CHAPTER 40

566 26 2
                                    


"Ubos na ba lahat?", tanong ng hepe sa kanyang mga kasapi, habang ang iba namang mga pulis ay nag-iinspeksyon. Nangangamoy sunog na plastic ang lugar at makikita ang bakas ng mga malulupit na manika. Isang malaking tumpok na sunog na plastic at iba pang yari na ginamit sa paggawa ng manika ang bunga ng kanilang munting digmaan. Medyo nahirapan kasi ang mga pulis at gumamit sila ng mga techniques para matalo ang tatlong malalaking manika.

FLASHBACK ~

Habang patuloy na tinutupok ng apoy ang mga manika, nagsisigaw ito at nagwawala na medyo ikinabahala ng mga pulis. Maaari kasi silang matabunan o di kaya'y makalikha ito ng matinding sunog dahil na rin sa mga tuyot na dahon sa paligid. Kaya naman, gumawa sila nang paraan upang di ito makalikha ng disgrasya. Gumamit sila ng nakapalaki at mahabang metal na kadena at kanilang iginapos ang nagwawala nitong mga katawan.

" Ahhhhhhhhhhh!!!", sigaw ng iilang pulis na nawisikan nang sunog na plastic galing sa manika. Ang iilan ay may tama sa mukha, paa, kamay at iba pang bahagi ng katawan. Di naman nila napansin na nangangamoy sunog sa lugar na posibleng mangyari dahil ang ibang sunog na parte nang mga ito ay nagsimula ng magkalat.

"Sir! Sir! Kailangang apulahin agad-agad ito bago pa makalikha ng malaking sunog!", kaya naman nagtulong-tulong sila, sa abot ng kanilang makakaya. Napula naman nila ito at ang manika na nagwawala kanina ay isa nang malaking tumpok na sunog na plastic ngayon at nakakasakit na amoy ang dulot nito. Pero di nila alam, may iilan pang mga manika sa paligid, ang nakatanaw lang sa kanila. Nanggagalaiti at handang ipaghiganti ang kanilang mga kapwa manika na sunog na ngayon.

END OF FLASHBACK ~


" Sir, matagal na palang patay ang taong nakahandusay kanina, iyon bang ginuhuan ng itim na silid. At wala ang mga bihag doon", inform ng isang pulis sa kanilang hepe.

Napag-alaman nilang ito'y isang babae at matagal-tagal na itong namatay. Nangangamoy na rin ito at nagsimula ng madecompose. Chineck nila ng maigi ang lugar at marami ng mga buto ang kanilang natagpuan doon. Mga buto ng tao at hayop na wala na sa form.

Umalis na sila sa lugar matapos nilang mag-inspection at medyo nadismaya dahil wala doon ang mga bihag. Umuwi at pumasok sila sa tinutuluyan nila Cathy na kasalukuyang nagluluto ng tanghalian para sa mga pulis. Pasado alas- dos na ng hapon at di nila napansin ang mabilis na takbo ng oras. Sinimulan na rin nilang gamutin ang iilang mga pulis na may natamong sugat habang ang iba naman ay nagsimula ng kumain.

