Chapter 41

6.3K 221 4
                                    

Kyle Perez

-

Gwyneth's POV

"Ms. Lee, do you know where Mr. Perez is?" umangat ang tingin ko sa instructor namin nang tawagin niya ako at magtanong.

"Ma'am, hindi po." sagot ko. Bakit naman sa akin niya hahanapin si Kyle? Matagal ko na siyang hindi nakakasama at nakikita, ni hindi ko alam kung asam siya at kung bakit hindi na siya pumapasok sa klase. Hindi ko lang pinapansin because it's none of my business.

"Why are you looking for that guy in Gwen? Are they close?" sabat ni Axi, nang lingunin ko siya ay nakataas na ang kilay nito sa instructor namin. Tahimik lamang ang mga kaklase naming pinagmamasdan kami.

"King, si Ms. Lee kasi ang nakita kong huling kasama niya." sagot naman ng instructor namin. Malamig na tumitig lamang si Axi sa instructor, kaya ibinaling nito ang tingin sa mga kaklase ko. "Sa inyo? May nakakakita o nakakaalam ba?" baling ni Ma'am sa mga kaklase ko na kanina ay tahimik lang na ngayon ay nagsipag-ilingan na.

"Ma'am baka nagtransfer na."

"Oo nga Ma'am. Baka natakot dito." binuntutan nito ng mahinang tawa, ngunit siya lang naman ang natawa sa kanyang sinabi. "Kidding."

Pagkatapos niyon ay nagturo na ang instructor at hindi na muling pinag-usapan si Kyle.

-

"Isa! Akin na 'yan sabi eh."

"Ayoko nga!"

"Jeffrey akin na 'yan. Mapapatay talaga kita!"

"Ayoko eh. Bleeeh!"

Nahihilo na ako Joy at Jeffrey sa kaka ikot at takbo nila. Kung anu-ano nalang ang pinag-aawayan nilang dalawa, para silang mga bata.

Nahtatakbuhan silang dalawa sa field. Kami naman ni Axi ay nanadito lang sa ilalim ng puno at naka-upo sa damuhan habang nakahiga ang ulo niya sa hita ko at ako naman ay sinusuklay ang buhok niya gamit ang daliri ko. Nakapikit ang mga mata niya na para bang nae-enjoy ang ginagawa ko.

Sila Amira at Jefferson ay busy sa pag-uusap. Nasa kabilang ilalim din sila ng puno. Humiwalay kasi kami ni Axi sa kanila, dahil minsan ay nagbabanggayan silang dalawa, ngunit sa mga oras na ito ay maayos na silang nag-uusap.

Napadako ang tingin ko kay Axi nang gumikhim siya. I held his cheek and he held my hand that was holding his cheek while we stared at each other.

"Nasaan na kaya si Kyle 'no?" bigla ko nalang naalala, may alam kaya siya tungkol kay Kyle?

"Why are you looking for him?" masungit pang tanong niya sa akin.

"Na-curious lang ako kung bakit hindi ko na siya nakikita." sabi ko saka pinisil ang ilong niya.

"Same."

"Wala no sino man ang nakaka-alam kung nasaan siya at ano na ang nangyare sa kanya."

"He may have stopped studying, or he may have moved to another University." marahan niyang hinaplos ang akin pisngi.

Wala ng nagsalita pa sa amin, itinuon namin ang atensyon namin sa dalawang naghahabulan.

"Ang kukulit nila 'no?" I chuckled. Bumalik sa akin ang tingin niya saka pinisil ang aking pisngi na ikina-ngiwi ko.

"Mas makulit ka pa kesa sa kanila."

"Ang sama talaga ng ugali mo."

"That's one of the reason why I love you."

"Ang corny mo masyado." kunware ay hindi kinikilig na sabi ko, but deep inside of me, I wanted to shout how glad I am. Until now, parang kabayo parin ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito tuwing nababanggit niyang mahal niya ako.

Vampire UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon