Chapter 1

8.8K 68 1
                                    

"BUHAY!"

Napalingon ang lalaki nang marinig ang sigaw ko. I marched my way to him as I smirk in frustration. Kumukulo na talaga ang dugo ko sa kaniya sa inis. Pero kahit na ganoon ay hindi ko pa rin maiwasan na sikretong hangaan ang pagiging magandang lalaki nito sa mga mata ko.

Ano bang klaseng nilalang 'to at ganito biniyayaan ng sobrang kinis at puting mukha? Para bang kahit na anong inis at galit ko dito, bigla na lang maglalaho basta makita ko lang siya. Ang mga nakakainis na ginawa niya sa akin ay misteryoso ko na lang nakalilimutan tuwing makikita kong nakatingin siya sa akin. Nakakadala naman kasi ang maamo nitong mukha kahit na hindi naman talaga maamo ang ugaling mayroon 'to.

Oo tama! Kung anong kinakinis ng kutis at mukha niya, iyon namang kinagaspang ng ugali niya! 'Yon palagi ang kailangan kong tandaan.

Dahil sa paalalang 'yon ay muli ko na namang naalala ang dahilan kung bakit ako napunta rito at kung bakit ko ulit siya tinawag sa pangalang kinasusuklaman niya.

"What?!" He hissed as he irritatingly look at me. Mas lumapad ang ngisi ko dahil doon.

Alam na alam ko talaga ang nakakapagpakulo sa dugo ng gwapo, I mean, ng gagong lalaking 'to.

You can always try to get into my nerves Buhay, but I will always be the one who will break yours.

"Nasaan ang bag ko?" Tanong ko nang mahinahon para hindi na humaba pa ang diskusiyon, dahil alam kong doon patungo iyon kung uunahin ko ang init ng ulo ko. Palagi naman kasing nauuwi sa mahabang asaran ang maliit na diskusyon dahil palagi niya akong pinapatulan!

Tumigil ako sa harap niya at humalukipkip. Ngunit imbes na sagutin ako nang maayos ng baliw na 'to ay ngumisi lamang ito na naging dahilan ng mas lalong pagkunot ng noo ko. See? He always do this. I'm not the who starts it, he does!

"Alam mo Buwan? Kaunti na lang talaga at iisipin ko na may gusto ka sa akin. Sa lahat kasi ng kamalasan mo sa buhay at kaburaraan mo sa gamit mo, lagi mo na lang sa akin sinisisi. Kaya kaunti na lang at iisipin ko na may gusto ka sa akin at nagpapapansin lang para makuha mo-"

Kung mas may ikukunot pa ang noo ko ay paniguradong ganoon na ito ngayon nang marinig ang sinabi niya. Ang kapal naman talaga ng apog nitong isang 'to!

"Anong pinagsasabi mong delusional ka? Ang kapal naman ng mukha mo para isiping may gusto ako sa'yo? Saan mo nakukuha 'yang kakapalan ng mukha mo at ng buong himaymay ng pagkatao mo? You assuming shitty asshole pig!" Namumula ang mukha kong sigaw sa mokong na nakangising nakatingin pa din sa akin. I can hear how defensive I am but of course, I won't admit it!

But yes I can admit how short-tempered I am. Palagi ko na lang pinangungunahan ng init ng ulo ko ang mga bagay-bagay na pinapatulan naman ng mokong na kaharap ko. Kahit kailan kasi ay hindi na siya natuto! Matino ko siyang kakausapin, patanga naman siya kung sumagot.

Ngayon ay nararamdaman ko na ang pag-iinit ng aking mukha, paniguradong namumula na naman ako. Namumula ang mukha ko hindi dahil sa kahihiyan doon sa sinabi niya, namumula ang mukha ko dahil sa sobrang inis sa lalaking ito! Shit talaga!

"Don't deny it Lunar, baka mamaya may plano ka palang paibigin ako nang wala akong kaalam-alam. Come on, say it. Para naman matulungan kitang ma-fall ang sarili ko sa'yo. Hindi naman ako madamot pagdating diyan. I can volunteer wholeheartedly till your heart's content." Ngumisi pa ang baliw at kumindat.

Napaawang ang bibig ko at tuluyan na akong napatingala, napabuntong hininga pa 'ko para lang subukan pahabain ang numinipis ko na namang pasensya. He already ruined my day, I can't imagine what he'll do for the next following hours.

When He LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon