"A-ANO ba ang mga hiling mo?" Nangiginig at basag ang boses kong tanong at matapang na humarap muli kay Nathan. Nakita ko ang luha sa mga mata nito pero hindi 'yon tumutulo. Mas lalo akong napaluha.
My Nathan, my sweet Nathan.
I saw Nathan gulping before clearing his throat. Gaya ko ay matapang din nitong sinalubong ang mga tingin ko. Lumapit ito sa akin at niyakap ako. Naisubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya habang patuloy pa din sa pag-iyak. He's hushing me as he's tapping me on my back.
"Shh. After this. A-after this. M-mawawala na ako sa'yo. Ayaw ko nang makita kang nahihirapan dahil sa iniisip mong nasasaktan ako dahil sa'yo. Please, stop thinking like that. Desisyon ko na mahalin ka nang ganito, Kaycee. Pagkatapos ng tatlong hiling na 'yon
P-pakakawalan na kita, pangako. M-makukuntento na lang ako na mahalin ka sa malayo. Tutupadin ko pa din 'yung pangako ko sa'yo na hindi kita titigilan. Na hindi ko titigilan 'yung pagmamahal ko sa'yo, kahit na sa malayo lang." I heard Nathan bitterly laughed kaya mas lalo kong naisubsob ang mukha ko sa dibdib niya at patuloy na umiyak.Ipinalibot ko na ang mga braso ko sa katawan niya at ako na ang yumakap sa kaniya nang mahigpit. Humihikbi pa ako nang si Nathan na mismo ang kumalas sa yakapan namin. He hold me on my both shoulders at pinaharap ako sa kaniya. He looked at me lovingly and smiled. Mas lalo akong napaiyak.
How can he do that? Smiling at me despite of how hurt he is because of me?
"I love you." After he said those words ay lumapit ito sa akin upang halikan ako sa noo. Natakpan ko ang mukha ko gamit ang magkabila kong mga kamay at doon umiyak nang umiyak. Nathan hushed me pero hindi pa din ako tumitigil sa pag-iyak. I heard him sigh kaya doon ako natigil sa pag-iyak, humihikbi pa din ako nang hinarap ko siya.
He's still looking at me the way he looked at me before. And I don't even deserve this kind of attention from him because I keep on hurting him."Kahit na malabong mangyari. Umaasa pa din ako na kaya ka umiiyak nang ganiyan ay dahil ayaw mo na mawala ako sa'yo." Nathan stated, muli ay tumulo ang luha mula sa mga mata ko.
Yes, Nathan. I'm afraid. I'm afraid because I don't want to let you go. And I'm afraid that this feeling I'm feeling right now is something that will soon prove me how wrong I am to let you go. But this must happen. You must be free, from me, because you deserve better.
"Pero ayaw ko na umasa. Ikaw na ang nagbigay ng pahintulot sa akin na 'wag na akong umasa pa na mamahalin mo din ako pabalik." He bitterly smiled and breathed in and out. Muli itong matatag na tumingin sa akin at muli akong nginitian."Are you ready for my first wish, genie?" Nathan asked at napatango na lang ako. He smiled at me and kissed me again at the top of my head.
"G-gagawin ko ang lahat ng hihilingin mo, Nathan." Saad ko and I saw his bitter smile once again, na mas lalong ikinahapdi ng nasasaktan ko nang puso.
"Gusto ko sana ulit itong samantalahin pero ayaw ko na patuloy pa din kitang makita na nasasaktan. Nasasaktan ka na sa isa, ayaw kong maging dahilan din ako ng isa pang sakit para sa'yo." Nathan said at muling bumuntong-hininga nang malalim. Ganoon din ang ginawa ko para mapatatag ko kahit papaano ang sarili ko. I wiped my tears away from my face and my eyes. Matatag din akong ngumiti dito at tumingin. He smiled back at me.
"'Yung unang hiling ko. Pwede ba na i-date kita ng isang linggo? Pwede ba na, this time. Let's make it official. Isipin natin na walang nangyaring pagkukunyari at ito na ang umpisa ng totoo nating relasiyon." Nathan stated that made my mouth agape in shock. He's looking at me seriously habang may ngiti sa mga labi, at alam ko na doon pa lang, talo na naman ako.
"One week na boyfriend mo ako ng totoo Kaycee. Is that fine with you?" Nathan asked me pero nakatingin lang ako dito ng may gulat sa mga mata ko.
Napalunok akong muli at inisip ang mga maaring kahihinatnan ng kung ano man ang isasagot ko.
BINABASA MO ANG
When He Left
Ficción General"Live your life to the fullest." Note: Currently under revisions (year 2022), please bear with the grammatical and typographical errors for now. I'm currently editing everything. Thank you! Happy reading! All rights reserved 2018