NANDITO ako ngayon sa tapat ng wishing fountain dito sa clubhouse ng subdivision namin. Dito naganap ang jindi ko pa noon maipaliwanag na malakas na pagtibok ng puso ko habang kasama ko si Jonathan Life. I thought I already catched an illness that could kill, but it's worst than that.
Kagagaling ko lang sa school at naglakad pauwi dahil hindi kami nasundo ni Jonathan Life by tatay Junie, it is due to an emergency sa bahay nila sa Antipolo. Samantalang hindi ko naman nakasabay si Jonathan Life dahil naging busy na naman siya sa girlfriend niya. Ayoko naman umuwi muna sa bahay dahil it is so boring, baka mabaliw lang ako kapag wala akong nakausap. Pati din kasi si nanay Cora ay umalis kasama ang asawa, while my parents, well they're kind of busy because of their new built business.
Kaya dito sa clubhouse ko naisipan tumambay muna. Kahit wala akong kausap ay ayos lang dahil nakakagaan naman ng loob ang paligid dito. I sighed as I stare at the wishing fountain na nasa harapan ko. Tinignan ko din ang mga coins na nakalubog sa tubig nito.
Eto na ba 'yon? Ganito ba ang true love na sinasabi nila? Kailangan ko ba talaga masaktan nang ganito?
Yumuko ako at mariin na tinitigan ang sapatos ko na ani mo'y makakakuha ako ng sagot sa tanong kong 'yon. Nang magsawa ako sa pagtitig dito ay saka naman ako nag-angat ng tingin na halos ikabuwal ko mula sa kinatatayuan ko. Paano ba naman kasi, nakita ko na naman ang lalaking gumugulo sa isipan ko sa kabilang side ng wishing fountain.
Quota na 'to ha? Dito niya din unang ginawa 'yan!
Kahit na nahaharangan ito ng estatwang anghel na naglalabas ng tubig galing sa hawak nitong paso ay malinaw na malinaw pa din sa mga mata ko kung sino siya.
"A-anong ginagawa mo dito Buhay?" Nauutal kong tanong na may halong pagtataka. Ngumiti lang ito sa akin at naglakad na papunta sa gawi ko. Nang makalapit siya ay pasimple naman akong lumayo upang hindi magdikit ang aming mga balat.
"Ikaw? Ano'ng ginagawa mo dito Buwan?" Umiwas ako sa mapanuri nitong mga titig at nag-angat na lamang ng tingin sa madilim na langit.
Nakita ko doon ang mga bituing nagkikislapan kaya maliwanag ito ngayon, hindi katulad noong mga nakaraang gabi na kakaunti lang ang nagpapakita na stars. Nakakamangha lang, minsan lang kasi magpakita ang ganito karaming stars sa langit. Minsan kasi ay natatakpan sila ng mga ulap, lalo na ang buwan.
I sighed bago ko siya matapang na nilingon.
Hindi naman niya ako maiintindihan at baka layuan niya pa ako kapag sinabi ko kung sasabihin ko kung bakit ako nandito. Kaya dadaanin ko na lang sa pagiging Kaycee Lunar ko na kilala niya ang magiging usapang 'to.
"So ganoon? Kapag nagtanong ako kailangan magtatanong ka din? Hindi ba pwedeng kapag nagtanong ako sagutin mo muna nang maayos, tapos 'saka ka magtanong sa akin? Nakakabaliw ka Buhay ha?" Dinagdagan ko pa ito ng pag-irap kaya narinig ko na naman ang naaaliw na halakhak nito.
"Alam ko namang madaming nababaliw sa akin eh, hindi ko naman alam na pati ikaw Buwan. Lakas talaga ng charisma ko." Pumalatak ito at humawak pa sa magkabila niyang bewang at tumingala.
Napanganga naman ako sa pagkamangha sa kayabangang tagalay nitong lalaking 'to. Kahit kailan talaga 'to!
"Tigilan mo ko Buhay ha! Nandito ako para mag-relax tapos nandito ka naman para buwisitin ako! Umuwi ka na nga sa inyo! Buwisit!" Mahina ko pa siyang tinulak na tinawanan lang na naman niya. Kinalaunan ay hinawakan nito ako sa ulo at ginulo ang buhok ko. Inis kong inalis 'yon at bahagya siyang tinulak na nakapagpahalakhak muli sa kaniya.

BINABASA MO ANG
When He Left
General Fiction"Live your life to the fullest." Note: Currently under revisions (year 2022), please bear with the grammatical and typographical errors for now. I'm currently editing everything. Thank you! Happy reading! All rights reserved 2018