Chapter 14

1.1K 14 0
                                        

"OH MY GOSH! Can you believe it? Kasi ako hindi pa din makapaniwala! Feeling ko nananaginip lang ako!" Jannah hysterically said habang hawak ng pareho nitong kamay ang magkabila nitong pisngi, she looked up and sighed dreamily.

Napailing ako habang inaayos ang anti-radiation eyeglasses na suot.

"Yep, I already said na naniniwala na ako. Pero parang ikaw pa 'tong hindi makapaniwala eh samantalang ikaw naman ang nagkuwento noon sa akin. At nakita ko din 'yung nangyari kanina. Nandoon po kami ni Nathan, remember? Duh?" I rolled my eyes and she just unbelievably stare at me for a couple of seconds bago tumingala at parang napipikong bumuntong-hininga.

"Wow! Can you just please support me? This will be finally my chance to have a wonderful love life! Pero ikaw! Ikaw na nag-iisa ko na best friend ang kumukontra! How dare you! Samantala kapag nagdadrama ka hindi kita pinipigilan diyan!" Nagmamaktol nitong saad at nagpunas pa ng kunyaring luha sa pisngi niya.

Again, I just rolled my eyes at her.

Saan banda ako tumutol doon?

"Cut it out, I don't have time for this. May PowerPoint presentation pa akong ginagawa para sa English bukas. Just leave me alone." At pinagpatuloy ko na ang pagta-type para sa PowerPoint na ginagawa ko. I heard her sighed bago patalong tumabi sa akin dito sa kama ko.

Umalon ang kama ko kaya napatingin ako kay Jannah na ngayon ay nakahiga na, inayos lang pala nito ang sarili para makahiga.

Nakatingin sa kisame ng kwarto ko si Jannah at parang may malalim na iniisip.

"Hindi lang ako makapaniwala beng, niyaya ako ni Marco para maging date niya sa prom! Alam ng lahat na gay siya! Tapos...tapos bigla siyang susulpot sa tapat ko para bigyan ako ng color pink na rose at para yayain ako na maging date niya sa prom. Kung dati, tinitingala ko lang siya, ngayon abot-kamay ko na." She sighed dreamily at inilagay pa ang kanang kamay sa dibdib nito habang madramang nakangiti at nakatulala. 

Pumikit-pikit pa ito at kinalaunan ay nagpagulong-gulong na sa kama ko. Umiling ako at hinarap na ulit ang laptop ko na nasa kandungan ko upang ipagpatuloy ang ginagawa ko, nang magsalita muli ang bruha.

Nilingon ko ito at naparolyo ulit ang mga mata nang makitang nasa akin na ito nakatingin.

"Is this will be the start of my fairy tale love story? Ito na ba 'yon? Iyong napaibig na ng prinsesa ang prinsipeng nararapat para sa kaniya?" Jannah asked while dreamingly looking at me. I just sighed at tinanggal ang eyeglasses na suot ko.

Inilapag ko ang laptop ko sa side table na katabi ng kama ko at humiga sa tabi niya.

"Walang nakakaalam kung ito na ba 'yon. If he is really the man who's destined for you. The man who will stay at your side forever." I said to her habang hindi nakatingin sa direksiyon niya.

Nakatingin lang ako sa kisame at nag-iisip ng magandang sasabihin, 'yung makakapagpasaya sa kaniya at the same time ay 'yung mga makakapag-pagising sa kaniya sa reyalidad.

I don't want to give her a false hope sa mga imposibleng mangyari. Knowing Jannah, gusto niya tignan 'yong mga positive things in life, iyong makakapag-pasaya sa kaniya.

She's a hopeless romantic girl and a positive thinker who always sees the world full of magic, rainbow and unicorns.

See the difference? When it comes to love, people are becoming hopeless just for them to be happy with the person who they truly love.

When He LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon