Chapter 23

8.3K 302 5
                                    

Ball night


Gwyneth's POV

Nandito kami ngayon sa Mall, I am with Amira and Joy. Nagsho-shopping kami ng isusuot namin para sa ball mamayang gabi. I don't have plan to attend the ball, pero pinilit ako ni Axi kaya wala na akong nagawa.

"Hoy, ako nauna diyan." napabaling ang tingin ko sa dalawa na nag-aagawan ng gown.

Well walang pasok ngayon dahil nga sa gaganapin mamayang gabi. Nag-aayos sila roon sa school gym kung saan gaganapin ang event. Mabilis lang yun dahil mga bampira naman sila, mabibilis silang kumilos.

"Anong sayo, akin ito dahil ako ang nauna." protesta naman ni Joy habang inaagaw yung red na gown kay Amira.

"Saakin dapat, ako nauna hindi ikaw." hindi nagpapatalong sagot ni Amira.

"Hoy para sabihin ko sayo, ako ang nauna." laban din naman ni Joy.

Some customers inside the shop were looking at them, kaya nilapitan ko sila para patigilin.

"Kayong dalawa, hindi tayo matatapos sa pag-shoshopping kung nag-aaway kayo." sita ko sa kanila.

"Eh kasi naman si Amira eh, ayaw pa ibigay saakin kahit ako naman ang nauna." maktol ni Joy.

"Ako kaya ang nauna." protesta naman ni Amira.

"Ako kaya." si Joy.

"Ako kaya." si Amira.

Sumasakit na ang ulo ko sa kanilang dalawa. Hindi sila magkasundo kung sino ang nauna at nahuli.

"Hoy ako nga!" si Joy ulit.

"Anong ikaw, ako kaya---."

"Sandali nga, sandali!" itinapat ko sa muka nila ang palad ko para patigilin sila.

"Ano?" sabay nilang tanong habang naka-simangot.

"Eh kung magtanong nalang kaya kayo sa saleslady kung may kaparehas yang gown na 'yan nang hindi kayo nag-aagawan." suhestensyon ko, agad namang nagliwanag ang muka nila na para bang narealize nila.

"Ay, mabuti pa si Gwen may utak." si Joy.

"Eh kayo saan niyo nilagay? Sa paa ba?" sarkastiko kong tanong saka inirapan sila bago bumalik sa gown na natipuhan ko kanina.

It is a long black gown, this surely will reach my feet. It's a heart shape tube on top, it is backless top, ngunit may strings siyang pa-ekis. It will fit my body, but sa dulo nito sa baba ay medyo wavy siya.

Nang matapos kaming makapili ng mga gown namin ay nagbayad na kami. Yung dalawa nagkasundo na rin, yun nga lang parehas sila ng gown na kulay pula, perehas pa ng design dahil nga parehas nilang natipuhan iyon.

Nagpunta naman kami sa mga high heels, hindi naman ako sanay sa mga heels pero marunong naman ako. I need to buy, hindi ko dinala ang mga sandals ko sa bahay.

Kulay silver ang napili kong kulay ng sandals at yung dalawa naman ay pula rin para daw terno sa gown nila.

Matapos naming bilihin ay nagbayad na rin kami bago nagpunta sa isang restaurant dahil nagutom na kami sa sobrang tagal naming nagikot ikot at naghanap ng kung anu-ano. Nakabili na rin kami ng mga accessories na isusuot namin mamaya.

"I am really starving." daing ni Joy.

"Sino bang hindi?" si Amira.

"Gutom na pala kayo, bakit hindi nalang kayo kumain." sabi ko sa kanila, karatating lang ng order namin.

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon