Chapter 43

6.2K 247 4
                                        

Invisibility Potion

-

Gwyneth's POV

Days past at hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang kahihiyan nung araw na iyon. Naiilang din ako kay Axi, kung pwede lang magpalamon sa lupa tuwing kasama ko siya ay ginawa ko na.

'Paano ba kasing 'wag mailang?'

"Naiilang ka sa akin?" nagsalita si Axi na nakasunod sa likod ko, papunta kami ngayon sa canteen.

"H-huh? H-hindi ah." tanggi ko.

"I can read your mind. Naiilang ka nga." natatawa pang sabi niya saka ko naramdamang umakbay siya sa akin.

"Sabing h-hindi eh—."

"Huwag kang mailang sa akin. Gwen, it's normal. Pasalamt ka nalang at hindi natuloy." binuntutan nito ng mahinang pagtawa.

"Wag mo na ngang isipin yun." sabi ko. Maski ako ay ayoko ng alalahanin, sadyng makulit lang ang utak ko. Pero imbes na papunta kami ng canteen ay hinila niya ako papunta ng parking lot "Hoy saan mo'ko dadalhin?"

"We need to go home." sabi niya saka sapilitan akong isinakay sa kotse niya.

"Axi, may klase tayo. Tsaka nagugutom ako! Magre-recess ako, ano ba?!" inis na reklamo ko nang paandarin na niya ang kotse niya.

"You can eat at my house, okay? May pupuntahan lang tayo." sabi niya habang tutok na tutok sa daan.

"Kaya mo naman pumunta mag-isa eh."

"Ganyan mo ba itrato ang boyfriend mo?" bakas ang inis sa boses nito, lumingon ako sa kanya at pinakatitigan siya.

"Axi. Umiiwas lang ako sa maaring mangyari, lalo ngayon na official na tayo." sagot ko. Well, kung tutuusin mas maganda iyon ng may label kaysa wala, ngunit habang tumatagal kasi parang mas lumalakas ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

"What's wrong with that? Besides, we're couple, it's normal, 'yong iba nga diyan ay ginagawa kahit hindi magkasintahan. You seem so afraid, why, don't you like to do it with me, huh?" confirmed, naiinis na nga ito, sa klase palang ng pananalita niya ay alam na. "I'll take responsibility of it, Gwen. You don't have to worry, 'cause I love you so d'mn much, but of course, I won't force you to the things you don't like, ang sinasabi ko lang ay 'wag kang mailang sa akin. Paano pag muntik na namang nangyare iyon ng paulit ulit, ganyan nalang palagi ang trato mo sa akin? Lalo pa kaya kapag nagawa na natin, baka hindi mo na ako pansinin." dagdag niya. Ni hindi man lang niya ako hinayaang magsalita.

Normal lang naman na mahiya ako, lalo't may nakakita sa amin, 'yon lang naman ang gusto kong i-point doon. Naiintindihan ko naman kung ano ang ipinapaliwanag niya.

"Alam ko naman 'yon. I'm sorry, okay?"

Wala ng nagsalita pa sa aming dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay niya. Wala kaming sinayang na oras at nagpunta kami sa kuwarto kung nasaan sila Jordan.

"Oh, nandito na pala sila King." napatingin sila saamin nan magsalita si Kent.

"Hi, Gwyneth." bati ni Jordan. Nginitian ko lang siya at baka magalit na naman ang boyfriend ko.

"Don't make it too long, spill it out." parang naiinip na sabi ni Axi. For all I know, iniiwas niya ako kay Jordan, ayaw niyang magtagal kami rito.

Kahit hindi niya aminin napapansin ko iyon, napaka-seloso niya, siya naman ang boyfriend ko at wala akong ginagawa ngunit ang gxgo napakaseloso parin.

"King, yung message pala noon, hindi mo nabasa." sabi ni Jane saka niya pinabasa kay Axi yung message, dumungaw ako palapit upang mabasa ang message na sinasabi nila.

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon