Chapter 44

6.6K 237 1
                                    

Propose

-

Gwyneth's POV

Naalimpungutan ako nang marinig ko ang cellphone kong hindi matigil sa pag ring sa ibabaw ng bed side table ko.

Magrereklamo na sana ako nang makita ko ang pangalan ni Mama. Oh, I miss my mother so much.

"Hello, Ma."

["Hello, anak? Kumusta ka na? Namimiss na kita nang sobra. Next week na ang pag moving up mo anak. Pupunta kami diyan."] halata sa boses ni Mama ang pangungulila sa akin.

"Miss na miss ko na rin kayo, Ma. Okay lang po ako rito, at aasahan ko po ang pagpunta niyo, Ma."

["Syempre naman anak. Pupunta kami riyan sa sabado. Linggo ay magbo-bonding tayo. Tapos lunes naman ang graduation niyo diba?"]

"Sige, Ma. Aasahan ko po 'yan. Mahal na mahal ko kayo ni Papa."

["Mahal na mahal ka rin namin, anak. Sige bye na."]

Nang ibaba ni Mama ang tawag ay bumangon na ako at ginawa ang morning routines ko. Tumungo rin ako sa kusina para magluto ng breakfast ko.

Sa ilang buwan at araw na dumaan ay nasanay na ako sa ganitong routine ko. Nagluto ako ng itlog na may patatas, nagtimpla rin ako ng kape ko at iyon ang aking kinaing almusal.

"Masarap?"

"Oo naman." sagot ko nang hindi siya nililingon. I am too busy eating, at wala na akong panahon na lingunin pa siya.

"Sino nagluto?"

"Ako. Malamang!"

"Can I taste it?"

"Syempre naman. Eto oh, marami pa yan." sabay abot ko. Pero agad akong napatayo nang makita si Axi. "Hoy, anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong. Mabuti at hindi ako nabulunan sa sobrang gulat.

"What the hell?" tinawanan niy ako sa naging reaction ko. "Bakit ka pa nagulat? Kinausap mo na ako, hindi ka pa aware na nandito ako?" tumayo siya at naglakad palapit saakin.

"Ikaw talaga." naiiling akong bumalik sa pagkaka-upo at tumabi naman siya sa akin.

"Subuan mo naman ako." parang batang ngumanga ito sa harap ko kaya wala na akong nagawa kundi subuan siya.

Natutuwa naman ako sa ganito, I just can't restrained my heart from pounding so fast whenever he's close at me like this. Habang tumatagal mas lumalala ang nararamdaman ko sa kanya, mas minamahal ko siya.

"Pupunta nga pala sila Mama rito sa susunod na araw. Sa sabado, kasi sa lunes na ang pag moving up natin." tumango naman siya at nginuya ang nasa bunganga niya kaya ako naman ang sumubo. Indirect kiss ang ginagawa namin, pero hindi ko na iyon pinansin, total nag-kiss naman na kami, direct kiss, at ilang beses na 'yon kumpara sa indirect kiss na ito.

"Sige. I will be here on Saturday." sagot niya, tumango tango nalang din ako.

"A-about nga pala roon sa invisible men? Anong balita? Nahuli na ba?" tanong ko at kumain din. Ilang buwan na ng nakalipas ngunit suliranin parin ang mga invisible na iyon kaya naman ay tuloy parin ang pag-iingat namin.

"Actually, not yet. Simula nang malagyan ang barrier ang buong University ay hindi na sila nagparamdam o pumasok doon."

"That's good then. But, how about outside the University nanggugulo ba sila?" nagtatakang tanong ko saka ko ulit siya sinubuan na mabilis rin naman niyang nginuya bago sumagot. It's seems I am feeding a child. Ngunit ang gxgo, sa bawat pag nguya niya ay sa akin lamang siya nakatitig na parang inoobserbahan ako.

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon