YAKAP ko ang sarili habang matamang nakatingin sa city lights. Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ang buong siyudad na nababalot ng maliliwanag na ilaw galing sa iba't ibang gusali sa metro.
I sighed as I hug myself even more. Sayang at hindi ko man lang nadala ang jacket ko. Yumuko ako at sinipa ang maliit na bato na nasa aking paanan. Nandito ako ngayon sa Antipolo, dinala ako dito nila nanay Cora at ni tatay Junie, nandito kasi sa Antipolo nakatayo ang tahanan na ipinatayo nila galing sa kanilang ipon.
After tatay Junie saw me crying in pain after I went home, tinawagan niya agad si nanay Cora na namamalengke noong mga oras na iyon. They both attended to my needs as they try to comfort me, then they decided to just bring me here in Antipolo because according to them, the view of the skyscrapers would calm me down, and it really did help me.
After a while, they then decided to leave me here with an assurance that I will be fine here, that I can bring out all the pain that I'm carrying for a long time now. Para naman gumaan man lang daw kahit papaano ang bigat na nararamdaman ko. They said that they'll just come back and fetch me later after I let it all. They said that they'll just give me some needed space, and with that, I appreciate them even more.
I remembered what happened earlier before we went here. When nanay Cora saw her husband calming me down because of my nonstop crying, she immediately went to the kitchen to get my favorite strawberry flavored ice cream. She gave me a gallon of that ice cream as she shushed me, and without any words coming from them, they enveloped me into a hug and gave me kisses on top of my head.
They treated me as their real daughter na hindi sila pinalad na magkaroon, and I also treated them as my second parents. Lalo na't tuwing wala sila Mama at Papa ay sila ang nandiyan sa tabi ko at nakakasabay kong kumain sa lunch at dinner.
Hindi sa galit ako kay Mama at Papa, I just don't feel the same warmth they always give me when I was still a kid. Alam ko na para sa kinabukasan ko ang ginagawa nila ngayon, I even assured them that it's fine and that I understand them. But it's not the same.
Napaigtad ako nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa ng uniform na suot ko pa rin hanggang ngayon. Kinuha ko ito at nakita ko ang pangalan ni tatay Junie na tumatawag ngayon sa akin, I sighed as I answered the phone call.
"Kaycee, ano? Ayos ka na ba? Magaan na ba ang pakiramdam mo 'nak? Nakahanda na ang hapunan dito sa hapag. Ipasusundo ka na ba namin kay Christian?" Bagaman pangalan ni tatay Junie ang nakarehistro nang tumawag, boses naman ni nanay Cora ang sumalubong sa akin nang sagutin ko ang telepono kaya bahagya akong napangiti.
Nag-aalala sila sa kalagayan ko samantalang ang totoo kong mga magulang ay kumakayod para sa kinabukasan ko, na hindi ko alam kung ikasisiya ko ba na nag-aalala sila sa hinaharap na Kaycee. Samantalang ang kasalukuyang Kaycee ay nakakaramdam naman ng pag-iisa at kalungkutan.
"'Nay, can you give me more minutes pa? I just want to think and to be at peace. Not that nakakaistorbo kayo, please don't think that way po, ha? Gusto ko pa po kasing mapag-isa. Lalakarin ko na lang papunta diyan sa bahay niyo. And I don't want to bother Kuya Christian, baka po busy siya." Patukoy ko sa pamangkin ni nanay Cora na itinuring na din nilang parang tunay na anak.
Si Kuya Christian ay maagang naulila sa kaniyang ina, hindi na niya nakilala pa ang kaniyang ama dahil bata pa lamang siya ay hindi na ito pinakilala sa kaniya ng kaniyang ina. Anak ito ng bunsong kapatid ni nanay Cora na maagang pumanaw dahil sa sakit na cancer. Si nanay Cora ang huling nakasama ng nanay ni Christian bago ito pumanaw kaya naman siya na lang rin ang nagkupkop sa batang Christian.
![](https://img.wattpad.com/cover/134352714-288-k181517.jpg)
BINABASA MO ANG
When He Left
General Fiction"Live your life to the fullest." Note: Currently under revisions (year 2022), please bear with the grammatical and typographical errors for now. I'm currently editing everything. Thank you! Happy reading! All rights reserved 2018