"BAKIT? Bakit mo ginawa 'yon?" Paulit-ulit kong sinuntok sa dibdib si Jonathan Life hanggang sa mapagod ako. Padulas na bumagsak ang kamay ko papunta sa bato na kinauupuan namin. Nanghihina akong yumuko at hinawakan ang dibdib ko. Huminga ako nang malalim dahil sa patuloy kong paghikbi.
"Hindi ko sinasadya na hindi ko tinawag si Nathan noong mga oras na dapat ay masasagasaan siya. Hindi ko sinasadya." Basag ang boses na paghingi ng paumanhin ni Jonathan kaya naman nag-angat ako ng tingin dito.
Pumikit ako nang mariin 'saka tumingala. Nakita ko doon ang kalahati ng buwan pero hindi ko pa din nakikita ang kabuuan noon. I wiped my tears away from the corner of my eyes 'saka ako bumuntong-hininga nang malalim."Hindi naman 'yon 'yong tinatanong ko na 'bakit mo ginawa 'yon'." Humihikbi kong saad at tumingin na sa gawi ni Jonatahan Life. His mouth was agape as he's looking at me like he was puzzled with something. I sighed again 'saka ko siya hinarap. I held him on his both shoulders at maigi siyang tinitigan sa mga mata niya habang patuloy pa ako din sa pagluha.
"Bakit mo ginawa 'yon? Bakit ka nagpanggap? Bakit hindi mo sa akin sinabi 'yung tunay mong nararamdaman? Bakit itinutulak mo ako palayo kahit na mahal mo din pala ako?" Humihikbi kong tanong sa kaniya. Jonathan Life looked so shocked when he heard that from me. He averted my eyes off me 'saka niya ako hinawakan sa magkabila kong kamay, he made his self let go from my grip. Umurong ito para makaiwas sa akin.
"Because I feel so responsible para sa nangyari sa inyong dalawa ni Nathan." Tumingala ito 'saka bumuntong-hininga. Sinabunutan nito ang sariling buhok 'saka umiiyak na umiling.
"Pakiramdam ko, kasalanan ko. Kasalanan ko na nakalimot ka. Kasalanan ko na kusa kang lumayo sa taong mahal mo. Kasalanan ko kung bakit mo siya nakalimutan. Kasalanan ko kung bakit nasasaktan ka at si Nathan dahil sa pag-ibig na nararamdaman niyo. Kasalanan ko, Kaycee. Kasalanan ko, Buwan." Humihikbing saad nito, mas lalo akong naiyak.
"Hindi mo kasalanan Jonathan Life. Tama si Jannah, walang may kasalanan sa atin kung bakit tayo nagmamahal. It's love. Love that will make us dumb. Love that will make us cruel. Love that will not just hurt ourselves, but also the person who loves us. At kahit na masakit aminin, love can make foolishness out of ourselves. And I'm a fool." Humihikbi kong saad. Jonathan Life looked at my direction 'saka umiiyak na hinawakan ang magkabila kong kamay. Humarap ito nang tuluyan sa akin 'saka malalim na napabuntong-hininga.
"Kung ganoon, alam mo na ba kung sino talaga ang mahal mo?" Jonathan Life asked that makes me dumbfounded.
My mouth went agape, napaiwas dinako ng tingin sa kaniya. I sighed 'saka pinupunasan ang mga luha sa mukha ko na hinarap ang dagat."I..." Nilunok ko ang kung ano mang nakaharang sa lalamunan ko, dahil dito ay hindi ako makapag-salita. I sighed again at napailing. "I don't know." Napayuko ako at napahawak nang mariin sa ulo ko.
"You should be strong enough to face those bullies, Nathan. Hindi ka dapat laging nakayuko lang. Pero hindi din ibig sabihin noon na labanan mo sila. Just look at them in their eyes, doon mo makikita kung gaano sila kaduwag."
"You can't just sit there and let them talk to you like that tapos parang sumasang-ayon ka pa. Nathan! You can't live your life how it should be lived kung patuloy kang magiging ganiyan! Live your life to the fullest!"
"Ano ba'ng mayroon sa'yo na wala sa iba Nathan? Why did I even love you?"
"Ngayon ko lang na-realize. I keep on asking myself kung ano'ng mayroon ka na wala ang iba. Then I finally found the answer. 'Yung wala sa iba na mayroon ka? 'Yung pagmamahal ko para sa'yo. 'Yon ang wala sila."
"Nathan, I love you."
"Mahal kita. Higit pa sa kaibigan, higit pa sa kapatid o kaaway. Mahal kita, bilang ikaw, bilang si Jonathan Life. Tuldok na. Walang kuwit, walang gitling, walang question mark o exclamation point. Mahal kita. Tuldok na."
BINABASA MO ANG
When He Left
Ficção Geral"Live your life to the fullest." Note: Currently under revisions (year 2022), please bear with the grammatical and typographical errors for now. I'm currently editing everything. Thank you! Happy reading! All rights reserved 2018