Hideout
-
Gwyneth's POV
Dahil sa nangyaring pag-poison sakin, kumalat na naman iyon sa school, and as usual ito na naman ang topic maghapon. Pero hindi naman panlalait or kahit anong masasama ang binubulong nila---na naririnig naman.
They said they felt sorry for me and were annoyed with Jess because of what she did. Ganyan-ganyan, ganito-ganito!
Nang nakarating ako sa room ay may nagkukumpulan doon. Naglakad ako papasok doon para malaman kung anong meron. Nakisiksik ako papunta sa upuan ko nang biglang may yumakap sa akin.
"Ate Gwen? I miss you." nang humiwalay ito sa akin ay nagulat ako sa aking nakita.
"A-amierey?" gulat na sambit ko. "What are you doing here?" what a stupid question! They own this school! But what I mean is kung bakit siya nandito, iyon 'yun.
"I have something to tell to my Kuya, but he's not here yet, kaya mamaya nalang kapag dumating na." sabi niya saka mabilis niya akong hinalikan sa pisngi. Honestly nagulat ako roon pero natuwa ako.
Axi is not with me anyway, hinatid lang niya ako hanggang sa gate at umalis na siya, baka nay kailangan siyang gawin.
"A-ah, gano'n ba? He just took me here and already left." I stated.
"Aw, sige pupuntahan ko nalang siya mamaya." she smiled, she's pretty. "Anyway, how are you my sister in law?" nanlaki ang mata ko dahil sa pagtawag niya sa akin. I am sure narinig iyon ng mga kaklase ko at nakakahiya.
Hinila niya ako palabas nang mapansin niyang maraming nakikinig sa usapan namin, umupo kami sa isang bench sa tapat ng room.
"I'm f-fine, how about you?" nakangiti ko pang sagot at tanong. Medyo naiilang ako, the last time I saw her napagkamalan kong girlfriend siya ni Axi.
"I'm fine. You know what?"
"I know what?" nagtataka kong tanong.
"I don't like Jess, since then, since bata pa kami, lagi siyang dikit nang dikit sa Kuya ko, and I don't want that, she's flirt. Hindi ko nga alam kung bakit kinaibigan 'yan ni Kuya noon." mataray pa niyang sabi na para bang inis na inis kay Jess. "You're a mortal, nag-iingat ka ba rito? Baka mamaya malaman nila at kung ano ang gawin nila sayo." gulat akong napatingin kay Amierey dahil sa sinabi niya. Alam ba niya? "Yes, I know. Kuya, told me." 
"Nababasa mo ang isip ko?" nagtataka kong tanong.
"No, you and your facial expression were easy to read your. You know, like a transparent." she tailed it with chuckle.
"Ano nga pala yung sasabihin mo sa Kuya mo- if gusto mo lang naman i-share, hindi naman kita pinipilit at mas lalong ayokong isipin mo na chismosa ako." pag-iiba ko ng topic. Kahit kailan talaga hindi ko mapigilan ang bunganga ko sa pagtatanong.
"I'll tell you later, kapag kasama na natin si Kuya." nakangiting sabi niya kaya tumango nalang ako. "Okay, I need to go, babalik nalang ako mamaya." sambit niya saka hinalikan ako sa pisngi bago siya umalis.
Nang maka alis siya ay naglakad na ako pabalik sa room, nang makapasok ako at maka-upo ay agad akong nilapitan ni Joy at Amira.
"What?" taas kilay kong tanong.
"Close na rin kayo?" tanong ni Joy. 
"Siguro?" patanong kong sagot, hindi ko alam kung close kami, dalawang beses ko pa lamang siya nakita kaya hindi ko sigurado.
                                      
                                   
                                              BINABASA MO ANG
Vampire University
Vampire[COMPLETED] "WELCOME TO VAMPIRE UNIVERSITY" Gwyneth Lee studied on Vampire University because that's what her parents want, and she has nothing to do with that. They didn't waste a time and day and she immediately moved to Vampire City where the Vam...
 
                                               
                                                  