Chapter 24

1K 13 0
                                    

"GOOD MORNING sunshine!" Nagmulat ako ng mga mata ko nang marinig ko ang sigaw na 'yon. Napatingin ako sa kanan ko at hindi ko na nakita pa si Jannah sa tabi ko, nag-angat ako ng tingin at nakita ko ito na nakatalikod sa gawi ko. Hawak nito ang kurtina at nakatingin sa labas ng balcony ng suit, medyo pumapasok na din ang sinag ng araw.

Umupo ako mula sa pagkakahiga habang kinukusot ko ang kanan kong mata. I yawn as I stretched my arms.

Tuluyan na akong tumayo mula sa kama, I look at the bedside table kung nasaan nakalagay ang phone ko. I opened it and I check if what time is it already. It's already six in the morning, tama lang sa oras ng paggising ko. Naglakad ako palapit kay Jannah at inakbayan siya. Napalingon ito sa akin at tinulak ako nang bahagya.

"Panis! First time ko na maunang magising kay'sa sa'yo! This should call for a celebration!" Excited na sabi nito kaya napailing ako. Abnormal talaga kahit kailan 'tong babaeng 'to.

"Kaya pala kung makasigaw ka diyan kanina ay akala mo nag-iisa ka lang sa kuwartong 'to! Peste!" I hissed at her, she just rolled her eyes on me at humiwalay mula sa pagkakaakbay ko.

"Oo nga pala, beng. Tumawag sa phone mo kanina si Tita, ako ang nakasagot. Sabi niya maligo na daw tayong dalawa. After daw ng breakfast, opening na ng gifts mo!" Jannah excitedly exclaimed kaya malawak din akong napangiti, suddenly, of excitement flooded me.

"Ngayon na din yata ibibigay ni Papa 'yung surprise nila sa akin! I'm so excited!" Nag-high five pa kaming dalawa ni Jannah.

Nagpunta ako sa closet ko kung nasaan 'yung duffle bag ko, kumuha ako ng damit na susuotin. I chose to wear a backless halter neck floral mini summer dress. It's an above the knee dress, sa ilalim nito ay isusuot ko ang isang color black bikini two-piece swimsuit. May pool kasi sa baba pati na din sa roof deck nitong hotel building, balak ko sanang mag-swimming mamaya.

"Ako ang mauunang maligo ha! Mag-ayos ka Jannah, nako! Mag-s-swimming tayo!" I reminded Jannah as I ready my clothes. Kinuha ko muli ang pouch ko na naglalaman ng mga pang-personal hygiene ko pati na din ang pang skin care routine ko. Dinala ko na din ang mga damit na susuotin ko dahil balak kong magbihis na lang sa banyo.

Naglakad na ako papasok sa banyo, ngunit nakita ko pa si Jannah na prenteng nakaupo sa couch habang kinakalikot ang cellphone niya. Ibinato ko dito ang hawak kong pouch, sayang at hindi siya nasapol sa mukha. Lumapit ako dito at kinuha muli ang pouch ko na hawak niya. Nakakunot ang noo na napatingin ito sa akin.

"Mag-ready ka na! Mag-uusap ulit tayo! Nakulangan ako sa kuwento mo kagabi! Puro riddles ka kasi letse ka! Akala mo kina-cool mo 'yon? Peste!" Tinalikuran ko na ito at tuluyan nang pumasok sa banyo. Isinabit ko na ang damit ko sa sabitan na nasa likod ng pintuan ng banyo.

Pumailalim na ako sa dutsa at ginawa ko na ang morning rituals ko. Matapos makapaligo, makapagbihis, at makapag-skincare routine ay lumabas na ako sa banyo at hindi ko na nakita si Jannah sa loob ng kuwarto, nakita ko na bukas ang pintuan ng veranda kaya I assume na nandoon siya, inilapag ko muna sa kama ang mga pinaggamitan ko at nagpunta sa veranda, and my assumption was right.

Nakasalpak pa sa tenga ni Jannah ang earphone niyang color pink, nakapatong ang siko nito sa railings ng balcony. Her head was banging at nang makalapit ako dito ay nakita ko pa itong nakangiti at nakapikit.

Binatukan ko nga.

Nakakunot ang noo ni Jannah nang mapatingin sa gawi ko, tinanggal nito ang earphone na nakakabit sa tenga niya at amba akong babatukan pero natatawang umiwas ako.

"Ang brutal mong best friend!" Jannah hissed na mas lalo ko pang ikinatawa. I crossed my arms at sumandal sa railings. "Matagal na." I stated with my heads up. She showed me her middle finger.

When He LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon