako papatayin? Siguro, papahirapan muna nila ako. "Sa'n nyo ba ako dadalhin ha?", tanong ko sa mga manika. Walang sumagot. Alam ko namang nakakapagsalita sila eh. Inulit ko ng inulit ang aking tanong at bigla akong sinigawan ng isang manika, " Manahimik ka kung ayaw mong kainin ka namin ng buhay!", nanlilisik ang kanilang mga mata. Parang kino-control nila ang kanilang sarili na kainin ako..
Dinala nila ako sa isang sementeryo. Taray. May sementeryo din pala dito sa islang to?
Ang tahimik ng paligid. Mga kulisap lang ang tanging maririnig. Maya-maya, andito na kami sa isang puntod, pero parang bahay. Mga mayayaman ang karamihang nagpapagawa neto. Gawa pa sa tiles ang sahig. Malaki rin ang espasyo ng silid. Mga kandila lang ang tanging ilaw.May babaeng nakaitim. Humalakhak pa siya ng makita ako. Nakakatawa ba ang mukha ko?:/
Maya-maya, tumahimik na rin siya. "Painumin nyo sya, yung nilagay ko sa lamesa na baso", utos niya sa isang manika na agad-agad namang sumunod. Nagpupumiglas ako, baka kasi lason ito eh. Pero wala akong magawa. Pwersahan nila akong pinainom no'n. Biglang nagdilim ang aking paligid.Tulong....
BINABASA MO ANG
ISLAND OF DOLLS ✔️ (Now Available in Good Novel)
Horror**Highest Rank: #1 in dolls*** MANIKA. Isa sa pinakapaboritong laruan ng mga bata lalong-lalo na sa mga babae. Minsan, nangongoleksyon pa nga ang iba at ginagawang display. Gusto o hilig mo ba ang mga manika? Ako kasi hindi na. Simula nang mapunta k...