Chapter 13

1.2K 20 1
                                    

"TAKE care princess, call us after your dismissal. We'll be fetching you instead of manong Junie. Let's dine outside for dinner, is it fine with you?" Papa asked me kaya naman napangiti ako nang malawak dahil doon.



"Of course 'Pa. I would love to have a nice dinner with you and mama. I'll just call you after our class ends." I smiled at them before I gave them kisses on their cheeks.




I waved them goodbye nang umandar na ang kotse ni papa papalayo. I contentedly sighed as I hold the straps of my backpack. I walked through the corridors of the high schools building as I remembered what happened earlier. Napakasaya at napakagaan sa puso nang nangyari kanina na ngayon ay muling nagpapangiti sa akin.




When I reached our classroom, I opened the door and silently put my bag on my chair. I scanned the classroom and that's when I met a pair of eyes from the person who always messes up with my mind and my heart.




Nasa katapat na row namin ang upuan nito dahil may seating arrangement na in-assign sa amin ang teacher namin sa subject namin ngayon, kaya hindi ko siya katabi ngayon.




Muli kong naalala ang nangyari kahapon sa school garden. Naalala ko ang mga sinabi niya kay Shiela Mae, ang mga masasakit at nakakamanhid na salitang sinabi niya patungkol sa akin. Napalunok ako.




I saw him standing up from his seat before walking towards my direction. While I stood there, glued from my place while waiting for him to get near me. When he reached my place, he took both of his hands inside his pants' pocket and stare at me for a couple of seconds. Kinunotan ko ito ng noo.




Hindi ko na kinaya ang pakikipagtitigan kaya ako na ang naunang kumalas sa titigan naming 'yon, doon ko narinig ang pagbuntong hininga ni Jonathan Life. He tried to get my attention again by holding my shoulders before making me look at his direction. There's this uncertain look on his eyes that made me confuse.




Siguro nakita niya ang nagtataka kong tingin kaya muli itong bumuntong hininga bago ibinaba ang mukha para magpantay sa mukha ko. Nahigit ko ang hininga at napaawang ang bibig nang makitang seryosong nakatingin sa akin si Buhay. Sinubukan kong ipaling ang ulo ko sa ibang direksyon dahil ako na ang nahihiya sa ginagawa niya ngayon, to think na we're inside our classroom and some of our classmates were probably looking at us!




"A-anong ginagawa mo diyan, k-kuya?" I mentally face palmed dahil sa pagkautal ko, pero naputol ang pagsermon ko sa sarili dahil sa sunod niyang ginawa.




Nanlaki ang mga mata ko nang ilapit pa ni Jonathan Life ang mukha niya sa mukha ko, na naging dahilan ng muli kong pagsinghap pati na din ng mga kaklase naming nakikiusyoso sa nangyayari.




I never dared to look at their direction dahil naka-focus ako sa ginagawa ni Jonathan Life sa akin, lalo na't kaunting galaw lang ng isa sa amin, maaari nang magbangga ang aming mga ilong.




He's doing it again. Making me confuse and making me uncomfortable




"Tell me Kaycee Lunar. Is the rumors about you dating, true?" Jonathan Life asked that made me tongue-tied.




Alam ko naman na malalaman at malalaman niya 'yon, pero ang ipinagtataka ko lang ay 'yung galit na nakikita ko ngayon sa mga mata niya. Why is he acting so weird now?





"Are you on drugs?" Natuptop ko ang bibig nang marinig kong naisatinig ko pala 'yon.





Dapat ay sa utak ko lamang 'yon sasabihin, pero hindi ko akalain na dadating at dadating pala talaga sa punto ng buhay ko na pagtataksilan ako ng sarili kong bibig!




When He LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon