Punishment
-
Gwyneth's POV
Hirap na hirap kong tinatanggal ang mga pintura sa buhok ko. Mabuti nalang at hindi pa tuyo yung pintura, dahil kung hindi ay baka mas mahirapan ako.
Matapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako sa comfort room. Ngunit nagulat ako nang maabutan ko si Axi sa labas na nag-aantay.
Nakatalikod siya sa gawi ko kaya naman hindi niya ako nakita. Babalik na sana ako sa loob ng comfort room nang magsalita siya.
Akala ko pa naman hindi niya ako napansin. Ano pa nga bang aasahan ko sa vampire na 'to?
"Is it Jess whom did that to you?" tanong nito kahit hindi ako nililingon.
I shrugged my shoulders because I didn't know if Jess really planned this. I have no evidence to accuse her. Malay mo may ibang nagplano pero siya lang talaga ang nagpabukas saakin ng pintuan.
"Jess asked you to open the door, so it means that she's the one who did that to you." mukang may mas alam pa pala siya sa akin, bakit pa siya nagtatanong?
"Eh hindi ko naman talaga alam na--." naputol ang sasabihin ko nang sumabat siya.
"Pinagtatakpan mo ba siya, Gwen?" naiinis na tanong nito sa akin.
"No, why would I? Sadyang hindi ko lang talaga sigurado." I replied.
"She was the one who did it, alam kong alam mo 'yon."
'Alam mo naman pala, bakit tinanong mo pa ako?!'
"I can read your mind, woman. I'm just asking to make it sure, pero mukang nag-bubulag bulagan ka yata." naiinis na sabi nito, hindi nalang ako sumagot sa kanya. "How many times has she bullied you?" tanong niya saka lumapit sa akin kaunti.
"N-ngayon lang." sagot ko. "U-uh, pangalawa pala. Yung una noong pinagtanggol mo siya." dagdag ko. That day was the day he told me that he doesn't want to see me.
"Hindi ko siya pinagtanggol."
"You did." pilit ko.
"Bakit ba mas marunong ka sa akin?" he glared at me. "Would you want to punish her?" umiling iling ako bilang sagot. "That's exactly the opposite of what I wanted to do." huling sabi niya bago siya naglakad palayo.
"H-hoy sa'n ka pupunta?" tanong ko, hinabol ko siya, halos takbo na ang ginawa ko dahil ang lalaki ng hakbang niya.
Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa room. Nang makarating kami sa room ay nakita kong nililinisan na nila yung kumalat na pintura.
"Follow me." utos ni Axi kay Jess at sa mga kasama nito. He walked and went to the gym with girls following behind him.
"Let's go, I want to witness their punishments." aya sa akin ni Joy, alanganin pa akong sumama sa kanila ni Amira.
-
"Why did you do that to her?" tanong ni Axi kila Jess at ang mga kasama niyang gumawa nang trap na iyon sa pintuan, na nakaluhod sa harap namin, medyo malayo sila sa amin dahil nasa gitna sila ng maluwang na covered court.
Marami ring nakikichismis mula sa ibang section at course. May ibang instructor din na nakikisilip sa nangyayare.
"E-eh kasi malandi kasi sya..." sagot nito. 'What? Anong klaseng rason 'yan?'
BINABASA MO ANG
Vampire University
Vampire[COMPLETED] "WELCOME TO VAMPIRE UNIVERSITY" Gwyneth Lee studied on Vampire University because that's what her parents want, and she has nothing to do with that. They didn't waste a time and day and she immediately moved to Vampire City where the Vam...