Chapter 48

7.2K 234 0
                                        

Walker University

-

Axierey's POV

Ten pm na nang makarating ako sa Mansyon. I lied when I said that I have a client.

Nagpunta ako ng palasyo, kila Jordan. Bigla bigla nalang daw kasing nagparamdam ang mga invisible men at tinangkang kunin ang gems. Marami rin silang nakuha sa mga tauhan ko.

I don't want to tell this to Gwen. Ayokong matakot siya at mag-alala. Hindi ko lang maiwasang magalit sa kanya. Ayoko man siyang ikulong sa bahay. Kaso nag-aalala ako sa kanya na baka kunin siya ng mga Invisible Man.

I was worried about her. Ayoko man na mag-away kami. Kaso hindi ko rin mapigilan dahil sa katigasan ng ulo niya. But believe it or not, nagsisisi ako sa mga nasabi ko kanina sa kanya, nadala ako ng emosyon ko, and worst I made her cry. I promised my self that I won't make her cry but I failed. I wanted to hit my self for being a jerk to my wife.

Ang gusto ko lang ay maging ligtas siya dahil mas hindi ko kakayanin kapag pati siya ay mawala sa akin. Lalo pa ngayon at dinadala niya ang anak ko.

"Tulog na ba si Gwen?" I asked the maid.

"K-king, hindi pa siya lumalabas ng kwarto niyo simula kanina pa. Hindi na rin po siya nakapag-lunch at hapunan." yumuko pa siya bilang pag-galang.

"Magdala ka ng pagkain sa kwarto." agad siyang tumango kaya tumungo na ako sa kwarto. Bawal sa kanya ang magpalipas ng gutom.

When I opened the door I heard her sobs. Nakatalikod ito sa gawi ko.

"Gwen?" hindi siya sumagot at parang pinipigilan ang pag-hikbi niya nang marinig niya ako. "Wife." muling tawag ko sa kanya ngunit hindi parin niya ako sinasagot. "I know you're awake." kinuha niya ang isang unan at niyakap iyon.Tinago niya ang muka niya sa unan. "Let's eat." lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya pero marahas niyang tinabig 'yon. "I'm sorry. Kumain ka na. Bawal sayo ang malipasan ng gutom."

"Ayoko." sagot niya. "Huwag kang tatabi saakin." patuloy parin siya sa paghikbi.

'Jeez, what am I gonna do with this woman?'

"Eat for the baby at least. I'm sorry, okay? Ayoko lang na mapahamak ka, ayokong mawala ka saakin. Nag-aalala lang ako. Come on, let's eat. Please." I almost begged, she slowly turned to me.

Halos gusto ko ng sapukin ang sarili ko nang makita kong namamaga ang mga mata nito at namumula ang ilong niya sa kaka-iyak. Mukang kanina pa siya umiiyak, kung hindi ako nagkakamali ay simula kaninang umalis pa ako. Naaawa ako sa kanya, I felt guilty for making her cry, I shouldn't shout at her earlier. Napakasama kong asawa! 'What kind of husband you are, Axi, huh?!'

"Ayoko. Galit ka saakin diba?" sinubsob ulit niya ang muka niya sa unan.

"Hindi ako galit. I'm just worrying about you." I laid beside her and hugged her from her behind.

"Sana naman naiintindihan mo'ko. Hindi ko naman kasi maiwasang mag-crave ng ice cream." I heard in her mind.

"Yes, I understand you. I'm sorry okay? Naging OA ako. Ayoko lang na isa ka samakuha ng invisible men. Marami silang kinuhang tauhan ko Gwen at ayokong pati ikaw ay kuhanin nila."

"Why are you always reading my mind?" masungit pang sabi niya. "Diba sabi ko wag kang tatabi saakin." inalis niya ang kamay kong nakayakap sa kanya. Magsasalita pa sana ako nang may kumatok sa pintuan.

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon