Chapter 11

10K 328 15
                                    

Black Smoke

-

Gwyneth's POV

Napamulat ako nang pakiramdam ko ay parang may nakamasid saakin, ngunit nang ilibot ko ang paningin ko dito sa buong apartment ko ay wala akong nakita.

Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba iyon ngunit natakot ako ng sobra. Sa sobrang takot ko ay naghanda na ako para pumasok. Alam kong mamayang hapon pa ang pasok ko, pero tumataas ang balahibo ko rito, kailangan ko munang lumabas.

Minadali ko ang mga ginagawa ko saka ako pumunta ng school. May mga studyante na rin dito, meron kasing naka-schedule dito ng pang-umaga at hapon.

I looked behind me when I felt someone following me, but when I looked back I didn't see anything so I continued walking. After a while I heard footsteps following me again, I turned to look at it, but just like before I didn't see anything.

Nang haharap na ako ay naramdaman kong bumangga ako sa isang bulto. Natumba ako sa lakas nito, ngunit nang mag angat ako ng tingin upang tignan kung sino ang nakabangga ko ay walang ibang nandito kundi ako lang.

Tinawanan naman ako ng mga nakakita sa akin at kung ano ano na ang sinabi.

"Baliw oh,' yan ba ang natipuhan ni King?"

"Walang tatse, napakalampa niya."

Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa semento. Hindi ko na lamang sila pinansin at nagtuloy ako sa paglalakad.

"Baliw."

"Lampa."

Gusto ko silang lapitan para gantihan ngunit pinigilan ko ang sarili ko. I needed to calm, walang mangyayare kung papatulan ko sila.

"Ahhh!" I screamed in shock when I felt someone caress my thigh.

-

"Gwen, nabalitaan mo na ba 'yung tatlong students na namatay?"

Did it really happened o guni guni ko lamang iyon. I've been acting so strange this past few days. Simula nang dinala ako ni Axi sa bundok na 'yon naging ganito na ako.

"Grabe, pinatay talaga nila sarili nila?"

Una iyong mga nagtatawanan sa pandinig ko, and now iyong mga nararamdaman kong may nakasunod sa akin.

"Sa tingin mo anong dahilan ng ikinamatay nila?"

Gusto ko ng umuwi sa amin, I am worried for my self. Ayokong mapahamak ako rito. Hindi ako nararapat sa paaralan na ito. I wanted to tell it to my parents, pero paano? Would they believe me?

Bakit ba naman kasi hindi man lang nag check ang parents ko ng background ng school na ito? Nalaman lang na free tuition ay pinag aral na ako rito.

"GWEN NAKIKINIG KA BA HA?!"

"Ay pusang ka! Ano ba 'yan, Joy?!" napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.

"Ikaw kasi eh."

"Anong ako?" takang tanong ko.

"Kanina ka pa namin kinakausap. Sumurender na nga si Amira sayo eh. Bakit ba tulala ka diyan ha?" inis na sabi nito.

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon