Chapter 47

8.2K 228 3
                                        

Pregnant

-

Gwyneth's POV

Two months later simula nang ikasal kami ni Axi. At ang magandang biyaya na natanggap namin ay magkaka-anak na kami.

I am one month and a week pregnant, at nagsisimula na rin akong mag-crave sa kung anu-anong mga pagkain.

Si Axi naman, todo alaga saakin. Kesyo madulas daw ako, keyso matapilok daw ako or kung ano pa. Kulang na ngalang ay buhatin na niya ako kung saan pa ako pupunta para lang maalagaan.

Halos ikulong na niya ako rito sa kuwarto namin. Saka lang ako nakakalabas ng palasyo kapag kasama ko siya. Hindi na rin niya ako pinapapasok sa opisina. Siya nalang daw muna para hindi ako mapagod. Minsan nga iniisip ko na ang OA niya.

Pero nagpapasalamat ako kasi kahit ni minsan hindi siya nagsawang ingatan ako, inaalagaan kahit na galing siyang trabaho, kahit na pagod na pagod siya at ibinibigay niya lahat ng gusto ko. Maswerte ako at nakapangasawa ako ng kagaya niya.

"Wife? Why aren't you sleeping? It's already eleven pm. Bawal sayong magpuyat." napatigil ako sa pag-iisip at umangat ang tingin ko kay Axi nang magsalita siya.

Lumapit ako sa kanya saka ko siya niyakap nang sobrang higpit sa bewang niya. Niyakap din naman niya ako pabalik.

"Hindi pa ako inaantok."

"Are you thinking something or nage-emote?" binuntutan niya ito ng mahinang tawa.

"Ano naman ii-emote ko?" sagot ko "Ikaw, matulog o magpahinga ka na at may pasok ka sa opisina bukas." sabi ko at mas hinigpitan ang yakap. Alam kong pagod din siya sa pagdating dito, imbes na ang pag-uwi niya ang kanyang pahinga ay iginugugol pa nito sa pag-aalaga sa akin.

"Yes, wife. Matulog ka na rin, please..." pinatakan ako nito ng halik sa labi. Pinilit ko nalang ang sarili ko na matulog habang yakap-yakap siya.

"Wife?" tawag ni Axi sa akin nang imulat ko ang aking mga mata.

"What?" tanong ko saka nagkamot ng ulo.

"Good morning beautiful. I love you." lumapit ito sa akin at yumuko upang halikan ako sa labi bago sa noo.

"I love you more, Axi."

"Fix your self. Pupunta tayo sa mansyon na pinatayo ko sa mundo niyo." pansin ko rin na nakabihis na rin siya.

"Pero may pasok ka sa opisina." sabi ko.

"Don't worry about it, come on." sabi niya kaya tumango nalang ako bago bumangon.

Naligo, nagbihis na ako at kung anu-ano pa. Dinala ko rin ang mga maaaring kailanganganin kong bagay. Matapos kong maayos ang lahat ay nagpunta na kami sa kotse niya. Syempre ang magaling kong asawa ay inalalayan ako.

May sasama saaming dalawang maid at ilang bodyguard. Sa kabilang kotse sila. Sa likod namin nakasunod sila.

"Magpahinga ka muna. I will wake you up once we arrive the mansion." sabi ni Axi saka sandali akong sinulyapan bago ulit tumingin sa daan.

"No. I'm not sleepy." sabi ko. Tinanguhan lang niya iyon at wala ng nagawa hanggang sa makarating kami sa isang mansion.

"Bahay ba natin 'to?" namamanghang sabi ko pa nang makababa na kami ng kotse. This is my first time seeing this fully build.

"Yes, wife. Did you like it?" nakangiting tugon naman niya saka siya umakbay saakin at hinalikan ako sa ulo.

"No. I love it!"

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon