Dinala kami ni Lawrence dito sa kagubatan na may maraming barb wire at kakahuyan. Napakatahimik. Wala man lang paro-paro o ano mang kulisap na humuhuni, lumilipad o gumagala. Pero naagaw ang pansin namin sa napakalaking kahoy. Di nga ako makapaniwala na may nag-eexist na may ganitong kalaki. Aakalain mong itong lugar na ito, ( kung sa'n kami dinala) ay sobrang peaceful. Tahimik, kasi sana dulo ito ng kagubatan. At may mga nakakatakot na mga sirang manika ang nakabitay sa kada sanga ng mga kahoy. May pinto ito na bandang likod, gawa din sa kahoy.Habang dala-dala kami kanina ng mga manika, todo tawanan pa ang mga ito. Inaasar kami, like magjowa daw ba kami? (Sure why not) at kung magkapatid daw ba . Tahimik lang kaming dalawa. Alam ko namang di nakikinig si Lawrence dahil wala siya sa sarili. *Share ko lang*
Nang makapasok kami sa loob, may lima itong malalaking kulungan. Hanggang ngayon, I really can't believe na nagkasya ang mga kulungan sa loob ng isang kahoy. Sobrang kalat at sobrang sangsang ng amoy. Para ata'ng may patay dito na 'di pa nalibing o sadyang pinabayaan lang. Madilim din, kaya nagkandadapa-dapa kami at di man lang alam kong sa'n kami tutungo. May narinig akong mga bumubulong, ewan ko lang kung guni-guni ko lang yun. Ang narinig ko lang..
"May bago na naman silang ikukulong dito kasama natin?"
"Dalawa ata sila. Hays, pa'no na tayo neto"
"Nagugutom na ako"
"Ako naman, nauuhaw."
Pero sinasabi lang nila yan sa napakahina nilang boses. Wag nyo kong tanungin kung ba't ko narinig, basta narinig ko, yun na yun . Iniisip ko kung pa'no sila makakakain ng maayos sa ganitong estado: mabaho, marumi at madilim.
Tumatawa pa ang mga manika habang ino-open nila ang pintuan ng parang selda namin. Ang baho talaga >_<.
"May namatay na ba dito?", tanong ko sa mga manika. Nagtawanan ulit sila. Nagsisi akong sinabi yun dahil nakakatakot silang tumawa. Yung feeling na magkakabangongot, maiihi ka sa takot at tumitindig ang balahibo mo kada hahalakhak sila.
" Inay, natatakot po ako", rinig kong bulong sa katabing selda. Isang batang babae. Kinalampag ito agad ng isang manika, tsaka tumawa pagkatapos. Tinatakot niya lalo ang mga tao sa loob. Narinig namin ang mga hikbi at mga 'Shhh.. Wag mo nalang pakinggan'. Ilan kaya kami dito? Ba't dinamay nila ang bata sa loob ng impyernong lugar na ito?
"Oo, marami nang namatay dito. Yung iba, pinagpyestahan na nang mga kaibigan namin", nakangiti saad ng isang clown na manika. Really? Totoo talagang kumakain sila? " Ansarap no'n! Sana payagan ulit tayo ni Reyna'ng kumain!", sabi naman ng isa.
Nagkatinginan kami ni Lawrence. Di na namin alam ang aming gagawin. Alam naming nag-aalala na sila Cathy do'n. Pero we need to find out kung sa'n nilagay ng mga demonyong 'to ang asawa't anak ni Tito. Maya-maya kinandado nila yung kulungan at umalis. Tahimik ang namayani dito sa loob.
"Ineng? Ba't kayo nagpahuli sa mga demonyong iyon? Di ba kayo lumuwas sa syudad?", rinig naming tanong ng isang Ginang. " Ahm, dayo po kami dito sa islang 'to", si Lawrence ang sumagot sa kanyang tanong. Naririnig namin ang kanilang mga singhap at mga 'tsk'. "Ineng, Iho! Wala ng pumupunta dito at di yun pinapahintulutan dahil andami ng namatay dito sa islang 'to!", sigaw naman ng isa.
Alam namin. Kung pwede lang ibalik ang panahon. Kung pupwede lang namin kayong tulungan. Kung nakikita namin kayo at hindi ang kadiliman. Kung pupwede lang....
![](https://img.wattpad.com/cover/133118786-288-k539644.jpg)
BINABASA MO ANG
ISLAND OF DOLLS ✔️ (Now Available in Good Novel)
Horreur**Highest Rank: #1 in dolls*** MANIKA. Isa sa pinakapaboritong laruan ng mga bata lalong-lalo na sa mga babae. Minsan, nangongoleksyon pa nga ang iba at ginagawang display. Gusto o hilig mo ba ang mga manika? Ako kasi hindi na. Simula nang mapunta k...