"BUWISIT!" Napalingon ako sa kanan ko nang marinig ko ang naiinis na singhal ni Jannah. Umupo ito sa upuan na nasa kanang bahagi ko.
Ngayon ay kaming dalawa na ang nasa designated seats namin, na kanina ay ako lang ang nag-iisang nakaupo, nakatulala at malalim na nag-iisip.
Muli ay napabuntong-hininga ako na sinabayan din ni Jannah. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay din na napailing.
"Hulaan ko, lalaki 'yan ano?" Jannah asked, and I don't have a choice but to nod in agreement. Tama naman kasi, lalaki ang problema ko. Or should I say, mga lalaki?
"Jonathan Life Valientes?" She asked and I nod again.
"Yes, Jonathan Life Valientes. Half of my problem is because of that asshole for a teenager good for nothing guy." I said and Jannah laughed like there's no tomorrow. She also slammed her both hands on the poor table.
"Oh my gosh beng! Galit na galit? Tapos bukas iiyak dahil sa kaniya? Ulol, 'wag ang kagandahan ko." She then flipped her imaginary long hair. Nakaipit kasi into a bun ang buhok niya kaya ko nasabi na imaginary.
"Che! Tigilan mo ako! So 'yon nga, kalahati ng problema ko ay dahil kay Buhay." I said, problematic with that guy.
"Eh, ano naman ang kalahati? Ops! 'Wag mong sabihin na kagandahan mo kuno dahil iuuntog talaga kita dito sa table! Matapang ako ngayon." She remarked, I just rolled my eyes and crossed my legs.
"No, saka ko na poproblemahin 'tong kagandahan ko. Mas malaki ang problema ko ngayon." I arrogantly said kaya nakatanggap ako ng mahinang pagbatok kay Jannah.
Sininghalan ko lang siya dahil hindi naman ganoon kalakas 'yung hampas niya, at isa pa magkukuwento ako. Ayokong ma-distract ako sa pagkukuwento ko.
Miss Charo, pasok."So ganito nga, half of my problem is because of Jonathan Life and the other half is because of my so called boyfriend, none other than Nathan Martinez." I problematically said as I massage my temple because of too much stress from the two douchebags.
"Oh? Walang'ya! Edi ikaw na ang may mahabang hair! Talong-talo mo si Rapunzel eh!" Naiinis na saad ni Jannah kaya mahina akong natawa.
I slapped her arms kaya napa-'aray' ito. She glanced at me with her glaring eyes na ipinag-kibit balikat ko na lang.
"Mamaya na muna ako magkukuwento. Ikaw naman! Ano'ng ganap sa'yo? Bakit ka na naman nabubuwisit diyan? You're so grumpy." Natatawa kong tanong kaya muli na namang bumalik ang pagkakakunot sa noo ni Jannah.
"Look who's not grumpy." She then rolled her eyes before she sighed. "Anyways, ito na nga." Ipinatong pa niya ang siko niya sa ibabaw ng lamesa at pumangalumbaba, looking at me like she's about to spill the hottest tea in the universe."Buwisit kasi 'yong Prom King natin! Kung makaasta eh akala mo tunay siyang hari! Nabuwisit din siguro kasi gusto niya, siya 'yung Prom Queen! Letse!" Ako naman ang natawa nang malakas dahil sa sinabing 'yon ni Jannah.
Ang tinutukoy niyang Prom King ay si Marco. Not that nagiging biased ang hurado, grabe naman kasi ang outfit ngayon ni Mister President. Ang tataray ng mga sequins sa suot na suit. Para talaga siyang hari sa suot nito.
Kaya siguro hindi dumidikit kay Jannah, baka mapagkamalan lang kasing alalay ang kaibigan kong bruha.
I laughed silently at tumingin kay Jannah na ngayon ay nakakunot na naman ang noo na nakatingin sa akin.
"Ano'ng tinatawa-tawa mo diyan? Seryoso ako! Nakakabuwisit siya! Ang yabang niya! Bakit nga ba ako nagka-crush sa baklang 'yon? Akala naman niya eh gwapo siya! Mas gwapo kaya si Ace!"

BINABASA MO ANG
When He Left
General Fiction"Live your life to the fullest." Note: Currently under revisions (year 2022), please bear with the grammatical and typographical errors for now. I'm currently editing everything. Thank you! Happy reading! All rights reserved 2018