I envy Cathy sometimes kasi hindi siya matatakutin at gusto niya yung mga bagay na may thrill. Well, its the opposite for me.
Pero kung matapang ka at hindi mo iniisip ang maaaring posibleng mangyari is another story. May part na sa akin na nagsisisi na sumama ako sa kanya. Hindi naman masamang huminga sa araw- araw na away ni Mom at Dad pero hindi yung ganito. Hindi yung posibilidad na makalabas kami dito.Hindi natatakot si Cathy na matrap dito. Kailangan lang daw kaming kumalma, huwag magpanic at antayin si Manong bangkero sa miyerkules. We couldn't stop our emotions knowing that we don't have any assurance that he will come back to save us.
Bitbit pa rin ni Cathy ang manikang pinakita nya sa' min kanina. Hindi ba siya natatakot diyan? Kasi naman, tuwang-tuwa at sabik-sabik siya dito. Niyayakap pa niya na parang ngayon lang siya nagkamanika.
Gusto kasi ni Cathy ay yung mga bagay na kahit marumi o nakakatakot, basta bet niya, go. Sobrang babaw lang talaga ng kaligayahan ng babaeng to.
Sabay kaming dalawa ni Lawrence na umiling upang ipakita na hindi kami sang-ayon sa gustong gawin ni Cathy.
"'Coz why not? O' cmon, manika lang ito mga praning", naiinis niyang saad sa amin.
"Mahirap na Cathy. Kung gusto mo iyang katabi, doon ka matulog sa labas mamaya", ani ni Lawrence.
Mahirap na talaga. We have this weird feeling about these dolls here in the island.
"Ang mga KJ naman nito", bahagya pa siyang sumimangot at nagpumilit pero hindi talaga namin sya pinayagan. Ayaw din naman niyang matulog sa labas.
"Eh itong akin, puwede?", napaface palm nalang kami nang ilabas ni Nicholas ang sexy na barbie sa likuran niya.
Yung barbie naman na bitbit ni Nicholas ay maputi, hindi gaya ni Barbara na Black-American. Nakalugay ang itim na buhok neto na nagmumukha na tuloy itong white lady. Nakasuot kasi ito ng puti pero off -shoulder na hapit sa katawan. New version yata ito ng white lady. Hindi ko makita ang mukha ng Barbie ni Nicholas kasi nakatalukbong ang malagong buhok neto sa kanyang mukha.
Ito lang yata ang barbie na nakita kong may malagong buhok. Most of the Barbies kasi ay mabibilang lang ang buhok at panot pa. But unlike this Barbie na dala ni Nicholas, para itong tao kasi human- size sya.
"Yung totoo Nicholas ? Sa'n mo napulot yan? Bading ka ba?", tanong ko sa kanya. Natawa naman si Cathy, Bea at Lawrence sa tanong ko. Sumimangot naman siya. Wala na, natuluyan na yata ang mokong.
"Gusto ko eh, meron din namang mga manika sina Cathy at Bea", nahihiyang napakamot sa ulo niyang sabi.
" Oo nga natuluyan na yata 'yang ni Nicholas Nako, magiging Nica iyang si Nico sa gabi!", hagalpak na tawa ni Cathy. "Ba't 'di mo sinabing may dugong bughaw ka pala?", dagdag na asar niya pa.
Asar na asar ang mukha ni Nicholas. "Halikan kita d'yan eh"
Binelatan lang siya ni Cathy. Inaasar na naman niya ni Nicholas. Ang sarap talaga nilang i- stock sa isang lugar na silang dalawa lang. Yung tipong magsasapakan sila, magsasampalan ang ganda kaya no'n panuorin.
"Ano kasi..." Sabay kamot niya sa ulo. "May nagbigay lang na mga bata sa labas kanina kaya tinanggap nalang namin. Ayaw nga sana ni Bea kaya lang papalabas na 'yong luha sa bata kaya ayun, mapilitan ang babae.Tyaka huy Aling Cathyaaa! Hindi ako bading! Sa gwapo kung 'to? Madaming iiyak na babae tsaka mas maganda pa nga kesa sayo 'tong manika eh...hindi pa flat", pambawi ni Nicholas.
Naaasar na din si Cathy sa mga saad ni Nicholas kaya ayon nagbatuhan sila gamit ang manika, para talaga silang mga bata.
Nang nilabas ni Bea yung kanya, saka lang ulit ginapangan ng takot. Shit, para itong totoong bata!
Tingnan ko siya bago ang manikang bitbit niya.Ngumiti lang sa akin si Bea.
Blonde ang buhok nito na hanggang balikat at may koronang maliit sa ulo na kinakalawang na. May bangs din siya na hinati sa gitna. Puro puti din ang kaniyang mga mata. May mga itim- itim sa kaniyang balat.
Lumapit ako para mahawakan. Sisiguraduhin ko lang na manika ito kasi para talaga itong totoo. Plastic nga.
Nakasuot ito ng dress na kulay itim. May mga puting portion naman sa kaniyang damit pero iilan lang. Ang nakatawag pansin sa akin ay ang nakabaliktad na cross na kaniyang noo. I know its a demonic symbol. Demonyo ito!
"Oh Shy, wag mo 'kong tingnan ng ganyan. Pinilit ko lang tanggapin 'to dahil sa bata. Gusto ko din naman 'to tyaka ang cool kaya. Para akong totoong witch", natatawa niyang sabi niya na nagpakilabot sa amin ni Lawrence.
"Alam mo ba kung anong meaning nito?", tanong ko at tinuro ang gitnang noo ng manika kung saan naroon ang baliktad na cross. Agad naman siyang umiling.
"You should search more about that", sabi ko sa kaniya na nagpakita ng question mark sa kaniyang mukha.
Para silang mga batang first time nakahawak ng manika. Sabagay, mga mayayaman kasi 'tong mga 'to. Parehas kasi kami ng sitwasyon. Lack of attention.
"Bahala nga kayo sa buhay niyo pero ngayon, kumain na muna tayo. Ilayo niyo muna 'yang mga basurang bitbit ninyo", sabi ko sa kanila. At agad naman silang sumunod. Bumalik sila't umupo at nagsimula ng kumain..
"Shaks, parang anak ninyo na kami Mommy at Daddy!", ako naman ngayon ang inaasar ni Nicholas kaya binato ko siya ng unan.
" Baliw. Basta guys, huwag kayo ulit hahawak ng manika ha?", bulong ko sa kanila. Malay ko ba kung may buhay 'yang mga manikang yan. Tyaka, we should think of our safety before anything else will happen.
"Bakit naman Shy?", tanong ni Nicholas habang sumasandok ng sinigang.
"Ay basta, just promise me", ngumiti sila at nagpromise sign. Iyan ang gusto ko sa kanila. Mababait at understandable.
Matapos naming kumain ay niligpit na namin ang aming pinagkainan.
Biglang sumigaw si Nicholas sa puwesto namin kanina.
"Uy punta kayo dito guys dali!", sigaw niya na nagpataranta sa amin.
"Bakit?", tanong namin sa kaniya.
"Nasaan ang mga manika dito?", tanong ni Bea. Agad kaming dumungaw sa bintana kung nasaan si Nicholas at kumabog ang aming mga puso.
"Shit, bakit dumami sila?"
BINABASA MO ANG
ISLAND OF DOLLS ✔️ (Now Available in Good Novel)
Korku**Highest Rank: #1 in dolls*** MANIKA. Isa sa pinakapaboritong laruan ng mga bata lalong-lalo na sa mga babae. Minsan, nangongoleksyon pa nga ang iba at ginagawang display. Gusto o hilig mo ba ang mga manika? Ako kasi hindi na. Simula nang mapunta k...