CHAPTER 6

738 51 4
                                    


Gusto kong sigawan ang aking mga kaibigan na kulang nalang maghugis puso ang mga mata simula ng makarating kami dito sa isla. Hindi ko naman sila masisisi kasi sobrang nakakamattract naman talaga ang beautiful view at sa pagkapeaceful ng place.

Napigil saglit ang aking paghinga at nagsitaasan ang aking mga balahibo sa lugar na ito nang makapasok na kami sa mismong loob ng isla. Agad naman naming iginala ang aming mga paningin sa paligid.

Ito ay isang munting baryo.

May mga cabins at gawa sa kawayan ang aming nakikitang kabahayan. Kung titingnan, para kang nasa isang probinsya, though may iilang mga bahay naman na sementado na. Puro mga iba't-ibang puno din ang nakapalibot sa lugar.
May iilan lang din ang mga tao sa labas na ginagawa ang kanilang mga usual daily routine. Ang kanilang mga kasuotan ay parang nasa makalumang panahon.
Mataas na saya, blouse at  may panyo sa ulo ang mga babae. Sa mga lalaki nama'y parang mga kasuotan sa magsasaka katulad ng lumang blouse, short na kupas at mga butas-butas ng mga sumbrero.

Hindi naman sa pagiging judgemental pero sa tingin ko'y walang mayaman dito sa lugar na ito base na nakikita kong estado nila sa buhay.

Muntik pa kaming atakihin sa puso at bahagya pang napatalon pa nang biglang sumulpot sa aming harapan ang isang barbie. Nakikita namin ang plastic niyang anyo at fake hair.

Yes, it is a literal human size barbie na mabibili o makikita natin sa mga malls.

Hindi naman siya nakakatakot tingnan, I think? Kasi iyong mga kaibigan ko, aliw na aliw sa kanya.

Si Cathy at Bea na todo picture sa kanya at yung dalawang lalake ay kanina pang hini-head to toe at sobrang manghangang-mangha na parang nakakita ng artista. Their jaw dropped in amazement at hindi mapagkakaila na pati ako namamangha sa kaniya.

Ito ay isang Black-American barbie. She looks like Moana in cartoon movies I've saw. Nakasuot kasi siya ng isang pearl na kuwentas at isang tela na parang may tribu sila dito sa isla. Mahaba at maalon ang kaniyang maitim na buhok. Katamtamak din ang tangos ng kaniyang ilong.

Nang ngumiti siya sa amin ay napamura kaming lahat. Shit, robot ba 'to?

Isa- isa niya kaming nginitian pero nang bumaling siya sa akin, kinikilabutan ako sa kanya. I don't know why again I feel this weird aura. Lumalakad at gumagalaw ito mag-isa na parang real life barbie talaga. Tumingin ako sa mga tao kung nawe-weirduhan din ba sila dito pero tuloy lang sila sa kanilang mga ginagawa. Isa yata sa kanila ang gumawa nito.

"Hello mga turista! Maligayang pagdating sa aming isla!", bungad niya na lalong tumaas ang paghanga namin. What the hell-- nagsasalita din ito! Hindi namin maitago ang paghanga that we literally made a shock face in front of her!

May medyo pink lipstick siya sa labi na parang ordinaryong manika pero yung ngipin niya, may mga butas-butas na. Confident na confident  ang pagkakasabi niya ng mga katagang yun, siya ba yung mag-aasist sa amin?

" Woww!! Barbiee!!", hindi maitago ang pagkamangha ni Cathy at sumigaw pa. Walang hiya siyang lumapit at hinawakan ito. Tila ini- examine niya kung totoo ba talaga ang nasa aming harapan.

Walang hiya.

Hindi naman gumalaw ang manika at tumingin lang kay Cathy. She even blink like a human being! Walang hiya ding niyakap ni Cathy ang manika.

Mygod.

Parang ayoko nang magkaroon pa ng mga manika. May plano pa naman sana akong mangoleksyon ng mga ito pero I think this time, parang nag-iba na ang isip ko.

"Oy Cathy, umayos ka nga. Para kang bata eh. Dise nuwebe anyos ka na ui!", natatawang saad ni Nicholas. Hinihila nito si Cathy papalayo sa manika. Todo kapit naman ang malantod.

"Okay lang po. Alam ko pong first time niyang makita ang katulad namin", sabat naman ng manika.

Kusa ng bumitaw si Cathy at tumabi sa akin.

" Huy! Nicholas Amadeo for your information, nineteen is a 'teen"--she used both of her hands to emphasize the word teen--" I'm still young! Not like you na marami ng kulubot na sa noo. Stress ka girl?", pag-aasar ni Cathy at nagbelat pa ang walang hiya.

Kinurot ko ang tagiliran niya. Nakakahiya 'tong mga 'to. Dito pa nag-asaran.

"Aray Shy, bakit ka ba nangungurot ha?", naiinis niyang tanong sa akin.

"Don't you find her creepy?", bulong ko sa kaniya. Agad namang nagpang-abot ang kilay niya sa aking tanong. "Hindi sa pagiging praning pero may something sa kaniya na I find her creepy. Don't you feel the same?", dagdag na tanong ko pa.

Humugot siya ng malalim na hininga na parang nauubusan na siya ng pasensya sa akin.

"Stop being praning Shy, nasobraan lang tayo sa pagiging judgemental nitong lugar nila. Nakakahiya. Maganda naman dito at maayos ang welcome nila sa atin. Kung ang problema mo ay ang signal, itatanong ko iyan", she said.

Kinakausap o iniinterview pa nila Lawrence, Bea at Nicholas na para silang mga broadcasters ang barbie na parang totoong tao ,hindi ba nila alam na 'di dapat 'yan nagsasalita? Its not human like us.

"May gumawa ba sayo? I mean, a scientist or an inventor or something?" hindi ito sumagot sa tanong ni Lawrence. Habang nag-uusap sila, napasulyap sa akin ang manika at ngumiti ng nakakaloko, smirk ata ang tawag 'don.
'Di ata nila napansin ang ginawa ng manika dahil sa kaaliwan.
Parang gusto ko ng bumalik sa bahay.

"Secret", matagal bago siya nakasagot.

"Uhh excuse me, puwede bang magtanong?", singit ni Cathy sa kanilang usapan.

"Wala bang signal or connection dito sa lugar niyo? May ko-kontakin lang sana kami. Its important", she said.
Nakita kong tumaas ang kilay ng manika na parang nagtataray.

" Is it your Dad, Cath?, tanong naman ni Bea.

"May boyfriend ka na?, pang-uusisa naman ni Nicholas.

"Bagsak ba grades mo" pang- aasar ni Lawrence kaya hinampas siya ni Cathy sa tanong niya.

"Mga baliw. Kokontakin ko si Manong at si Daddy. Baka kasi hindi na tayo makabalik mga hunghang", natatawa niyang sagot sa mga agam- agam nila.

Bumaling kaming lahat sa manika. Nag -aantay ng maayos na sagot sa kaniya. Pero ngumiti ulit ito.

"Pasensya na po kayo pero wala po talagang signal dito. Walang cellphone o mga gadgets kasi bawal po. Kapag nakapasok na po kayo, kukumpeskahin 'yang mga gadgets niyo. Ibibigay niyo po lahat doon sa front desk ng hotel na tutuluyan niyo", mahaba niyang saad.

ISLAND OF DOLLS  ✔️ (Now Available in Good Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon