Chapter 25

7.7K 268 1
                                        

Grandmother

-

Gwyneth's POV

"Let's rewrite our stars..."

Paulit ulit na pumapasok sa isipan ko ang sinabi ni Axi nang gabing iyon. Ang ibig niyang sabihin ay subukan namin? Pipilitin namin? Kung oo, how can we rewrite it then?

Saka lang naman ata bumabait iyon kapag nahahalikan niya ako o hinahalikan niya ako, saka lamang siya nagsasabi ng mga sweet.

Kinaumagahan ng gabing iyon ay hindi na kami nagkita ni Axi, saka ko lamang siya ulit nakita nang umattend kami nang hapon para manood sa game nila, and congrats to the players of V University kasi nanalo sila.

"Class, go back to your proper sit." it was our instructor. "Listen." agaw ng instructor sa atensyon namin. "About the report that you passed--- Who's the owner of that cellphone?"

Nahihiyang inilabas ko ang cellphone ko sa bag ko nang marinig kong akin ang tumunog.

"Excuse me, Ma'am. I need to take this call. May I go out po?" I said, she just nodded and motioned me to go, kaya naman naglakad na ako palabas ng room at sinagot ang tawag ni Mama.

"Hello, Ma?" bungad ko. May narinig akong footstep pero hindi ko pinansin iyon, dahil on call ako.

["Anak. I miss you. May sasabihin sana ako eh."]

"I miss you too, Ma. Ano 'yon? Pakibilisan lang kasi may klase ako, baka kasi pagalitan ako eh."

["Dumating kasi ang Lola mo galing London, at gusto ka niyang makita."]

"Si Lola nandyan? Sige po, total sabado naman po bukas ay pupunta ako."

["Sige anak. Matutuwa ang Lola mo rito. Sige bye na."]

"Bye." pinatay ko ang tawag at nang nag-angat ako ng tingin ay nakita kong nakasandal si Axi sa pader. Yung kaliwang braso niya ang nakasandal sa pader habang nasa akin ang tingin niya.

Natataka ko siyang tinignan, akmang aalis na sana ako nang magsalita siya.

"Can I come with you?" he probably heard my conversations with my Mother. He's unbelievable!

"Nope, I can go with my self." sagot ko, tumalikod ako sa kanya, napa-igtad ako sa gulat nang pagtalikod ko ay biglang nasa harapan ko na naman siya. Seriously? Papatayin ako ng lalakeng ito sa gulat.

"Your parents knows about us, I'm sure they were expecting me to go with you so that you can inteoduce me to your grandma." nakangising sabi nito, ang kapal naman ng muka niya at naisip niya ine-expect siya ng parents ko, ni hindi nga siya nabanggit ni Mama na isama ko kanina eh. "Besides, pag hindi kita sinamahan, they will think that I'm irresponsible boyfriend for letting you to go home alone." he added.

"Edi sabihin kong nag-break na tayo." sagot ko, ngunit mabilis akong sinamaan ng tingin. "Fine." naiinis na pag payag ko. Ano bang iniisip ng lalakeng iyon? Bakit kung maka sama ng tingin sa akin akala mo kung sino, eh wala namang kami, bakit siya magagalit kapag sinabi kong break na kami?

Napabuntong hininga ako saka naglakad papasok sa room, nakasunod lang din si Axi sa likuran ko, at ayan na naman ang mga tingin nila na parang sinasabing 'Siya siguro yung tumawag.' Okay, think what you wanted to think, I don't care anymore.

"Why were you looking at us?" matigas na tanong sa kanila ni Axi, kaya agad naman silang napabalik ng tingin sa blackboard dahil sa takot.

Bumalik nalang din ako sa upuan ko at nakinig.

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon