Chapter 16

8.6K 292 12
                                    

Feelings

Gwyneth's POV

Napadako ang aking tingin sa gawi nila Axi. Nakatingin lang din siya saakin. Hindi ko alam kung binabasa na naman ba niya ang isip ko o ano kasi hindi niya maalis ang tingin sa akin. Every time I look at him I see him just looking at me.

Ilang araw na rin simula nang nanggaling ako sa bahay nila. Simula rin ng araw na yun ay hindi ko na siya kinausap, at hindi na rin niya ako sinubukang kausapin. Well, ginusto ko naman ito.

Masyado na ba akong mababaw nun? Dahil sa kunting bagay ay nagkakaganito na ako?

Simula rin ng araw na hindi ko na siya kinakausap at linalayuan ko siya ay wala rin namang nang-gugulo saakin na kahit ano. Mas lalo na yung mga bulong bulungan ng mga chismosang estudyante ng Vampire University.

Nagpapasalamat sila kasi tinigil ko na 'raw' ang kalandian ko. Si Jess din na matatalim ang titig saakin noon, ngayon ay ni hindi na ako matapunan ng tingin. Marami nang nagbago sa loob ng ilang araw na 'yon, pero ang isip ko ay araw araw na siya ang laman.

Kung kailan naman nilalayuan ko na siya saka naman mas lalo ko siyang naiisip.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tinuon ko nalang sa pagkain ang atensyon ko.

"Okay ka lang, Gwen?" tanong ni Amira. Nakangiti naman akong tumango tango sa kanya.

"Ilang araw ka nang tahimik. Tapos napapansin namin ilang araw na rin kayong hindi nagkakausap at nagkakasama ni King." napatingin ako kay Joy dahil sa sinabi niya.

I shook my head as answer as if saying 'wala lang.' Magkasunod na napabuntong hininga si Joy at Amira dahil sa inaakto ko.

Napalingon kaming lahat sa table nila Axi nang may maingay doon na pinagbubulungan ng mga estudyante dito sa canteen.

"Ay, dati si Gwen, tapos ngayon si Jess?"

"Ako susunod."

"Nakakainis, mas lalo na yatang lumala ngayon."

"Sa true lang, mas bet ko si Gwen."

"Ah ako si Jess."

Ilan ilan lang 'yan sa mga usap usapan nang makita namin si Jess na umupo sa tabi ni Axi. Ni wala man lang ginawang reaksyon na kahit ano si Axi, pinabayaan lamang niyang umupo sa tabi niya si Jess. Sabagay, bakit nga naman niya pipigilan si Jess, diba?

Ngunit bakit parang may mali sa nararamdaman ko? Parang gusto kong maiyak na ewan sa hindi malamang dahilan. It's like the air in this canteen is suffocating me. I can't breath properly.

Hindi ko namalayang may lumandas na palang luha sa pisngi ko, napansin ko lamang iyon nang tawagin ni Joy ang pangalan ko. 'Why am I crying? Where are this tears coming from? Why are they falling?'

"Gwen." nag aalalang tawag nito sa pangalan ko. Hindi na ako nagsalita at mabilis na kinuha ko ang bag ko saka ako tumakbo palabas ng canteen.

Dinala ako ng mga paa ko sa mini forest ng school. The wind was blowing my hair, the air was fresh to smell and the wind was making me cold.

Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak. Tumingala ako upang hindi na maglalagan pa ang mga luhang nagbabadya na rin sa mata ko.

Ngunit kahit anong gawin ko ay tumulo parin ang mga luha ko.

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon