Tinutok na ni Bea ang matulis na kutsilyo kay Manong. Agad-agad naman akong umalis sa pinagtataguan namin. Sisigaw na sana ako ng 'wag!' nang takpan yung baba ko at agad-agad akong binalik ni Lawrence sa pinagtataguan namin kanina. Letshe 'to ah panirang moment!"Nahihibang ka na ba Shy? Andami nila! Kung susugod ka rin lang, dapat may back-up ka. Dali!", di ko na gets ang sinabi niya . Okay, whatever. Umalis kaming dalawa sa pinagtataguan namin. Teka? Diba pinipigilan ako nitong si Lawrence na sumugod?
" Hoy babae! Ikaw ba si Malucia?! ", sigaw ni Lawrence. What?! Nababaliw na ba 'tong si Lawrence? Napatigil at tiningnan kami nang masama ng lahat pati na rin si Bea. Parang di niya kami kilala.
" Ako nga iho. Bakit ka andito? Ipagtatanggol mo ba ang kaibigan mo at ang lalaking 'to?", nakangisi niyang sagot. "Wala na kayong magagawa pa iha't iho. Ang kaibigan niyong ito ang nagsumbong sa akin.", at itunuro ni Malucia si Bea. Tiningnan ko si Bea, nanghihingi ako ng senyales na di niya yun kayang gawin. Pero nabigo ako. Ngumisi lang siya sa'min na parang nang-iinis.
"Balak nyo pang itakas sa akin si Gilberto. At ano!? Irereport nyo sa mga inauukulan ang islang 'to na aking nilikha?!" Nanggigigil niyang sigaw. What? Nilikha? Sabagay, puro nga naman mga manika dito na kanyang pinagagalaw.
Di namin napansin na may humawak sa amin ni Lawrence na malalaking manika. Yung humawak sa'kin, kambal pa ata. Pareho sila eh . Isa sila sa mga stuffed toy. Pero ang kaibahan lang, matutulis ang ngipin ng mga nito (nakangisi kasi), malalakas, mapupula ang kanilang mga mata at may bahid ng dugo sa bibig. Kumakain din ba ang mga 'to ng tao? Sa tingin ko nga. Kasi naman, ang lalagkit ng mga tingin nila sa'min ni Lawrence, may pa dila-dila pa na parang natatakam na sila kaming kainin.
"Cge na iha, saksakin mo na 'yang taong yan at nagugutom na ang iyong mga kasama", ani niya kay Bea. Nagpupumiglas na kami. No! Wag si Manong! May pamilya pa siyang nangangailangan sa kanya! Sumisigaw at tinatadyakan na namin ang mga manikang may hawak sa'min ni Lawrence. Pero di kami makawala.
Itinutok ulit ni Bea ang kutsilyo kay Manong. At di kami makapaniwalang ilang beses niyang sinaksak ito habang may malademonyong ngiti sa labi. Si Malucia.. Si Malucia ang may kagagawan nitong lahat!! Kaya namatay si Manong nang di man lang nagising at kaya ni Bea'ng pumatay ng tao nang wala sa sarili.
"Letshee ka Malucia! Sarap mong ilibing ng buhay!", sigaw ko sa kanya. Tumawa lang ito ng tumawa. Si Bea naman ay tuliro na naman.
" Dalhin nyo 'yang dalawang yan sa aking kulungan, kasama ang dalawang demonyo do'n", utos niya sa mga manikang hawak sa'min at walang-awa kaming kinalakad. Naiiyak na ako sa mga nangyayari.
Isang buhay ang nawala dahil sa kasamaan ni Malucia.
BINABASA MO ANG
ISLAND OF DOLLS ✔️ (Now Available in Good Novel)
Horror**Highest Rank: #1 in dolls*** MANIKA. Isa sa pinakapaboritong laruan ng mga bata lalong-lalo na sa mga babae. Minsan, nangongoleksyon pa nga ang iba at ginagawang display. Gusto o hilig mo ba ang mga manika? Ako kasi hindi na. Simula nang mapunta k...