"Sino ba ang nagreport nyan Kriselda?", tanong nang kanilang hepe sa kanilang presinto. Isinalaysay ni Kresilda ang nireport sa kanya kahapon ng isang mama. Dapat kasi ay kahapon niya sasabihin sa hepe at iba pa nyang kasamahan sa presinto ang impormasyong nakalap niya pero nakalimutan niya ito dahil sa tambak na mga reports at trabaho, isali mo pa ang pagkabusy ng kanilang hepe dahil pumunta ito sa isang conference.
" Ba't ngayon mo lang 'to nasabi sa'kin?",tanong ulit sa kanya. Napahilamos pa sa mukha ang hepe dahil sa frustration, delikado kasi ang lugar na kanilang rirescue-hin. "Chief, may conference po kayo kahapon di ba?", natampal naman ng hepe ang kanyang sariling noo, nakalimutan niya na may pinuntahan pala siya. "Tsaka Sir, hindi ito basta ordinaryong kaso lamang, delikadong lugar itong pupuntahan natin. Kilalang lugar ito ng mga demonyo at kung susugod kami ng ganun-ganun lang.. Na wala man lang back-up, siguradong mauubos ang mga tao natin", napatango nalang ang hepe sa tinuran ng babaeng pulis.
Hindi sa pagiging duwag, pero pinoprotektahan lang nila ang kanilang mga tauhan. Sila'y mga tao rin, may mga pamilya at mga kamag-anak na mag-aalala sa kanila pero alam nilang bago pa sila sumabak sa ganitong klaseng trabaho, alam nila na sa isa lang na tama nang bala sa kanilang katawan, pwede na silang bawian ng buhay at maglaho sa mundong ibabaw.
"Isend mo sa'kin ang location ng lugar na yan, Kriselda.Magtawag ka na rin ng maraming back-up. We need to go to that place and rescue them. Dapat malutas na itong kasong 'to. Isang linggo na silang naroon", tumango at sumalute sa kanya si Kriselda bago pa lumabas sa silid ng hepe. Agad-agad namang sinunod ni Kriselda ang sinabi ng hepe at itinakda ang araw ng pagrescue.
***
LAWRENCE'S POV
Alas otso na nang gabi. Inaantay pa rin namin ang pagbalik nina Nicholas at Shylah. Pabalik-balik akong naglakad sa aming silid habang si Cathy ay malalim na nag-iisip sa tabi. " Wala pa rin ba sila?", rinig kong tanong ni Cathy pero di na ako nag-abala pang sumagot dahil alam naman na niya yun base on our situation.
Sa bawat segundong nagdaan, mas lalo akong nag-aalala sa kalagayan nila Shylah. Kung may nakakita bang manika sa kanila, kung may nangyari bang masama lalo na't di pa nakakakain yung dalawa.
Mas lumalim na ang gabi, pinauna ko nang kumain si Cathy kanina. Alas nuwebe na at ramdam na namin ang lamig ng gabi "Mauna na akong matulog, Lawrence. Gisingin mo nalang ako 'pag dumating na sila", ani ni Cathy at sinagutan ko lang ng isang tango.
Kung puntahan ko kaya sila? Kaso lumalalim na ang gabi at baka may mga manikang gumagala. Eh pa'no sina Shylah? Pa'no kung kakailanganin nila ang tulong ko? Mas lalo akong nalilito. Ayoko din namang pabayaan nalang dito si Cathy lalo na't babae siya.
Sa tinagal-tagal kong nag-isip, napagdisesyunan kong sundan sila. Malapit ng mag-alas dyes. Naghanap at kumuha ako ng bagay na umiilaw, kahit na di masyadong maliwanag basta't makita ko lang ang daan. Pinuntahan ko muna si Cathy sa silid at nakita kong mahimbing siyang natutulog. 'Hahanapin at ibabalik ko sila Cathy' ani ko sa aking isipan at saka ko nilock ang pintuan then lumabas na. Ramdam ko ang lamig na humahampas sa aking balat. Ano pang iisipin ko? eh, isla 'to eh. Pinapaligiran ng dagat.
Medyo natatakot ako dahil ako lang mag-isa ang naglalakad ngayon. Takot din na baka may makakitang manika sa akin.