"Sir excuse me lang po",pagbibigay galang ni Cathy sa isang pulis na sugatan. Kasalukuyan itong ginagamot sa may bandang mukha at braso dahil sa kanilang labanan kanina. Tumingin ito sa kanya at ngumiti, ni hindi alintana ang napakalaki nitong sunog sa balat. " Ano iyon iha?", tanong nito sa dalaga. Nakuha din ng pansin ang pulis din na naggamot nito at bumaling ang tingin kay Cathy. Bahagya din itong ngumiti sa dalaga at yumuko ng sandali. "Nakita nyo po ba ang mga kaibigan ko, Sir?", bakas sa boses ni Cathy ang pag-aalala nito sa mga kaibigan. Inilapag muna ng manggagamot na pulis ang kanyang kagamitan at tumingin kay Cathy. " Pasensya na Iha, pero hindi namin natagpuan ang mga kasamahan mo. Wag kang mag-alala dahil wala na ang mga manika dahil sila'y amin nang sinunog. Pero gagawin namin lahat ng aming makakaya upang mailigtas ang mga kaibigan mo at umuwi kayo ng matiwasay sa inyong mga pamilya", medyo nabuhayan ng loob ang dalaga at nananalangin na sana ay nasa mabuti pa ring sitwasyon ang kanyang mga kaibigan.
Sa labas naman, patuloy pa ring sinusuyod ng iilang pulis ang isla at nagbabasakaling mahanap ang mga bihag. Buti nalang at may natanggap silang magandang balita, "Natunton na po namin ang kinaroroonan ng mga bihag. At positive po na andoon sila".

Samantala, gising na ngayon ang babaeng bihag habang ang lalake naman ay halos lumuhod na sa kakaiyak. Nagwawala na si Lawrence. Gusto man niyang makawala sa pagkakagapos, ngunit mahigpit ang mga tali nito sa kanyang kamay at paa. Kasalukyan siyang umiiyak habang tanaw niya ang babaeng kanyang mahal na wala ng buhok. Halos mabasa na ang katawan, damit at mukha ng binata dahil sa galit at pagmamakaawa. Pero ang babaeng nagpahirap sa kanyang iniiyakan ngayon ay todo tawa lang.

Kanina kasi, habang wala pa sa ulirat si Shylah, nakikipagtalo pa si Malucia kay Lawrence at di maawat ang kanilang mga maaanghang na salita. Maya-maya, tumatawa na si Malucia at kinakalbo na ang dalaga na nakahiga lang sa isang malapad na mesa. "Nababaliw ka na!", paulit-ulit na sigaw ni Lawrence sa walang pusong babae nang ubusin ang buhok ng dalaga. Yes, Malucia is out of her mind. Siguro ay nabaliw siya sa pagmamahal niya kay Mr.Moneca.
At ngayon na dumilat na si Shylah, una niyang nakita si Lawrence. Si Lawrence na nakatali ang mga paa't kamay. Si Lawrence na nagmamakaawa na habang umiiyak. " F*ck! Don't touch her!"sigaw nito sa babaeng baliw.
Babangon na sana si Shylah ngunit napagtanto niya na siya'y iginapos din pala. Yung gunting na ginamit pangkalbo kay Shylah kanina ay itinutok ito sa may bandang puso ng dalaga. " Tang*na! Wag mo sabi siyang sasaktan eh!", sigaw ng sigaw si Lawrence at pilit kumawala sa pagkakagapos. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ni Shylah. Di siya makaimik at makapagsalita. Parang nawalan siya ng boses dahil sa nakatutok na matulis na bagay sa kanyang puso. 'Panaginip lang ang lahat ng 'to', iyon lang ang pabalik-balik na salita sa kanyang isipan. Tumawa-tawa lang si Malucia na tila naaaliw sa palabas ngayon. Sinimulan na niyang ibaon ang gunting sa puso ni Shylah.

"Aahhhhhhhhhhh", sigaw ni Shylah. Ayaw niya namang kumilos at magwala dahil baka bumaon ito lalo. Nagwawala pa rin si Lawrence, walang magawa sa nangyayari ngayon. May dugo na na nagsimulang lumabas sa damit ng dalaga at lalo itong umaagos. Nagsimula ng mawalan ng pag-asa si Shylah at pumikit nalang. Si Malucia na tumatawa at naaaliw sa kalagayan ni Lawrence na nagmumura at punong-puno ng luha.
Pero nabuhayan ng pag-asa ang mga bihag ng marinig nila ang isang putok ng baril at may sumigaw ng..

"Taas ang kamay! Mga pulis 'to!"

ISLAND OF DOLLS  ✔️ (Now Available in Good Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon