"SA tingin niyo, ano'ng pinag-uusapan nila? Kinakabahan ako! Shit!" Saad ni Jannah habang patuloy na naglalakad pabalik-balik. She keeps on walking back and forth and it frustrates the hell out of me!
"Puwede ba? Jannah! Stop walking around! Imbes na kumalma ay lalo mo lang pinapakaba ang sarili mo! Maski ako ay kinakabahan na!" I hissed at her and that's when she stopped walking. She sat on my bean bag ngunit kinuyakoy naman nito ang kanang paa. I just sighed at muling sumandal sa headboard ng kama ko.
"Bakit naman kasi biglang nagpa-meeting 'yang si Tito. Hindi ka ba kinakabahan bes?" Napalingon ako sa kanan ko at nakita ko si Nathan na ngayon ay nakalingon na kay Jonathan Life na nakakunot ang noo na nakatingin sa boyfriend ko. Nakaupo ang dalawa sa gilid ng kama ko kaya nakatalikod ang mga ito sa akin.
"Stop calling me bes! You arse!" Pagsusungit ni Buhay sa boyfriend ko at napailing na lang ako.
Nandito kaming apat sa kuwarto ko. Tuwang-tuwa si Nathan nang makapasok dito dahil first time niya lang daw makita ang kuwarto ko, na totoo naman. Tuwing nagpupunta kasi siya dito ay hindi ko siya pinapapasok dito sa kuwarto ko. Hindi kasi ako kumportable.
Lalo na ngayon.
I sighed."Stop worrying. Hindi naman nila alam kung ano'ng tumatakbo sa mga utak natin. Tinatakot lang nila tayo panigurado. Mag-uusap lang 'yung mga 'yon, baka nakakalimutan niyong investor ng isa't isa sa mga family businesses natin ang mga parents natin." Naiiling na saad ni Jonathan Life kaya naman tuluyan na lang akong humiga sa kama. Ipinatong ko pa ang kanan kong braso sa mga mata ko at pumikit.
I heard Jannah and Nathan sighed in relief, parang na-realize ng mga ito na wala naman talagang alam na sikreto ang mga magulang namin.
I know, gusto lang ng parents ko na makilala ang parents ng mga kaibigan ko. That's how they care and worry about me. Not that na may mga ginagawang masama o ilegal ang mga parents nitong tatlong ugok na kasama ko. Parang gusto lang nila na mapalapit din sa mga taong malapit sa puso ko.
But wait, what did Buhay said?
Agad kong tinanggal ang pagkakatakip ng braso ko sa mukha ko at agad tinignan si Nathan na tahimik at nakangiting inililibot ang paningin sa buong kuwarto ko.
"Kuya Babe." Tawag-pansin ko kay Nathan na agad akong nilingon. He instantly smiled at me when he saw me looking at him. Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko at ang malakas na pagkabog ng puso ko nang makita kong titig na titig ito sa akin.
But I composed myself and acted like I'm cool with his knee-wiggler stares.
"Investor namin kayo? Kailan pa?" Taka kong tanong.
Nakita kong agad na nabura ang ngiti sa labi nito nang marinig ang tanong ko, he then looked at the two people who are also with us bago muling tumingin sa akin.
"U-uh, I don't know?" Mabagal at mukhang hindi sigurado niyang sagot, doon napakunot ang noo ko.
"Bullshit." I heard Jonathan Life muttered from my left, I even heard Jannah stifling a laugh.
Nakita ko pang sinamaan ng tingin ni Nathan si Buhay, kaya bago pa man magbuno ang dalawa ay pinigilan ko na agad ito.
"Oh well, maybe you're still not interested with your business Kuya Babe. Don't worry, I understand." I smiled at Nathan who's now looking at me lovingly. He then looked at Jannah and Jonathan Life who's disgustingly looking at Nathan and I."Yeah, that's my Ate Babe. She's so understanding and kind as she is. That's why I love her." Awtomatikong uminit ang pisngi ko at hula ko ay namumula na ang buong mukha ko. Dahil sa pagpipigil ko sa kaniya kanina na sabihan ako ng 'I love you', nahalikan niya tuloy ako kanina sa labi.
Buwiset na alaalang 'yan.
"Kuya Babe amputs. Wala nang maisip na call sign?" At doon naputol ang kung ano mang nararamdaman ko dahil sa sinabing 'yon ni Jannah. I glared at her."Fuck you." I hissed and I heard them laugh. I shook my head and I just stood up from where I was lying. Dumiretso ako sa pinto ng kuwarto ko, bago makalabas ay nilingon ko muna ang tatlo na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
When He Left
General Fiction"Live your life to the fullest." Note: Currently under revisions (year 2022), please bear with the grammatical and typographical errors for now. I'm currently editing everything. Thank you! Happy reading! All rights reserved 2018