"Two rooms please"
"Ang room niyo po is number 9 and 10 ", sabi ng receptionist sa amin. Manika din siya pero gawa sa tela.
Mga limang minuto din kaming nag- asaran bago dumating ito. May ginagawa daw kasi siya. Ewan, may receptionist bang iniiwan yung trabaho niya?
Dumating siya na parang wala siyang trabahong iniwan. Ngumingiti pa siya bago pumunta sa front desk. Mukhang si Anabelle, literally. Pero may mga uunting dugo akong. nakita sa kaniyang paanan. Weird.
Kitang- kita ang pin sa kaniyang dibdib. 'Jessica' ang pangalan niya.
"Pasensya na po kayo't natagalan. Pinatawag po kasi ako ng manager. Heto po ang room key", sabi niya at nilapag sa aming harapan ang dalawang susi na may manika na key chain.
"Wala bang ibang tao dito miss bukod sa amin?", hindi ko na napigilang itanong. Bumaling siya sa amin at ngumiti. "Wala po. For now, wala pang ibang turista na nags- stay in. Ilang araw po ba kayo dito?"
Nagkatinginan kaming lima. Walang sumagot sa amin.
"Magsasabi nalang kami. Ilang rooms ba lahat dito?", tanong ni Bea. Kinuha niya ang dalawang susi.
"20 po lahat. Occupied na po yung iba"
"What do you mean occupied? May nags- stay na manika sa ilang rooms dito?", natatawang tanong ni Bea sa kaniya.
"Opo", napamura kaming lahat sa sagot niya.
This is crazy.
"Everything is weird", rinig kong bulong ni Cathy.
Nag- thank you kaming lahat sa kaniya at sumakay na sa elevator. Pinindot ko agad ang number 2 dahil nandoon daw ang room number nine and ten sa floor na iyon.
"Hi"
Nang mafeel na naming umaandar ito pataas, napatalon kami ng akala namin kami lang sa loob ng elevator.
"Hi"
Babae ang boses. Malakas ang pagkakasabi niya.
Luminga-linga kami kung saan nanggagaling ang 'hi' na iyon pero hindi namin makita."Hi"
Nang mapagtantong sa itaas nanggagaling ang tinig, napahiyaw kaming lahat sa takot at natumba sa sahig.
Nagkapatong- patong kaming lahat dahil sa nakita. Isang white lady ang nasa itaas namin!
Sobrang taas ng kaniyang buhok at madumi din ang puting tela na kaniyang suot. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha dahil sa pagkataranta.
Lalo kaming nagpanic ng bumaba siya ng biglaan kaya tumayo at halos dumikit ulit kaming lahat sa gilid dahil sa taranta."Huwag kayong matakot. Ako si Jane, tao ako katulad niyo noon", sabi nito pero nakatakip pa din ang kaniyang buhok sa kaniyang mukha. "Binabalaan ko lang kayo na mag-ingat kayo dito. Umuwi na kayo habang maaga pa. Mamamatay kayong lahat kapag nagtagal pa kayo", dagdag niya pa.
Bumukas ang elevator at bigla nalang siyang nawala na parang bola.
"Isa ba iyon sa palabas ng isla? It's kinda cool y' know", napapalakpak pang sabi ni Nicholas.
"Well everything is weird. Hindi naman iyon manika, multo iyon. Baka gawa-gawa lang niya 'yon", suhistyon ni Bea.
"Baliw ka ba? Papauwiin na niya tayo! Babala iyon", sigaw ko sa kaniya. Baliw 'to.
"Eh paano tayo uuwi, eh wala namang connection or signal man lang dito?", tanong naman niya. Ang gaga ang sama pa ng tingin sa akin.
"Mas mabuti pang pumasok nalang tayo sa ating mga kwarto. Baka may wifi doon or signal. Kami ni Nicholas sa room 10, kayo sa 9", pagpigil ni Lawrence sa nagbabadyang away namin ni Bea.
"Lawrence? May napapansin ka bang kakaiba dito sa isla simula noong pumasok tayo dito?", tanong ko sa kanya. Kami lang dalawa dito sa kusina.
Kami kasi ang nautusang maghanda ng tanghalian. Dahil ito sa letcheng spin the bottle, ang tatamad kasi ng mga kaibigan ko. Buti nalang talaga at si Lawrence ang kasama ko. Dahil kung isa man sa mga tatlo, magtatalo lang kami dito sa kusina at baka 'di pa masarap ang mahahain na pagkain.
"Of course Shy, hindi ako katulad nilang tatlo na naaakit sa view dito", napahinto ako sa pagcho-chop ng repolyo.
Napapansin nya din pala. Nagsimula siyang maggisa ng bawang. At inilagay ang karneng baboy. Oo, May dala si Cathy, ang weird talaga no'n kahit kelan. Kaya pala may bitbit syang plastic kanina.
" Simula noong makapasok tayo sa kweba, masama na ang pakiramdam ko dito sa islang 'to, Shy. Sobrang tahimik.
Feeling ko nga walang taong naninirahan dito o sadyang paranoid lang ako. Yung manikang itim, nakakatakot siya. Hindi lang ako nagpahalata kanina at dinivert ko lang ang aking atensyon sa pagkain", yumuko siya at tumingin sa aking mga mata."Shy, gusto ko nang umalis dito. Feeling ko kasi may mangyayaring masama sa'tin", dagdag niya pa. Nararamdaman ko ang takot niya pata sa kaligtasan namin. Natatakot din ako sa mga posibleng mangyari.
"Sabi sa 'kin ni Manong bangkero sa Miyerkules pa daw sya babalik kaya tatlong araw pa tayo dito sa isla", sagot ko sa kanya at bumitaw sa nakakalunod niyang mga tingin. Pinilk ko nalang idivert ang sking atensyon sa hinuhugasan kong mga repolyo.
Pinakuluan pa kasi niya yung karne. Yung feeling na sabay kayong magluto ng sinigang ng crush mo, parang nakalimutan ko tuloy ang takot ko.
" Oy Shy, bakit ka namumula? May sakit ka ba?", lalapit pa sana siya para icheck kung okay lang ako pero agad akong napasigaw ng, "Okay lang ako!"
"Tikman mo nga 'tong niluto ko", sabi niya at aaktong susubuan niya ako ng napangiwi ako sa sandok na black.
Black talaga lahat. Buti nalang yung mga rekados hindi. Black kaya lahat ng pagkain nila dito ?
" Masama ba?" Sabi nya na bahagya pang sumimangot.
"Ay nako, hindi. Yung utensils kasi..black", sabi ko sabay kamot sa batok.
" By the way, sana naman mali 'tong mga iniisip at kaba natin, kailangan talaga nating mag-ingat in case of emergency" tumango lang ako sa sinabi nya. Tama sya safe first.
Sinerve na namin ang aming nilutong pagkain sa sala. Nandoon kasi silang tatlo. Muntik ko pang mabitawan ang aming dalang tray dahil may bitbit na manika si Cathy! Ayoko ng makakita ng manika!
"Lawrence, Shy, look at this doll oh! She's so cute like me ", sabi ni Cathy na may kasama pang pagpisil sa pisngi sa manika.
Yung manikang bitbit niya ay medyo malaki. Malalaki ang mga mata na kulay itim, pati na rin ang buhok neto. May suot itong mapusyaw na dilaw na dress kahit nakakatakot siya para sa 'kin, malinis naman itong tingnan. Nabigla kaming dalawa ni Lawrence sa sinabi ni Cathy..
" Gusto ko siyang katabi matulog. Walang aangal"
BINABASA MO ANG
ISLAND OF DOLLS ✔️ (Now Available in Good Novel)
Horreur**Highest Rank: #1 in dolls*** MANIKA. Isa sa pinakapaboritong laruan ng mga bata lalong-lalo na sa mga babae. Minsan, nangongoleksyon pa nga ang iba at ginagawang display. Gusto o hilig mo ba ang mga manika? Ako kasi hindi na. Simula nang mapunta k...