Gwyneth's POV
Kumuha na ako ng towel sa closet saka ako nagpunta sa shower room kung nasaan ang mag-ama ko. Nagsho-shower kasi sila nang sabay.
"Tama na 'yan, kanina pa kayo naliligo." saway ko sa kanila. Na enjoy na yata nila ang pagligo, hindi na sila matapos tapos.
Buhat ni Axi si Adrian. Parehas silang walang kahit anong saplot. Wala man lang pake si Axi kahit nakikita ko siya ng hubad. Nasanay na yata ang loko.
Madami pang bula sa katawan ni Axi habang hawak naman ni Adrian ang hand shower at itinutok pa kay Axi na parang siya ang nagpapaligo sa kanyang ama.
"Sige na. Tama na 'yan." sabi ko ulit. Binigay naman saakin ni Axi si Adrian kaya nauna ko nang pinunasan ng towel si Adrian.
"I can handle my self, Mom." sabi ni Adrian saka niya kinuha ang towel mula sa akin at naglakad palabas ng bathroom.
Binalingan ko naman si Axi na inaalis ang bula sa katawan niya gamit ang hand shower.
"Enjoying the view, ha?" natatawang pang-aasar niya sa akin. Naramdaman kong namula ang aking pisngi sa kanyang sinabi. Kumindat ito sa akin bago ako lapitan at kunin ang isa pang towel na hawak ko.
"Feeler ka, eh anliliit naman ng abs mo." inirapan ko siya. Nagpunas siya ng katawan niya saka niya ibinalot sa lower part niya ang towel. Ibabalot pa niya eh hindi nga siya nahiyang nakita ko kanina.
"Diba ayaw mo ng may malalaking abs? Kaya pinaliit ko." natatawang sambit niya bago ako hinigit palapit sa kanya sa pamamagitan ng paghapit sa aking bewang.
Nagsisinungaling siya, wala akong sinabing ganon. But, yeah, I am not fan of a guys with a big muscles and abs. Okay na sa akin kahit kaunti, hindi kailangan ng palakihan ng muscles.
"Oo na. Sige na magbihis ka na at pupunta na tayo." sang-ayon ko nalang, tumango naman ito bago ako patakan ng halik sa labi.
Umakbay siyabsa akin saka kami naglakad palabas ng bathroom papunta sa bedroom. Sa kabilang kuwarto nagbihis si Adrian, dahil nandoon ang kuwarto niya.
Nang magsimula soyang magbihis ay nagbihis na rin ako. I was wearing a robe earlier when I gave them a towels.
"Mom and Dad, let's go." pumasok si Adrian sa aming bedroom na nakabihis na.
Nagpapatuyo nalang ako ng buhok, habang si Axi ay kung may anu-anong ginagawa. Nang matapos na kami sa ginagawa namin ay lumabas na kami ng palasyo at nagpunta sa mall.
Nag-aya kasi si Adrian. Hindi sana ako papayag dahil lagi nalang kaming nagpupunta roon. Ngunit ang magaling niyang ama ay pinagbigyan na naman siya. Nang makarating kami sa mall ay nagmamadaling lumabas na si Adrian.
"Wait for us, Adrian." saway ko sa kanya, ngunit ang magaling kong asawa ay ako naman ang sinaway.
"Just let him, wife." umakbay ito sa akin at sinundan nalang namin si Adrian kung saan man siya mag-punta.
Binabati rin kami ng mga nakakasalubong namin sa mall. Pumasok si Adrian sa isang restaurant kaya naman sinundan namin siya, at ang batang ito ay gusto pang siya ang umorder ng kakainin niya. Um-order na rin kami ng saamin at nag-antay. Magkatabi kami ni Axi at si Adrian ay nasa tapat naman namin.
"About nga pala sa Walker University." paninimula ko habang kumakain kami. Bahagya naman sumulyap saakin si Axi at nagtaas ng kilay.
"Why?"
"Saka nalang natin pag-aaralin doon si Adrian kapag eighteen years old na siya." sagot ko.
"Do you mean, dito muna siya mag-aaral hanggang sa mag-eighteen siya? Third year college?" tanong niya saka kumain ulit.
BINABASA MO ANG
Vampire University
Vampire[COMPLETED] "WELCOME TO VAMPIRE UNIVERSITY" Gwyneth Lee studied on Vampire University because that's what her parents want, and she has nothing to do with that. They didn't waste a time and day and she immediately moved to Vampire City where the Vam...