Chapter 19

900 17 2
                                    

"A-ANO?" I asked him kahit na natulala ako sa narinig ko.

No, it's impossible. Siguro namali lang ako ng dinig.

Nathan sighed at binitawan na ako mula sa pagkakayakap niya. He looked up and held both of his waist, para nitong pinapakalma ang sarili.

Muli itong lumingon sa akin at mas lumapit pa habang hawak pa din nito ang magkabilang bewang. Kusang gumalaw ang mga paa ko para umatras dahil sa ginagawa nitong paglapit.

"I said. I'm in love with you Kaycee Lunar." Seryoso nitong saad. Nag-iwas ako ng tingin at natatawang umiling.

I paced back and forth in front of him habang hawak ko din ang magkabila kong bewang.

And when I finally get tired, I stopped walking at muling tumigil sa harapan ni Nathan na seryoso pa rin na nakatingin sa akin.

"H-how? When? Bakit? Tangina!" Naibulalas ko na lang at inihilamos pa ang pareho kong kamay sa mukha ko.

Wala akong pakialam kung nasira ang make up ko sa ginawa kong 'yon, kailangan kong pakalmahin ang sarili ko dahil sa nalaman ko.

"Bakit? Bakit ako? Bakit ngayon mo lang sinabi? Kailan? Kailan nag-umpisa 'yan? Kailan mo pa itinatago 'yan? Paano? Paano mo ako minahal sa mahabang panahon eh ngayon lang tayo nagkalapit ng ganito. Pagmamahal ba 'yan? Mahal mo ba talaga ako? Baka nabubulag ka lang. Baka hindi mo talaga ako mahal. B-baka, baka c-crush lang. Ganoon! Baka ganoon lang 'yon."

Sunod-sunod kong tanong, naging mabagal at mahina pa ang pagkakasabi ko sa mga huling salita. At dahil din sa mga tanong at sa sinabi kong 'yon ay mas lalong sumeryoso ang mukha ni Nathan. He looked at me with his piercing yet cold eyes.

"'Wag mong kuwestiyunin ang nararamdaman ko, dahil kahit kailan hindi ko kinuwestiyon ang pagmamahal na mayroon ka sa ibang tao." Seryoso nitong saad habang nakatiim-bagang.

Napalunok at napayuko ako. Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil sa mga nasabi ko, pero hindi ito ang tamang oras para doon. Nathan and I, we really need to talk.

"It all started when we're on grade seven. Classmate kita noon. Transferee ako noong mga time na 'yon. My family and I came from province and that's my first time here in Manila. I don't have friends to talk to. I'm alone. 'Yung nakikita mong Nathan Martinez ngayon, hindi ako 'to noon. Moreno, patpatin kung tawagin ng iilan, pandak. Half of the population in our classroom were bullying me that time."

Seryoso nitong saad kaya naman napaawang ang labi ko dahil doon. I roamed my eyes at his body. Malayong-malayo ang hitsura ng Nathan na sinasabi niya kay'sa sa Nathan na nakikita ko ngayon.

He had build his body perfectly, his body was perfect for a teenager like him. He have this fair white skin, hindi katulad ng sinasabi niya noon na moreno. And he's much more taller now. Kung sinasabi nga nitong pandak siya noon.

Is puberty has something to do with this? Bakit parang hindi ito tumatabla sa akin?

"I've been bullied by our classmates for God knows how many times when we're still in grade seven. Everyone, except you and Jannah, the both of you have been good to me that time. Hindi man palagi pero kapag naman naaabutan niyong binu-bully ako, hindi kayo nagdadalawang-isip na tulungan ako." Napangiti pa si Nathan na parang inaalala pa ang mga ginawa naming pagtulong sa kaniya ni Jannah noon.

Napakunot ang noo ko at napayuko na parang may inaalala dahil doon. Hindi ko yata natatandaan na may tinulungan akong gaya niya, na may tinulungan akong isang Nathan Martinez na binu-bully noong grade seven pa lang kami.

"I know you don't remember it now." Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang nakangiting si Nathan, ngunit kahit na nakangiti ito ay nakikita ko pa din sa mga mata nito ang lungkot at panghihinayang.

When He LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon