CHAPTER 27

578 30 3
                                    


CATHY'S POV

Mag a-alas singko na, di pa rin bumabalik sina Lawrence at Shylah sa pangunguha ng panggatong, baka naman naligaw na yung mga yun. Alam nyo na, ayokong mag-isip ng 'nega' baka kasi magkakatotoo.

Si Nicholas, kanina pa nagpabalik-balik lakad dito habang nakakagat sa kanyang kuko at sobrang di mapakali. Alam ko namang sobrang nag-aalala na 'tong Kulas na 'to kina Shylah. Si Tito naman, nasa tabi lang nagsasalitang mag-isa, minsan nga tumatawa at umiiyak, iniisip niya ata yung Asawa't anak niya. Hays, malaking epekto yun sa kanya kaya labis akong nagdadalamhati para kay Tito.

At sa wakas, tumigil na rin si Nicholas kakalakad, at sumilip naman siya sa butas. Hinawi niya ang kanyang buhok na parang na frustrate siya. Na curious ako kaya sumilip din ako sa isang butas. I am so shock seeing the dolls partying at may mga kulay pula sa kanilang mga bibig..dugo. Para silang may pinagpipyestahan, sino naman kaya yun? Kawawa naman siya.

"Sa tingin mo Kulas, sino yung pinagpipyestahan ng mga chakang yun?", tanong ko sa kanya. Tagakgak pa ang kanyang pawis sa noo, ganito ba 'to kung kinakabahan? "Aba'y malay ko..", sagot naman niya tsaka umiwas ng tingin. Cathy please, wag kang mag-isip ng masama, bad yun -_-

" Hahahahaha.. Ikaw talaga..gusto mo ba talaga?", narinig kong bulong ni Tito habang nakatingin sa tabi nya na parang may kinakausap at humahalakhak pa. Nasa tamang pag-iisip kaya 'to? "Sige, sige..pag wala na yung isa ah? Hehe", dugtong niya tsaka bumungisngis ulit. Matino naman 'to kahapon at kanina ah?:/

" Kulas, wuy! May saltik ba 'yang si Tito?", bulong ko at kinalabit ko siya. Bahagya naman siyang nakakunot ang noo'ng tumingin sa'kin tsaka bumaling ang kanyang tingin kay Tito. "Ano ka ba naman Cathy, para ka talagang abnormal. Ginagawa ko din kaya yan minsan, hahahaha.. Ikaw din naman eh, diba?", sagot niya. Sabagay, inaaliw ko din ang aking sarili 'pag nabobored ako. Hayaan ko na nga lang si Tito.

" Cathy, Tito.. Hahanapin ko lang sina Shylah at Lawrence. Baka kung ano nang nangyari sa kanila eh", nag-aalala pa rin niyang tugon. "Sama nalang kami ni Tito, Kulas!", sabi ko sa kanya. Baka naman kasi siya na naman ang mawala. Mahirap na.

" Cathy, mas okay ng dito ka mamalagi. Babae ka kaya kailangan mo ng kaligtasan.", ani ni Tito. "Sige na Iho, mag-iingat ka. Iligtas mo sana ang iyong mga kaibigan kung sila ma'y nasa panganib", dugtong niya. Tumango naman si Nicholas bilang tugon.

" Wag kang lalabas ng bahay, Cathy", sabi niya sa'kin. " Tito, wag nyo pong papabayaan si Cathy ah?", sabi naman niya kay Tito. Ngumiti si Tito bilang sagot. At lumabas na si Nicholas sa bahay. Sana safe siya..sila.

Nilock ni Tito yung pinto paglabas ni Nicholas. Seryoso ang mukha nito. Kaya sumilip nalang ako sa butas. Nagpipyestahan pa rin sila. "Kailangan nating maglock Iha", sabi niya. Kaya tumingin ako sa kanya at ngumiti bilang tugon.

NICHOLAS' POV

Nasuyod ko na ang mga kakahuyan pero di ko makita sina Shylah at Lawrence. Sa paglilibot ko, may naaninag akong babaeng nakaupo sa may puno sa malayo. Nakatalikod siya sa akin. Mahaba ang kanyang buhok. Naka skirt sya tas naka sky blue na suot. Balingkinitan din ang kanyang katawan. Makakapangchicks nga lang muna *_*..
Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Nakatalikod pa rin siya. Di niya ba ramdam yung presensya ko? Ilang dangkal nalang ang lapit ko sa kanya. Natatabunan ang kanyang mukha sa kanyang mahabang buhok. Natutulog ata.
" Ahmm.. Miss?", tinatapik ko siya ng mahina baka sakaling magising. Hinawi ko ang ilang hibla ng kanyang buhok.. Pero namutla at nanigas ako sa aking nakita..

ISLAND OF DOLLS  ✔️ (Now Available in Good Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon