I WAS YAWNING as I walk through the corridor of our school building. It's Monday again, minsan ay hinihiling ko na sana, 'yung Sabado at Linggo na lang ang mga araw na may pasok kami. While 'yung Monday to Friday na natitira pa ang pahinga naming mga estudyante.
Is it too much to ask? Of course, yes. Bakit naman kasi habang tumatanda ka, mas lalong humihirap ang mga gawain mo? Mas lalong bumibigat ang mga responsibilities natin? So if we're in a game, our age is just basically the level where the task will gradually become harder and tougher to accomplish.
Mapapamura ka na lang talaga kapag iniisip mo 'yung mga naka-line up mong paper works at projects eh, plus your responsibilities pa to yourself and to other people will also add up. Can't it be more tiring?
I know I'm too young for me to say these things pero tao din ako napapagod din! I need a break! My god.
Palapit na ako sa room namin nang makita ko si Jonathan Life na nakasandal sa pader na nasa tapat ng classroom ng girlfriend niyang si Shiela Mae. Tulala ito na tila may malalim na iniisip habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa bulsa ng suot niyang slacks.
These past few days, napapansin ko ang pananamlay at ang pagiging maaburido niya. This is not his usual self, parang ibang tao palagi ang nakikita at nakakausap ko, or maybe I'm not used to this kind of behavior from him kasi I've never seen him this grumpy, but I know it's still him. There's just something wrong.
Naninibago ako sa ikinikilos ni Jonathan Life, para siyang may itinatago na siya lang ang nakakaalam at walang sino man ang dapat makaalam ng itinatago niyang 'yon. He's gatekeeping everything to himself, not wanting anyone to know what's been bothering him for the past days.
Naramdaman niya siguro na may nakatingin sa kaniya kaya inilibot niya ang paningin niya mula sa pagkakatulala hanggang sa tumama ang mga tingin niya sa akin. Kumunot ang noo nito at nilapitan ako, hindi pa din inaalis ang mga kamay sa bulsa ng fitted and color dark blue pants niya na standardized uniform ng boys sa school namin.
Nang makalapit ay tinanggal nito ang pagkakabulsa ng kanang kamay niya at inangat iyon papunta sa akin upang guluhin ang buhok ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil nagulo na naman niya ang buhok ko.
"It's freaking Monday morning, Valientes. Why do you always have to mess my hair like that? I spent almost an hour just to straighten it up!" Singhal ko dito kaya naman napahalakhak siya.
"Good morning to you too, Marquez Mainit na naman ang ulo ng little sis ko. Bakit? Dahil ba hindi mo ako nakasabay kanina sa service? Miss mo na agad ako?" He playfully asked me kaya naman mas lalo akong napasimangot.
"Dream on, Valientes." I rolled my eyes at him na mas lalong ikinalakas ng halakhak niya. Isa pa 'to.
I don't know if he's being genuine. I feel like he's masking off his true feelings for us to to not be able to see him thorough. Kapag ako ang kausap niya, laging pang-aasar ang isinasalubong niya sa akin at tatawa kahit wala namang nakakatawa, parang dini-distract niya lang ang sarili niya kapag nandiyan ako.
O ginagawa niya lang 'yun para hindi ako maghinalang may nagbago sa kaniya.
Tapos 'yung pag-tawag pa niya sa akin ng 'little sis', it annoys me everytime he calls me that whenever I try to talk to him.
Oo na nga kasi! Kapatid na ang turing mo sa akin! You don't need to repeat it over again to remind me my place in your life!
Humalukipkip ako at tinitigan nang diretso sa mga mata si Jonathan Life, who suddenly became uneasy when he felt my suspicious stares at him. Magsasalita na sana ako at tatanungin siya ng mga tanong na bumabagabag sa akin, nang may sabay na tumawag sa pangalan namin.

BINABASA MO ANG
When He Left
Ficción General"Live your life to the fullest." Note: Currently under revisions (year 2022), please bear with the grammatical and typographical errors for now. I'm currently editing everything. Thank you! Happy reading! All rights reserved 2018