Napapatalon pa ako dahil nang inilawan ko ang iilang mga puno, may mga manikang walang buhay ang nakabitin, nakabitay. Iba't ibang kasuotan, mukha at kulay. Nakakatakot pero pinili kong magpakatatag para sa kanila.
What are friends for di ba?
***
3RD PERSON'S POV
Kung kanina ay nakagapos ang kanyang kamay at paa, at nakabusal pa ang bibig.. Ngayon, para siyang pagpipyestahan. Ramdam na ni Bea na ileletchon siya..iihawin..kakainin.
Nakatali ng hiwalay ang kaniyang dalawang kamay at paa sa kawayang pina-ikes (X). Kitang-kita niya ang malaking ginawang ihawan ng mga gutom na manika, at may dala-dala pang iba't ibang mga patilim: kutsilyo, lagari, tinidor at iba pa. Makikita sa mga mata nito ang katakaman ng laman.
Wala sa isla ang sinasamba nilang reyna na si Malucia kaya naman walang makakapagpigil sa kanila kung ano mang gagawin nila sa tao dahil 'di alam ng kanilang reyna ang nangyayari ngayon. Sila'y nagpaparty, nagsasaya, nagdidiwang. Habang ang kanilang biktima ay kanina pang iyak na iyak.
Ramdam na ni Bea ang mugto ng kanyang mga mata. Lagi niyang sinasabi na isa lang itong masamang panaginip na gustong gusto na niyang magising. Siguro ay sinusundo na siya ng kanyang Mommy. Di kasi niya nakuha ang importanteng bagay na kanyang binalikan sa kwarto noon ni Mr. Moneca, siguro ay galit ang kanyang ina. Namimiss na niya ang kanyang mga kaibigan. Mga itinuring niyang kapatid simula pagkabata. Parang kusang nagtho-throwback ang isip niya. 'Ito na ba talaga ang huli kong hantungan?', tanong niya sa kanyang isipan.
'Marangya 'pang tingnan ang public cemetery kaysa dito' ani niya.
Hinawakan siya sa magkabilang kamay ng malalaki at matataba na manika. Ang isa ay sobrang laki ng bibig na mau kulay pulang labi, isali mo pa ang kanyang sirang ngipin. Punit-punit ang puting t-shirt at pang-ibaba. Yung isa naman ay kulay pula ang isang mata at kulay lila naman ang kabila na nakakaagaw pansin. Ang kanyang kulay pulang mata ay may mga dugong umaagos kaya naman naging kulay pula na rin ang kanyang damit.
Pwersahang nanlaban si Bea. She hope and pray that everything's gonna be alright this time 'coz she believe that this is just a nightmare. A nightmare that is so scared that would take her to death. She wants to wake up!
Nagtatawanan pa ang iba't ibang klase ng manika, iba't ibang kaanyuhan, kulay, buhok at nakakatakot na awra. Lahat ng manika nagsasaya.
Isa sa mga manika ay may kinuha na kutsilyo at agad-agad itinurok sa leeg ni Bea. Isang butil ng luha ang kumawala sa kanang mata ng dalaga, napaawang pa ng bahagya ang kanyang bibig dahil sa pagkabigla. 'Mga hayop!', huli niyang sigaw sa kanyang isipan bago siya mawakasan ng buhay.
Pumalakpak ang mga manika na parang isang magandang palabas ang kanilang nasaksihan. May isang nagsuggest na gawing letchom ang katawan ni Cathy at agad din namang sumang-ayon ang lahat. Itinusok nila ang katawan ng dalaga sa isang kawayan na parang isang baboy. Pagkatapos nila itong gawin ay agad-agad nila itong nilantakan.
Brutal. Brutal ang huling araw sa mundo ni Bea.
BINABASA MO ANG
ISLAND OF DOLLS ✔️ (Now Available in Good Novel)
Terror**Highest Rank: #1 in dolls*** MANIKA. Isa sa pinakapaboritong laruan ng mga bata lalong-lalo na sa mga babae. Minsan, nangongoleksyon pa nga ang iba at ginagawang display. Gusto o hilig mo ba ang mga manika? Ako kasi hindi na. Simula nang mapunta k...