Chapter 29

1.7K 16 0
                                    

"BENG? Ayos ka lang?" Naputol ako sa pagkakatulala ko nang marinig ko ang boses ni Jannah. Nakita ko itong nakatabi na sa akin dito sa bench na kinauupuan ko. I sighed at sumandal sa sandalan ng bench.

Blangko kong tinignan ang mga puno. Nandito ako sa school's garden, dito ako dinala ng mga paa ko matapos kong makita ang isang bagay na nakapagpabago ng buhay ko. Nagbaba ako ng tingin sa bagay na hawak ko, doon ko narinig ang pagsinghap ni Jannah. She took it away from my hand at muling napasinghap.

"Tangina." Jannah mumbled and I looked blankly at her direction. Nang makita nitong nakatingin na ako sa kaniya ay doon na siya napalunok at nag-iwas ng tingin mula sa akin.

"May alam ka ba tungkol dito?" Malamig ang boses na tanong ko kay Jannah. Bumuka ang bibig nito pero daglian ding isinarado. Bukas-sarado ang bibig nito, parang naghahanap ng tamang sasabihin. I sighed at muling nag-iwas ng tingin kay Jannah. Doon nag-umpisang tumulo ang mga luha ko.

"Sabihin mo nga sa akin, 'yung iniisip ko ba ngayon, 'yun ba 'yung alam niyo?" Nanginginig ang labi at boses na tanong ko.

"'Yung mga panaginip ko. 'Yung kakaibang nararamdaman ko kapag kasama ko si Nathan. 'Yung pagkukulang na nararamdaman ko. 'Yung mga tanong na hindi ko pa din nasasagot hanggang ngayon. Tangina, ang hina ko naman." I cried at napabuga sa hangin. Tumingala ako at napapikit nang mariin.

"Jannah. Ano ba? Ano ba talaga? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko, higit pa ang turing ko kay Nathan noon sa pagturing ko sa kaniya ngayon?" I sobbed. Jannah wrapped her left arm on my shoulders as she sighed.

"Beng. Alam ko, paunti-unti nang nasasagot ang mga tanong mo. Kaunti na lang. Hindi ko masasagot 'yan kasi hindi ako ang nasa tamang posisyon para sagutin 'yang mga tanong na gumugulo sa isip mo. Ask your parents, or ask Nathan instead. Siya, mas masasagot niya ang mga tanong mo." Jannah said kaya mas lalo akong napahagulgol.

"Eh paano ako magtatanong sa kaniya kung umiiwas na siya? Iniiwasan na niya ako? Ni ang tignan ako nang diretso ay hindi na niya magawa." I said as I sobbed. Jannah gave me a tap on my shoulder at pinatahan ako.

"I'm sorry beng. Kahit na gaano ko kagusto sabihin sa'yo ang lahat, hindi naman pwede. You know, I'm not in the right shoe to tell you about your past. At isa pa, kaunti lang ang alam ko. But one thing is for sure." Jannah hold my both shoulders and made me look at her direction. She sighed.

"You got in an accident. Then you forgot...him. Ewan ko kung bakit nakalimutan mo na na-ospital ka. Dahil siguro parte pa din 'yon ng matagal mong pagkaka-coma. Ewan beng, your mom just called me na na-ospital ka because you were hit by a car. Hindi ko alam ang buong istorya. Pero dahil doon, nagalit ako kay Jonathan Life. And that's not my story to tell, ask your parents. Nathan, or Jonathan Life. Surely, they know everything." Jannah suggested as I sob.

"Tama na 'yan. Iuuwi na kita. Kahit na gaano ko kagusto na dalhin ka kung saan, alam ko naman na magiging okupado lang ang isip mo sa kakaisip sa mga nalaman mo ngayon. Come." Jannah pulled me up then tapped me on my both cheeks, she smiled.

"You can do it. You taught Nathan to be strong and brave enough to conquer all his fears. I know you can do it. You will." Jannah convinced me but I just cried more.

"I hope Jannah. I'll just hope." I whispered and I just heard Jannah sighed before pulling me somewhere.

●●●

"OO na lang Loreng! Matik na 'yon!" I heard my mother's voice before I could go inside our house. I also heard her calling Tita Loraine's name so I immediately got in. Naramdaman siguro nila na may dumating kaya napatingin ito sa direksiyon ko.

When He LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon