3RD PERSON'S POV"Please give me the map of that island", utos ng hepe sa kanyang mga kasapi. Agad-agad namang sumunod ang isa sa kanyang mga myembro. Pupunta sila ngayon sa nasabing isla na nireport ng kumpare na nagngangalang Ruben. Nagdala pa sila ng mga back-up para in case na may masamang mangyari sa kanila, handa silang i solve ang case. Malayo pa ang kanilang byahe kaya naman nagkukwentuhan pa ang mga pulis habang nagtatawanan sa kanilang mga sariling jokes. Apat na sasakyan na puno ng mga makikisig na mga pulis, dala-dala ang kanilang mga pandigma.
" Malayo pa ba tayo?", tanong ng hepe sa driver na isa ding pulis. Alam kasi nito ang lokasyon ng nasabing isla. "Malayo pa po. At kailangan pa nating sumakay sa bangka mamaya para pumunta sa isla", sabi ng driver. "Ahh Okay. Tumawag kayo ng mga bangkero na papunta sa isla. Siguraduhin ninyong magkakasya ang mga tauhan natin at mga armas", na agaran namang sinunod ng kanyang mga tauhan.
Ilang oras ang kanilang binyahe at maya-maya, umabot na din sila sa daungan. " Handa na ba ang lahat?", dinoble check pa ito nh kanyang mga tauhan at agad na tumango sa tanong ng hepe. Habang sila'y nagbibyahe, ay todo dasal na ang iilan sa kanila. Parte na ito ng kanilang trabaho, ang magligtas at siguraduhing maging malinaw at mapayapa ang kanilang lugar.
"Ilan nga ang mga tao doon sa isla na sinabi ni SPO1 Kriselda?", tanong ng kanilang hepe. "Ayon sa sinabi ni SPO1 Kriselda,Chief.. Limang kabataan po ang nandoon kasama ang nasabing bangkero. Tatlong lalake, kasama ang bangkero.. At tatlong mga dalaga, chief", tumango ang kanilang hepe bilang sagot.
Maya-maya, nakaabot na din sila sa isla. Sila'y napahanga sa ganda ng tanawin na bigay dito. " Ang ganda pala dito,Chief. Sure ba silang may nakakatakot manika dito?", sabi ng isang baguhan na pulis." Di porke't maganda ang paligid ay wala ng masamang dulot nito. Magugulat nalang kayo mamaya kaya maghanda kayo", ani niya sa kanyang tauhan.
Sinimulan na ng mga pulis na impeksyunin at kumuha ng iilang litrato ang daungan. " Chief, chief!", tawag ng isa sa kanyang mga tauhan. Ipinakita nito ang karatula na nakapaskil sa labasan ng isla. Na kung saan, may kweba doon na tinitirahan ng mga kabataan. "Ba't dugo ang ginamit dyaan?", tanong ng isa sa mga pulis. Kinuhaan din ng iilang litrato ng mga pulis ang karatula. Isa sa mga kasama nila ay isang kasapi ng NBI, kaya naman agad nila itong inimbestigahan.
" Ito'y isang dugo ng tao,Chief", ani ng imbestigador. Napatutok pa ang iilang pulis at nagsimula ng magbulungan ang mga baguhan ng..
"Nakakakilabot pala dito"
"Totoo nga ang mga sabi-sabi"
"Mas okay pang makipagbarilan sa mga kawatan kaysa dito, parang wala tayong laban eh"
"Mga duwag. Pulis kaya tayo"
Napapitlag sila at agad ding nawala ang bulungan ng tingnan sila ng kanilang hepe at agad tumikhim. "Kontakin nyo yung ibang station, magdagdag pa tayo ng ibang tauhan", utos ulit ng kanilang hepe pero di sila makakontak dahil walang signal sa isla. 'Delikado kami nito', ani ng ibang mga pulis.
Matapos mainspeksyon ang labas ng isla, ay napagdisesyunan na nilang pumasok. Napanganga pa ang ilan ng pumasok sila sa kweba na papasok sa looban na talaga ng isla.Napadapa pa sila ng isang grupo ng paniki ang lumabas sa kweba. Pero may iilang mga kapulisan ang medyo nasugatan dahil sa pagmamadaling makadapa. " Letshe! Ang sakit no'n ah!", ani ng isa sa kanila. "Teka, bahay ba yun?", ani ng isa na nakakuha ng pansin sa iba pa nilang kasamahan. Nasa madalim na parte iyon ng malawak na kweba, kaya naman di mo 'to mapapansin dahil ito'y medyo nakatago.
Alerto pero mabagal silang pumunta sa kinaroroonan ng bahay. Ang kanilang pinuntahan ngayon ay ang tinutuluyan nila Cathy na pagmamay-ari noon ni Mr. Moneca. Pinalibutan ito ng mga pulis at pinasok ang bahay ng dahan-dahan.
