PROLOGUE

1.9K 74 11
                                    

Saturday afternoon and I spend my weekend with my childhood friends: Cathy, Lawrence, Bea and Nicholas in the mall. We're already in college taking up Business Ad in the same university. Nagka-classmates lang kami noong highschool and we didn't even noticed that we already hanging and forming a friendly group together.

Pinark ni Nicholas ang kaniyang kotse sa parking lot senyales na nakarating na pala kami. Hindi namin namalayan dahil sa kuwentuhan namin kanina.

"Ano bang bibilhin niyo guys?", tanong ni Cathy sa amin. She's in her bitchy aura today. Wearing a red lipstick paired with her fitted dress, mukha siyang kabit na mang-aagaw ng asawa. Kinuha niya ang kaniyang yellow hand bag, ready nang pumasok.

"A dress and etc", I immediately answered.

"Kung anong makikita namin ni Lawrence", birong sagot naman ni Nicholas.

"Kung chicks ba naman ang makikita namin, edi bibilhin din", wika ni Lawrence sabay apir nilang dalawa at naghagikgikan.

Bea just shrugged her shoulders as an answer when our eyes diverted to her as a question.

Napasimangot nalang ako sa mga sinabi nila. Si Lawrence mukha talagang chicks! Nauna akong lumabas sa sasakyan. Nakakabadtrip.
Nang makapasok, nagkahiwa- hiwalay na kami para mabili ang gusto naming bilhin. The mall is in usual number of people, madaming namimili dahil weekend.

Pumunta kaagad ako sa clothes section at pumili na ng mga damit. Malapit na ang Senior's Ball namin kaya naghanda na agad kami ng maaari naming suotin. It took me an hour to roam around and pick what clothes I wanted to buy, when my feet suddenly went to the toy section.

Parang may sariling utak ang aking mga paa na pumunta doon.

"Mommy, mommy, I want to buy that doll! She's so beautiful! Mom, please...pretty please", rinig ko hanggang dito sa aking puwesto ang pagmamaakawa ng cute na baby sa kaniyang Mommy. I think she's probably around six or seven years of age. Wearing a pink floral dress, and a pink head band, masasabi ko na talagang kikay itong batang ito.

Nakahawak ang dalawang kamay sa pants ng Mommy niya at pilit na inaabot ang dulong bahagi ng t-shirt ng kaniyang ina upang hilahin . At her age, it's the easiest way  to convince her mother to buy that certain doll.

"Alin diyan ang gusto mo, baby?",tanong naman ng kaniyang ina. Binuhat niya ito upang makapagturo sa gusto nitong bilhin.

Tumingin ako sa manika na tinuro ng batang babae. Ang pangit naman ng taste nitong batang 'to.

Nakasuot ang manika ng pale yellow na polka dots dress at curly brown hair. Kung titingnan, para na talagang makaluma ang kanyang kasuotan.  Scam, they take old dolls and sell it as new ones!

Kung sabagay, sa mga mata ng mga bata kasi, lahat ng bagay maganda.

"Take care of it okay?", the mother smiled and give what she wants.

"Yes Mommy! Thank you so much", she shouted happily and give her mother a kiss in the cheeks.

Manika nga naman ang isa sa mga pinakapaborito ng mga bata. Lalong-lalo na sa mga babae.

Nilalaro.

Sinasali sa bahay-bahayan.

Kinakausap na parang totoong tao.

Parang bestfriend ang turing dahil lagi itong kasa-kasama.

Yung iba nga, ginagawa pa itong koleksyon.

Simula bata pa ako, wala akong kahit isang laruan. Kaya hindi ko mafeel ang kasiyahang meron ang batang nakikita ko ngayon habang akay-akay na niya ang manika.

INGGIT.

Naiinggit ako. Wala kasing oras sakin sina Mommy at Daddy kasi busy sila sa kani-kanilang business. Up until now na nakatungtong na ako sa college. Buti nga sana kung may kapatid ako, pero wala eh.

"C'mon Shylah, nakatulala ka na naman. Nabayaran na namin ang mga napili naming damit, 'yang sa'yo?," narinig kong sabi ni Bea na nagpabalik sa aking ulirat. Hindi ko man lang namalayan na andito na pala siya sa aking tabi.

" Oh sorry. Mauna na lang kayo sa food section, susunod ako. Babayaran ko pa kasi 'to", sabi ko at itinaas ang mga napili kong mga damit para makita niya.

"Ang dami niyan ah. Sige Shy, basta 'sunod ka ah?" paninigurado niya. Tango lang ang sinagot ko sa kanya't pumunta na agad ako sa cashier para mabayaran ang aking pinamili.

Hindi naman umabot ng sampong minuto ang pagbabayad kaya pagkatapos ko do'n ay pumunta kaagad ako sa aming meeting place at hinanap sila. It took me five minutes to locate them because of the wide area and many people.

"Guys, take a look at this!," hawak- hawak niya ni Cathy ang kanyang tablet at todo ngiti habang papalapit ako sa kanilang puwesto. Lumapit naman sa kanya ang barkada. I wonder kung anong pinagkakaabalahan nila kaya lumapit na rin ako sa kumpulan.

Its a picture of a very beautiful island.
It has white sand and a very crystal clear water. As Cathy scrolled up her phone, we already get why it has a so called 'unique island entrance'.

Sa likod ng magandang dalampasigan ay may kuweba na nagsisilbing lagusan papasok sa kabuan ng isla. Makikita mo talaga sa picture na sobrang peaceful ng place. Wala pang mga bahay dahil nasa likod ata ito ng kuweba kaya wala kang mga wastes na makikita. Ba't di 'to nasali sa wonderful tourist spots ng Pilipinas? Siguro its a hidden island pero ang rate lang ng mga tao dito two stars?! Bulag ba sila?!

" What's with that island, Cathy?," tanong ni Nicholas. Yeah, we we're curious. Ang ganda kasi, perfect na perfect na bakasyonan.

"It's a very peaceful island. Wala pang halos nakakaalam sabi nitong nagpost. Kaya tayo ang magpapasikat sa tagong view nito", sabay turo niya sa screen sa kaniyang phone. "However, we want some adventure for this vacation,right?," dagdag niya na nagpakuha sa aming atensyon.

Tumingin naman kaming barkada sa isa't isa at sabay na tumango. Ready to freshen up our mind after a two sem of cramming.

" What's the name of that island?," I asked, seems so interested about it.

"Guys, this unique and hidden island is called, 'La Isla de las Monecas'", she said and put a smirk in her lips.

ISLAND OF DOLLS  ✔️ (Now Available in Good Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon