Chapter 33

6.9K 215 7
                                    

Plan

Gwyneth's POV

"How do I start it?" tanong ko kay Axi habang nagbabyahe kami papunta ng school.

"I's up to you, how do you want to start it?" nagkibit balikat ako sa sinabi niya. "Kaya nga sabi kong ako na, because I can get closer to her more easily." he answered.

"Sabihin mo nalang kasing gusto mo siyang makasama!" masungit na sabi ko pero tinawanan lang niya ako. "Ano tatawa ka pa riyan? Kung gusto mong ikaw na, edi ikaw na." inis pang dagdag ko.

"Edi dalawa nalang tayo." sabi niya pero hindi ko parin siya pinansin. Tse! "Don't be mad at me, okay? I don't have feelings for her, and I won't, ever. My heart is only for you."

He's so cheesy, but darn, parang napapalis niya ang inis ko. Hindi ko tuloy alam kung maiinis ako o kikiligin.

"Ewan ko sayo."

"You're blushing." natatawa pang sabi niya. Tuwang tuwa talaga siya sa pang-aasar sa akin ha?

Maya maya pa ay nakarating na kami sa school kaya ay wala na kaming inaksaya at nagpunta na agad sa room.

"We will make a plans." he said while we were walking.

Naalala ko na naman yung 'Punishment' na sinabi niya kagabi. Hindi ko alam kung yung 'ano' ang ibig niyang sabihin o iba. Nakaka-green kasi pakinggan. Nakaka-baliw isipin!

"Okay." sagot ko lang hanggang sa makarating na kami sa room.

Nakita ko namang nakatingin saamin si Jess na parang hindi gusto na magkasama na naman kami ni Axi.

'Lagi naman!'

Hindi nalang ako umimik saka ako umupo sa upuan ko. Nadoon sa gilid yung instructor, pero hindi naman nagtuturo dahil hindi pa time, kaya busy siya ngayon sa pagbabasa ng kung ano.

"Gwen, this is Axierey." I heard a voice in my head suddenly. It is Axi. Ano bang kailangan niya, bakit sa isip ko pa siya nagsasalita?

"What?" I answered in my mind, ayaw siguro niyang may makarinig sa usapan namin.

"Go outside the room, I'll follow you after a minutes." he replied.

Nagtataka man ay pumayag na rin ako.

"Excuse me, Ma'am. May I go out?" tanong ko sa instructor namin. Lumingon siya saakin bago tumango at itinuloy ang pagbabasa niya, kaya naman lumabas na ako ng room.

I moved a little away from the room so that if we were to talk, no one else would hear us. Maya maya pa ay sumunod na siya sa akin.

"What?" I asked as he approached me.

"Invite her for recess or lunch, you'll be having a conversation with her, whatever you want to talk about, just distract her so I could find the mark on her wrist." paliwanag niya at agad akong tumango.

"What's next?" tanong ko.

"I'll do the rest, don't worry about it." he replied. Kumunot ang noo ko sa kanya. Bakit hindi nalang niya sabihin. "Don't look at me like that, I won't do anything you don't like." dagdag niya nang makitang sumama na ang tingin ko sa kanya.

"Fine, saan ko siya iimbitahan para kumain?"

"Sa canteen."

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon