"COME with me." Nathan said at siya na mismo ang kumuha sa kamay ko. Napapabuntong-hininga akong nagpatangay kay Nathan patungo sa kung saan.
Habang hinihila ako ni Nathan ay inililibot ko ang paningin ko sa paligid. We're here again, at the sea shore. Hinihila ako ni Nathan patungo kung saan. Nagpapahila lang ako pero pinakikiramdaman ko siya.
This is finally our last day together as a real couple. Hindi ko namalayan na matatapos na pala ang isang linggo kong pananatili dito sa hometown ng mga Martinez, dito sa Bicol. When I'm with Nathan, hindi ko napapansin ang oras pati na din ang pagtakbo nito. It's really true that when you're enjoying, you won't notice the time. At 'yon ang ikinaiinis ko.
Kasi sana, napapansin ko ang oras. Para hindi ako nalulungkot ng ganito at parang gusto nang humingi pa ulit ng isang linggo para makasama si Nathan. Bukas, haharapin ko na ang totoong buhay. Haharapin ko na naman ang katotohanan na masasaktan at masasaktan ko pa din si Nathan kahit na ano'ng gawin ko.
After how many steps of walking ay napatigil din kami. Ni hindi ko napansin na hinihingal na pala ako dahil sa mahaba naming nilakad ni Nathan, masiyadong okupado ang isip ko ng mga bagay na maaaring mangyari pagkatapos nito.
Naigala ko ang paningin ko sa kinatatayuan namin ni Nathan. Napaawang ang labi ko nang makita ko kung nasaan kami. We're still at the sea shore. Pero itong kinatatayuan ko. I feel like I'm inside a fairy tale book. This, this is just so romantic.
Puno ng mga kulay dilaw na fairy lights ang buong paligid. Nakapagpaganda pa sa ganda ng paligid ang papalubog na araw. Mayroong ring malaking tela na nakalatag sa buhangin, sa ibabaw ng telang 'yon nakalagay ang mga maliliit na color pink at blue na mga unan. Sa gilid noon ay isang maliit na lamesa, nakapatong doon ang mga chips at may nakita pa akong color pink din na inumin na nakalagay sa isang pitsel. May dalawang kopita din na nandoon. Sa isang gilid ay may nakita akong naka-set up na tent.
All in all, it looks so romantic.
Napatingin ako sa likod na direksiyon ko. Doon ay nakita ko si Nathan na nakangiti at nakatingin sa akin. I smiled at him widely and run to him. I jumped on to him and hugged him tightly, Nathan chuckled before hugging me back. Nakapikit akong pinakikiramdaman ang pareho naming paghinga.
Nagtagal ang yakap na 'yon ng ilang minuto bago ako bumitaw sa yakap naming dalawa. I looked intently at Nathan who's looking at me too. I smiled and gave him a peck on the lips. Nakangiti akong bumitaw at nakita ko din ang pagngiti niya. He held my wrist before pulling me to the blanket. Sabay kaming umupo doon, I took one of the color sky blue pillow na nakakalat lang doon at ipinatong 'yon sa ibabaw ng hita ko. Nathan sighed at binitawan na ako.
"You know why I'm doing this." Nathan stated. Doon nabura ang ngiti hindi lang sa labi ko, kun'di pati na din sa buong mukha ko. I nod my head and sighed. Yumuko ako at tinignan ang kamay ko, I clasped my hands together.
"Alam ko." Bulong ko at naramdaman ko na lang ang paghawak ni Nathan sa magkabilang balikat ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang nakangiti na muling mukha ni Nathan. He hold my right hand before kissing it. That made my smile returned once again.
"I love you. Always remember that, Kaycee. 'Wag mo kalilimutan, please?" Pagsusumamo nito. I nod my head, teary eyed because he beg for something he doesn't need to ask. Because I know, from day one, Nathan will be a big part of me, na pakakawalan ko lang dahil sa mga maling desisyon ko sa buhay.
And I hate myself because of that.
Binitawan muli ni Nathan ang kamay ko bago ito humiga sa blanket, pinagpatong niya ang dalawang square na pillow bago siya humiga doon. Iniangat nito ang mga braso niya at inilagay niya ang mga kamay niya sa ulohan niya bago siya humiga. Nakangiti pa din ito nang tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
When He Left
General Fiction"Live your life to the fullest." Note: Currently under revisions (year 2022), please bear with the grammatical and typographical errors for now. I'm currently editing everything. Thank you! Happy reading! All rights reserved 2018