Found
-
Gwyneth's POV
Nagising ako nang may pumitik sa noo ko. Iminulat ko ang aking mata at nakita si Axi na malaki ang ngiti nito sa akin.
Kung ganito ba naman ang sasalubong na muka sa akin kada umaga ay tiyak na palaging maganda ang simula ng umaga ko.
"Good morning beautiful..." bati nito sa akin, nahiya naman ang hininga ko sa bango ng hininga niya.
Bumangon ako at umupo sa kama, sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri.
"Ang aga mo naman yata." nang maayos ko ang aking sarili ay tumayo ako mula sa kama, nakahiga lamang siya at nakatingin sa akin.
"Y-you're not wearing a b-bra." naiilang na sambit nito nang bumaba ang tingin niya sa dibdib ko.
Mabilis pa sa alas cuatro na tumalikod ako sa kanya, ramdam na ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko.
Bakit ba nakalimutan kong hindi pala ako nakasuot ng bra, my nipples were visible with this clothes. Kaya na lamang ganon ang reaction ni Axi nang makita niya.
"Pervert." I muttered.
"I'm not, kasalanan ko bang wala kang suot na—."
"Stop." pigil ko sa kanya, tinawanan lang naman niya ako.
Ngayon ko lang naalala na inalis ko iyon kagabi dahil sobrang sikip non at para akong nasasakal. Antok na antok na ako nun kagabi kaya hindi ko na nawagawang palitan pa.
"Anong plano mo ngayon at napaka-aga mo naman yata?" kumuha ako ng bra at nagtungo sa bathroom. Aalisin ko na sana ang damit ko, nang makita kong nakasunod siya. "What the fxck are you doing here? Magbibihis ako." 
"You don't need to curse." inirapan ako nito saka naglakad siya palabas ng bathroom.
Nang matapos kong magbihis ay lumabas na ako at naabutan ko siyang naka-upo sa kama kaya tumabi ako ng upo sa kanya.
"Ano? May sasabihin ka ba?" tanong ko.
Medyo naka distansya ako sa kanya dahil hindi pa ako nakahilamos at mumog, nakakahiya.
"We already found Kyle." mahinang sabi nito.
"Talaga? I want to see him."
"But he doesn't want to see you anymore." Axi.
"Bakit? Pinagbantaan mo siguro siya 'no?" mabili naman ang naging iling n pagsagot niya.
"I don't like him close to you, pero hindi ako ganoon kasama."
"Fine, dalhin mo ako sa kanya, gusto ko siyang makita." sabi ko. "Please, Axi. Kahit sandali lang naman." pilit ko nang hindi siya nagsalita. Alam kong ayaw niya, hindi ko alam kung anong dahilan niya ngunit mahahalatang hindi siya sang-ayon sa gusto kong mangyare.
"It's not a good idea but, yeah, I'm not that selfish. If that's what you want, then let's go." bahagya akong natawa sa sinabi niya.
"Nagseselos ka kay Kyle, eh alam mo naman na ikaw ang mahal ko." tumango tango at ngumiti lang siya saka binigyan ako ng mabilis na halik sa labi, nahihiya pa ako dahil hindi pa ako nagmumog ngunit hindi ko nalang pinansin iyon.
Inutusan niya akong magbihis na ng panibagong damit, inantay lang niya ako at nang matapos ako ay wala na kaming sinayang na oras at nagtungo na kami kay Kyle.
                                      
                                   
                                              BINABASA MO ANG
Vampire University
Vampire[COMPLETED] "WELCOME TO VAMPIRE UNIVERSITY" Gwyneth Lee studied on Vampire University because that's what her parents want, and she has nothing to do with that. They didn't waste a time and day and she immediately moved to Vampire City where the Vam...
 
                                               
                                                  