SOMEONE'S POV
"Ahm, may irereport lang po sana ako Ma'am at kailangan ko po ang tulong niyo", tumingin sa akin ang babaeng pulis. Isang tingin na nagtatanong.
" Ano ho ba ang iyong irereport Kuya?", sa pagkakataon na ito, humarap na agad siya sa akin(whole body) habang nakaupo pa rin siya sa kanyang silya. Iniwan niya saglit ang kanyang ginagawa kanina at interesadong tumingin sa akin. Pinagsalop niya ang kanyang mga kamay na nakadagdag sa kanyang pormal at astig na datingan.
Balingkinitan ang kanyang katawan na naglalarawan ng kanyang kadalagahan. Mahaba ang kanyang itim na buhok na nakapusod. Wala siyang makeup, isang simpleng dalaga. Siguro nga ay baguhan lamang ito.
"Mayroon po akong kumpare na pumunta sa ipinagbabawal na isla. At hanggang ngayon, hindi pa rin ho siya nakakauwi, Ma'am. Umalis ho siya no'ng lunes kasama ang limang mga dalaga't binata at bumalik rin naman siya kaagad dito, pero bumalik din siya noong Myerkules dahil susunduin daw niya ang mga kabataan na nagbabakasyon doon sa islang iyon, pero Sabado na ngayon at hindi pa rin sila nakakauwi. Nag-aalala na rin po ang kanyang pamilya kung ano nang nangyari sa kanya", diretso kung sabi sa kanya. Humawak ang babaeng pulis sa kanyang sintido, wa'ring na-iistress sa aking mga saad. Pumikit sya at pina-ikot pa niya ang kanyang ulo saka tumingin sa'kin.
" Bakit sila pumunta doon kung ipinagbabawal pala? Ano ho bang pangalan nang islang iyan?", kumuha siya ng isang malinis na papel at ballpen. At handa siyang isulat ang mga impormasyong akinh sasabihin.
"Sa tingin ko ho hindi po nila alam na ipinagbabawal iyon, kung alam po nila, dapat di na sila pumunta doon di ba?", bahagya naman akong tiningnan ng masama ng babae. May sinabi ba akong masama?
"Namimilosopo po ba kayo?", tanong niya na agad naman akong umiling. Magkakaproblema pa ako nito. " Baka naman po kasama lang na nagbabakasyon? Baka hinikayat ng mga kabataan na joma-ming sa kanila? Di ba ho? Pupwede din po yun", sabi niya at itinukod ang kanyang dalawang siko sa mesa. Isa siyang matalinong pulis, pero sa sitwasyon ito, alam kong nanganganib na sila.
"La Isla de las Monecas po ang islang iyon! Sa tingin mo po makakapagsaya sila doon?", natihimik siya sa aking sinabi. Kilala ang islang iyon kung saan naninirahan ang mga demonyong manika.
" Irereport ko po ito sa aming head at gagawan po namin ito ng aksyon agad-agad. Gagawin mo namin lahat para makita at masagip sila", saad niya. Napanatag na aking loob. Sana mailigtas sila agad.
***
NICHOLAS' POV
Umaga na. Inaantay pa rin namin ang pagdating nila Lawrence, Shylah at Tito Gilberto. Si Cathy naman, di pa rin siya nakakaalala. Haysss..
"Lawrence?", narinig kong tinig galing sa kwarto. Andito pa rin kaso kami sa bahay ni Tito dito sa kweba. Nagpakilala na ako kay Cathy 'tas isa-isa kong ipinapaalala sa kanya ang mga kaibigan namin. Though sometimes nakakalimut talaga siya, pero okay lang naman kung paaalahanan. Alam kong temporary lang 'tong natamo niyang amnesia.
" Oh Cathy, gising ka na pala", sabi ko sa kanya. Namula ang kanyang mukha at agad na tumalikod. Anong nangyari sa kanya?. "May lagnat ka ba?", tanong ko sa kanya. Hindi pa rin siya humarap sa'kin. Eh? :/
"A-a-ahm, magdamit ka nga!", tiningnan ko ang aking sarili. Ghad! Topless pala ako. Agad-agad naman akong nagdamit. Kaya pala tumalikod agad siya sa'kin. Pagkatapos kong mag-ayos, pumunta na ako sa kusina. Naghanda na pala si Cathy ng tanghalian namin. Antagal niyang gumising eh! Tanghali na -_-
Inanyayahan niya akong umupo at nagsimula na kaming kumain. Syempre, di mawawala ang mga kunting usapan. Minsan kasi, sumasakit ang kanyang ulo tsaka may naaalala siyang kaunting detalye o pangyayari. Sana nga bumalik na ang kanyang alaala.
Tok.tok.tok.
Katok. Sino kaya ang nasa labas? " Lawrence? Cathy? Andyan ba kayo? Buksan niyo ang pinto!Kami 'to!", pamilyar ang kanyang boses. Parang boses ni Lawrence. Kaya naman, agad-agad kong binuksan ang pinto. Di nga ako nagkamali sila nga.
Si Lawrence na akay-akay ang walang malay na si Shylah. Makikita mo talaga ang kapayatan sa kanilang katawan. Ilang araw na kaya silang walang kain?
"Nicholas! Bigyan mo kami ng pagkain! Sobrang nagugutom talaga kami. Itinakas ko pa 'tong si Shylah kasi nakuha siya kagabi ni Malucia", agad-agad naman kaming kumilos ni Cathy at ipinaghanda sila.
Si Bea nalang ang kulang..kompleto na kami at aalis na kami dito..
BINABASA MO ANG
ISLAND OF DOLLS ✔️ (Now Available in Good Novel)
Horror**Highest Rank: #1 in dolls*** MANIKA. Isa sa pinakapaboritong laruan ng mga bata lalong-lalo na sa mga babae. Minsan, nangongoleksyon pa nga ang iba at ginagawang display. Gusto o hilig mo ba ang mga manika? Ako kasi hindi na. Simula nang mapunta k...