Bumulagta sa kanila ang isang natutulog pa ring si Cathy. " Isa ba 'to sa mga kabataan?", tanong ng isang pulis. "Positive Sir", kumpirma ng isa kaya naman ginising nila ito sa mahimbing na pagkakatulog.
Pagmulat ng mga mata ni Cathy ay agad-agad siyang kumurap ng ilang beses at kinusot-kusot pa ang mga mata. Sinampal pa niya ng ilang ulit ang kanyang mukha upang magising, kung siya man ay nanaginip. Pinigilan siya ng isang pulis sa pagsampal ng kanyang kamay sa pamamagitan ng paghawak nito sa kanya. " Hindi naman po ako nananaginip di ba?", nagsimula na siyang umiyak. Inilagay nya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mukha at agad na humagulgol. "Di ka nananaginip iha", sagot ng isa at tinapik ang kanyang balikat upang i-comfort siya. " Nasaan pala ang mga kasama mo?", tanong ng hepe sa dalaga. "Di ko po alam. Basta po kasama ko po yung isa kong kaibigan na lalake na si Lawrence kagabi, pero paggising ko po, wala na sila", ani ni Cathy. "May maganda sana akong ibabalita sa kanila", humalukipkip siya. " Bumalik na ang mga ala-ala ko", ani niya kaya naman may mga tanong ang pumasok sa isipan ng mga nakikinig. Inilahad naman ni Cathy ang mga pangyayari at sinagot na rin niya kung bakit siya nawalan ng ala-ala.
Habang ang ilang pulis ay nag-iinterview kay Cathy. Sumalakay naman ang iilan sa mga kapulisan sa loob ng isla. May mga abandonadong bahay at mga cottages sa paligid. Ang payapa. Sobrang tahimik ang paligid na animo'y isa itong lugar na walang gulo at walang masamang elemento ang naninirahan.
"Hindi naman nangangain ng tao ang mga manika, di ba?", tanong ng isa sa mga pulis sa kanyang kasamahan. " Aba! Malay ko. Saan naman nila ilalagay ang mga laman natin, aber? Hahaha. Tsaka, di naman matutulis ang mga ipin nila eh", sagot ng isa na confident pa na nagsalita. Lingid sa kanilang kaalaman, ay may nag-aaligid na sa kanila.. Sa iba't ibang parte ng isla.
Sa kabilang dako naman ng isla, malayo sa kinaroroonan ng mga pulis ay may dalawang mga bihag ang nakagapos. Wala na sila sa ayos. Marurumi at mga punit-punit na mga damit, ilang araw ng walang ligo at yung dalaga naman ay wala pang kain.
Napamulat si Lawrence dahil tumama ang init na sikat ng araw sa kanyang mukha. Unti-unti niyang ibinuka ang kanyang mga mata, nag-aadjust dahil sa ilang oras na tulog. Lalakad na sana siya nang hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa't kamay. Nakatali siya.
Binalikan niya sa kanyang isipan ang nangyari kagabi. Ang paghanap niya kina Shylah at Nicholas sa kailaliman ng gabi, ang pagkakita niya sa nakahandusay na dalaga, ang pagbuhat niya dito at ang pagdakip ng mga manika----'Si Shylah!', sigaw ng kanyang isipan.
Biglang nawala ang kanyang antok ng pumasok sa isip niya si Shylah. Naaalala pa niya kagabi ang paghabol sa kanila ng mga manika. Good heaven dahil di sila nito kinain pero nanganganib naman ang kanilang mga buhay.
Nagpalinga-linga siya sa paligid. At nakita niya si Shylah na wala pa rin sa ulirat na nakahiga sa isang malapad na mesa. Nakagapos rin ang kanyang mga paa't kamay. Bakas sa mukha ng dalaga ang grabeng nangyari kagabi. Naiiyak na si Lawrence habang nakatanaw sa kanyang sinsinta sa malayo. Alam niyang nakakabading umiyak pero di na niya nakayanan ang mga nangyayari sa kanila.
'Kung ito na ang katapusan namin, tatanggapin ko na.. As long as kasama ko si Shylah', huli niyang lintaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/133118786-288-k539644.jpg)
BINABASA MO ANG
ISLAND OF DOLLS ✔️ (Now Available in Good Novel)
Horor**Highest Rank: #1 in dolls*** MANIKA. Isa sa pinakapaboritong laruan ng mga bata lalong-lalo na sa mga babae. Minsan, nangongoleksyon pa nga ang iba at ginagawang display. Gusto o hilig mo ba ang mga manika? Ako kasi hindi na. Simula nang mapunta k...