"ARE you crazy?!" Singhal ko kay Jonathan Life na ngayon ay nakapamulsang nakaharap at nakatingin sa akin. He has this smug look on his face while staring at me and while I glare at him.
"What?" He arrogantly asked as he grin. I rolled my eyes and sighed. He's not serious, there's nothing to worry about.
'Wag kang paaapekto Kaycee.
"You're really a crazy-ass Buhay, no need to ask for that. Pero please, stop fooling around. Nasa seryosong usapan tayo. You need to learn when to fool around or when to act serious. Nakakainis ka Buhay ha?!" Muli kong singhal dito.
Tinalikuran ko na lang siya at naglakad na lang papalayo dahil walang magandang maidudulot ang pakikipag-usap ngayon kay Jonathan Life Valientes, pero napatigil ako at muling napaharap kay Buhay dahil hindi man lang ito umiimik habang lumalayo ako.
I arch my left eyebrow at him, and he's still smirking kaya napapadyak na ako at napipikong bumuntong-hininga.
"What the heck?! Sabihin mo na lang kasing hindi ka seryoso! Hindi ako matatahimik nito mokong!" I hissed at doon na siya napahalakhak. I crossed my arms and wait for him until he calms down dahil hindi talaga matino kausap 'tong baliw na ito.
But I admit, I missed this. I missed his uncontrollably laughs. I missed him laughing on this simple and petty things like this.
I missed my Jonathan Life. I missed my Buhay.
"Look, Kaycee." Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako dahil sa malakas na pagtawang 'yon ni Buhay, mabuti na lamang at tinawag nito ang atensiyon ko.
I cleared my throat as I stand straight while looking seriously at Jonathan Life who's still grinning like a maniac.
"I'm serious. Let's get married." Seryoso ang tinig nito, hindi pa din nawawala ang ngisi sa mga labi. Muling umawang ang labi ko dahil doon.
"I-I want to try. I want to give this arranged marriage thing a try. Gusto ko lang. Kaya hiwalayan mo na si Nathan Martinez." Umiwas ito ng tingin at nakatingin lang ako dito ng may awang na mga labi.
"Ang sabihin mo, nababaliw ka na kamo! Shit ka Valientes!" Nanggigigil kong saad nang makahuma sa pagkagulat. I turned my back at him at muling bumalik sa event.
Sa paglalakad ko ay okupado pa din ng isipan ko ang mga sinabi ni Buhay.
Dump Nathan and be with him? I shook my head in disagreement. I love the idea of being with him, but I can't break Nathan's heart. Lalo na ngayon.
Muli ako napailing. Grabe naman, nagkandasabay-sabay pa 'yung mga pangyayari sa buhay ko. Why can't I have a normal life?
When I reached our table ay daglian akong umupo sa designated seat ko, I quickly grabbed the drink that Jannah's holding at tinungga 'yon. Good thing ay iced tea lang 'yon.
Lumingon ako sa kanan ko kung nasaan si Jannah na ngayon ay may nagtatakang tingin na nakapukol sa akin. I sighed. Sasagap na naman ng chismis 'to panigurado.
"Who's that guy? 'Yung kasayaw mo kanina?" Tanong ko dito kaya napakurap si Jannah dahil doon. Inunahan ko na siya, wala kasi akong ganang magkuwento ngayon. Tinatamad ako at wala ako sa mood magkuwento.
"A-ano. Si Glaze 'yon. Neighbor namin dati sa Lancaster. Schoolmate ko din dati. Childhood sweetheart ko. Iyon lang 'yon." Nag-iwas pa ito sa akin ng tingin na ikinakunot ng noo ko. Something's fishy. I just can't figure it out.
"Eh ikaw ba? Bakit yata parang may tinatakasan ka diyan? Ano'ng tinatakasan mo? Problema o lalaki?" Nagulat na lang ako nang bigla ulit lumingon si Jannah sa akin nang may nagtataka at nagtatanong na tingin.
Actually beng, 'yung both ang tinatakasan ko.
BINABASA MO ANG
When He Left
General Fiction"Live your life to the fullest." Note: Currently under revisions (year 2022), please bear with the grammatical and typographical errors for now. I'm currently editing everything. Thank you! Happy reading! All rights reserved 2018