Okay na okay ang nangyari sa aming Senior's Ball. Kapartner ko si Lawrence. Hindi ko naman kilala ang mga kapartner nilang tatlo kasi iba yung mga courses.
Matagal na akong may tinatagong nararamdaman para sa aking kababata na si Lawrence. I don't know where and when it all started basta namulat nalang ako na crush ko na pala siya. Nakakaattract kasi yung height niya na matangkad, hindi gaanong kaputian na kulay, gwapong mukha, malinis pumorma at ang kaniyang katalinuhan. Kaya ayokong malaman niya na may gusto ako sa kaniya kasi maliban na baka masira ang aming pagkakaibigan, for sure manliliit lang ako kasi masyado siyang perfect para sa akin.
Wala naman siyang girlfriend simula noon. Pero noong narinig kong tinanong siya ni Nicholas noon, sabi niya'y, " Meron naman akong gusto, brad. Hindi naman ako bakla, 'no. Nag-aantay lang ako ng opportunity na makaporma. Natotorpe kasi ako kapag nagsasabi ng totoo kaya binibiro ko nalang"
Umiyak ako noong araw na iyon ng hindi nila alam dahil sa narinig. Maraming kaclose si Lawrence na ibang babae kaya for sure isa sa kanila ang crush niya. Kaya simula noong araw na iyon,tinatak ko na sa isip ko na may gustong iba si Lawrence. Pagkakaibigan lang ang kaya niyang ioffer sa akin.
Napabuntong- hininga nalang ako sa naisip.
Napatingin nalang ako sa madilim na itsura sa labas. The darkness of the view and the music from the bluetooth speaker temporarily calms my mind from overthinking. I think it will rain, I can't see any stars though.
Maya-maya nga ay lumakas ang buhos ng ulan.Hindi ko alam kung dumating na ba sila mommy't daddy, 'cause its already 9:30 P.M. according to my phone.
Their companies merged when they got married kaya dumoble ang pagkabusy nilang dalawa.
Nakita kong papasok si Manang Lory sa kwarto ko kaya hininaan ko agad ang music para marinig siya.
"Shy, hindi na ako kumatok, alam ko namang 'di mo rin ako maririnig. Nga pala, sabi ng Mommy mo mauna ka na daw kumain. Mukhang mamaya pa sila uuwi o baka bukas na. Kaya kumain ka na doon sa baba iha, pinagluto kita ng kaldereta," nakangiting sabi ni Manang. "Sunod ka ah? kailangan mo na talagang kumain ng marami para tumaba ka naman", dagdag niya pa.
"Yes Manang. Susunod po ako", I answered and give her a smile an a reassurance.
Sanay na ako sa ganitong set-up. Minsanan lang kami makakakain ng sabay magpamilya. Inaaya ko naman sila pero palagi lang talaga silang busy. Tumetyempo pa may tatawag sa kanila dahil kailangan sila sa kompanya. Chinecheck naman nila kung buhay ba ako o ano. And of course, they always check my grades. Baka daw kasi makasira sa image nila sa publiko. Kaya kami lang dalawa dito ni yaya sa bahay.
Napagdesisyunan kong bumaba na ako at kumain dahil kumakalam na din ang sikmura ko. Nakita kong nakahain na sa lamesa ang niluto ni Manang sa akin kaya naman umupo na ako at nagdasal tyaka nagsimula nang kumain.
"Sabay na tayong kumain, Manang", anyaya ko sa kaniya.
"Mauna ka na, Shy. May labahin pa kasi akong dapat tapusin", sagot naman niya at lumabas na sa kusina para maglaba.
Nasa kalagitnaan na ako sa pagkain nang mag-ring ang phone ko. It's Cathy.
" Hello, Shy?," rinig ko sa background niya ang boses ng kaniyang ama. Nagvideoke ata sila sa bahay nila.
"Yes, speaking"
"Shy, plano naming puntahan yung pinakita ko sa inyong lugar yung 'La Isla de las Monecas', go ka? It will be a very adventurous vacation girl! Tsaka balita ko madaming magagandang view doon na pwedeng pang-insta!," masiglang sabi nya.
"Pag-iisipan ko pa, Cath. Kelan ba?," tanong ko sa kanya. Sana naman sumama lahat ng barkada para masaya.
"Sa susunod na araw" I can sense an excitement in her voice. Kahit nga ako ay interesado doon.
" Okay, tatawagan nalang kita kapag nakapagpaalam na ako dito. You know my situation, kahit ganito ang set up sa bahay, kailangan nila pa ding malaman kung anong takbo ng buhay ko" mahaba kong saad sa kanya.
"Alam ko naman yun. You can give me a call if you'll go. Pero dapat pupunta ka Shylah kasi pupunta si Lawrence eh," naagaw agad ng pansin ko ang huling lintaya ni Cathy.
Sasama si Lawrence.
Napabuntong- hininga nalang ako. "I'll think about it", I said in finality.
"Okay", she said and bid a goodbye.
Pagkatapos kong kumain ay pinuntahan ko si Manang. Naglalaba pa din siya.
"Manang, kumain ka na po. Mamaya na 'yan", sabi ko sa kaniya. Masyado ng malalim ang gabi at hindi pa siya naghahapunan.
"O siya sige, mamaya ko nalang ito tatapusin. Nagugutom na rin naman ako", pagpayag niya at ngumiti sa akin.
"By the way, papayag kaya sila Mommy' t Daddy kung gagala ako bukas? Kasama ko naman sila Cathy", tanong ko sa kanya.
"Saan naman ang punta niyo, hija?"
"Doon po sa isla na nakita ni Cathy sa isang site sa internet. Ang ganda po manang! Parang nasa Boracay ka kasi white sand tapos ang blue pa no'ng tubig!", kuwento ko pa sa kaniya.
"Papayag iyon basta para sa kaligayahan mo", sabi niya and she slowly patted my head. Binibaby na naman niya ako.
"Sila po ang kailangan ko, ba't 'di naman nila maibigay sa akin 'yon?" naiiyak kong tanong. Gusto ko din namang makaexperience ng bonding with family, ang hirap ba no'n?
Hindi ako sinagot ni Manang pero dama ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata para sa akin.
"Mauna na po ako sa kwarto, kumain nalang po kayo do'n", saad ko. Nang tumango sya'y bumalik na ako sa kwarto ko. Hindi na ako aasa pang dadating ng maaga sila Mommy.
Humiga na ako at tumingin sa kesame ..then suddenly, napagpop-up sa isip ko ang island na sinabi ni Cathy.
I want to see that place or island personally. Marami akong nabasa na marami daw ang mga puno sa lugar, medyo liblib at hindi alam ng iilan. Tpara itong nakatagong paraiso sa gitna ng malawak na karagatan.
'Di ko alam sa sarili ko kung bakit masama ang pakiramdam ko sa isla na yun and it's bothering me o sadyang ganito lang ang nararamdaman ng mga first timer na pupunta sa isang tagong isla ? Curious ako kung ba't ganito ang nararamdaman ko kapag naiisip or pagkakita ko palang sa islang yun. Magpapaalam ako bukas kila Mommy't Daddy. Sana naman pumayag.
I want some adventurous life this time.
BINABASA MO ANG
ISLAND OF DOLLS ✔️ (Now Available in Good Novel)
Horror**Highest Rank: #1 in dolls*** MANIKA. Isa sa pinakapaboritong laruan ng mga bata lalong-lalo na sa mga babae. Minsan, nangongoleksyon pa nga ang iba at ginagawang display. Gusto o hilig mo ba ang mga manika? Ako kasi hindi na. Simula nang mapunta k...